Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 3 days ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ipanulukala ng DILG Emergency 911 sa Kongreso
00:04ang pagpapataw ng parusa sa mga nagpa-prank sa emergency hotline.
00:09Mas marami pangaraw ang natatanggap nilang prank calls
00:12kaysa sa totoong emergency calls.
00:15Saksi, Sivon Aquino.
00:19911, where's emergency?
00:22Bawat tawag mahalaga, bawat segundo, hindi dapat maaksaya.
00:27Pero marami sa mga tawag sa 911, prank calls.
00:31Yan ang isa sa mga hamo na kinaharap ngayon ng emergency 911 ang DILG
00:36na tumatanggap ng tawag nationwide.
00:39Sa tala nila mula January hanggang June 2025,
00:42umabot sa mahigit 900,000 ang prank calls na natanggap nila.
00:47Mas mataas pa nga ito sa totoong emergency calls
00:50na natugunan nila sa mga kaparehong buwan na umabot sa 33,957.
00:55Can you imagine, ma'am, resources ng gobyerno,
01:00di-dispatch, and alarming doon.
01:03Yung epekto ng legitimate emergency calls,
01:06talagang na-oovertikan pa nila.
01:10Kung baga sa queuing, sila pa yung nauuna, itong mga prank callers.
01:14Habang nandito kami sa kanilang call center sa Quezon City,
01:17ilang beses naming nasaksihan ang pagtanggap ng prank calls
01:21ng telecommunicators.
01:22Kahit prank calls lang, inire-record pa rin nila.
01:45Kung ilang beses lang nangluloko ang caller, pinadadalhan ng text message.
01:50Nini-message po natin sila na not to use this emergency line
01:54because this is dedicated exclusively for emergency,
01:58nakaka-distract kayo ng servisyo.
02:01Pinapa-monitor natin yan na nababawasan naman po itong number na ito.
02:06Pero ang ganitong problema,
02:07matutugunan na nila kapag naipatupad na ang modernization sa kanilang sistema.
02:12Malolocate na po natin, meron na pong emergency location services.
02:16Pupuntahan kayo, andyan ang kapulisan natin para mag-file ng kaso laban sa kanilang.
02:21Buway ang nakasalalay sa bawat tawag na kanilang tinatanggap,
02:24kaya naman panawagan ng Emergency 911 National Office,
02:28huwag itong paglaruan.
02:30Laging isipin na paano kaya kung emergency call mo naman ang maunahan ng prank calls.
02:35Magpapropose rin daw sila sa Kongreso ng Parusa para sa prank callers.
02:41Plano rin ang DILG na isama sa ilulunsad na Unified 911 Emergency System
02:46ang help desk para sa mental health concerns.
02:49Ide-deploy daw ang mga trained professional mula sa National Center for Mental Health
02:53para magbigay ng psychosocial support.
02:56Plano na rin dagdaga ng telecommunicators na sa ngayon ay 42 pa lang na nahati sa dalawang shift.
03:02Ayon sa DILG, target na ipatupad ang full nationwide rollout sa Agosto o Setsyembre ngayong taon.
03:09Para sa GMA Integrated News, Bon Aquino ang inyong saksi!
03:14Malaking tipid para sa maraming estudyante ang 50% discount sa pamasahe sa LRT at MRT.
03:20Pero may ilang hindi na nagpa-diskwento dahil sa mahabang pila sa mga student lane.
03:25Saksi si Joseph Moro.
03:27Sa bagong lagay na student lanes na ito sa LRT 2 Legardo Station sa Maynila, Pumila,
03:37ang mga estudyante ang nag-uwian kaninang hapon, kabilang sa mga nagtsaga si CJ.
03:42Pasok po minsan is mga 5.
03:44Nagsasabay-sabay po din mga bab talaga yung pila.
03:47Dito naman po discounted, din maglilis na nalang po.
03:49Naglagay ang LRT at MRT na mga student lanes dahil itinaas na nila yung discount mula 20% at ginawa itong 50%
03:57para daw mas madali yung pagpuproseso ng mga discount para sa mga estudyante.
04:03Epektibo ang discount hanggang 2028 pero para lamang sa mga single journey tickets.
04:09Halimbawa, yung 15 pesos na minimum ng pumasahe magiging 8 pesos na lamang.
04:14Pero para ma-avail ang discount, tinitingnan pa ang ID at inililista ang apelido, student ID number, at nagpapapirma sa counter.
04:23I think all goods naman since sila naman din yung nag-awak, yung first time is hindi naman full.
04:29Hindi naman din siya yung full details yung nalalagay.
04:32Kaya may mga hindi na lamang nagpapadiscount para di na pumila at makabiyahe agad.
04:37Hindi na po.
04:39Mayaman pa.
04:40Opo, kaya pa naman po.
04:42Di pa kung pwede siya pinipiligro.
04:43Sa MRT3 Cubao Station naman, may mga ilan-ilan na rin pumila sa student lane para makatipid.
04:48Less na yung iaalat kong pera sa transportation cost ko.
04:55Magamit ko siya sa school.
04:56Malaking tulong po.
04:57Yung nababawas po sa 50% na ito, pwedeng magamit sa pangkain.
05:03Ang LRT Line 1 na pinapatakbo ng isang pribadong kumpanya maglalagay naman ng queuing system
05:09para hindi ma-delay ang mga estudyante yung kukuha ng discount.
05:12Sabi ni Transportation Secretary Beans Liso, naglagay sila ng student lanes para mas madali daw ang pag-verify ng student discounts.
05:20Required niya ang ilang detalye para masuri ng komisyon ng audit o koa kung tama ang gasto sa programa.
05:27Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong ang inyong saksi.
05:30Isang recruitment agency sa Maynila ang nabistong nag-aalok ng trabaho abroad.
05:36Kahit na wala naman ito sa mga active job orders sa ibang bansa.
05:40Ayon sa Department of Migrant Workers, ipinasara na nila ito ganyan din ang kakuntsatang travel agency.
05:47Saksi si JP Siriano.
05:52Nag-a-apply para maging fruit picker.
05:54Ang dating OFW na si Clem, di niya tunay na pangalan.
05:57Pero hindi raw siya makaalis-alis kahit nagbayad na ng placement fee at iba pang requirement.
06:04Nag-down po ako ng 100,000 para sa processing fee daw po nila.
06:10Hanggang po sa hanggang ngayon, di na po ako nakaalis.
06:13Lagi kaming nare-refuse sa Poland Embassy po.
06:18Sa mga dala namin papel na, which is, alam namin eh, peki na pala yung mga ibang dokumento namin.
06:25Dito na isinumbong ni Clem, ang Reliable Recruitment Corporation sa Department of Migrant Workers.
06:31Sa pakikipag-ugnayan ng DMW sa Manila Police, natuklas ang kumukuha ng mga aplikante ang Reliable Recruitment Corporation,
06:39pero ang inaalok na trabaho, wala pala umanong aktibong job orders.
06:43Nakasaad sa batas na para makapag-recruit, kailangang may active job orders na makikita sa database ng DMW.
06:51Nang puntahan ang Recruitment Agency sa Ermita, Manila, walang mga staff sa loob.
06:57Agad na itong pinaskilan ng closure order ng DMW.
07:01Lumabas din sa investigasyon na may kakontsaba o mano itong travel agency.
07:06Kasi conduit sila ng other, ng Recruitment Agency na registered.
07:10Ang nangyayari, dun sila nagsa-seminar, tapos dito naman sila nagpa-process sa travel agency.
07:16Ito yung modus na ginagawa ng ating dalawang agencies.
07:20Sa isang operasyon, nagpanggap na aplikante ang isang police asset at nagpunta sa Raven Air Travel Tours and Consultancy.
07:29Siningil daw siya ng down payment na 70,000 pesos para ma-proseso raw ang kanyang application.
07:35Hindi po yung labot din na siya.
07:37Siya, siya, siya.
07:38Siya yung tumanggap ng pera.
07:40Passport nila ito.
07:42Aplikante.
07:44So marami kayong passport dito.
07:45Ang tumanggap ng Mark Money, napaiyak na lang at lumapit sa isa sa mga kasamahan sa ipinasarang travel agency.
07:53Agad din siyang inaresto ng MPD.
07:55Ipinasara rin ang naturang travel agency.
07:58May mga palipad na, may mga paalis na.
08:01At anong nakalagay sa envelope?
08:03Recruit for departure, under process ang recruitment.
08:07Saan ka nakakita ng isang travel agency?
08:09Eh, pwedeng mag-recruit at pwedeng magpaalis ng OFW.
08:13Ilang beses naming sinubukang kunin ang panig ng Reliable Recruitment Corporation at Raven Air Travel Tours and Consultancy.
08:21Pero wala raw maaring magsalita sa kanila.
08:24Kaya iniwan namin ang aming contact number at email.
08:27Para kay Clem, masaya raw siyang wala nang maloloko.
08:31Pero...
08:32Sinanla ko po yung lupa kung kinatitiri ka ng aming bahay po para lang po mag-process sana sa...
08:38Eh, naloko na po eh. Wala na po tayong magagawa.
08:41Wala na po yung nasa itas na magbigay ng ano sa kanila kapaparasan po.
08:47Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, ang inyong saksi.
08:54Inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga produkto at servisyo sa bansa,
08:58tumaas sa 1.4% ngayong kunyo.
09:01Base sa datos ng Philippine Statistics Authority,
09:05ilan sa mga pangunahing nagambag sa pagbilis na inflation
09:08ang mabilis na pagtaas ng singil sa kuryente at mas mabilis na pagtaas ng tuition.
09:13Ayon sa PSA, maaaring tumaas din ang inflation rate sa mga susunod na buwan
09:18kung hindi maaagapan ang pagmahal ng ibang bilihin tulad ng baboy, manok at isda.
09:24Batid daw ito ng Department of Agriculture kaya may nilalatag na raw silang mga plano.
09:28Sa kabila niyan, sabi ng PSA, mas gumaan ang gastusin para sa bottom 30%
09:34dahil sa bumabawang presyo ng ilang bilihin tulad ng bigas.
09:38Dagdag ng mga cold storage facility, planong ipatayo sa General Santos City.
09:43Sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos nang pamunahan niya ang inspeksyon kanina
09:47sa Fishport Complex sa Lunsul.
09:50Matapos marinig ang hinain ng mga maing isda,
09:53kaugnay sa kalidad ng mga isda ang umaabot sa merkado.
09:56Tututukan din daw ng Pangulo ang pagtugon sa problema ng mataas na gastusin
10:01sa pagbiyahe ng mga nauhuling isda.
10:03Magtatayo tayo ng mga fishport, mga agricultural port
10:07para mabawasan ang ating transport cost,
10:11pati ice plank para dun sa maliliit na bagsakan
10:16e meron pagkukuhanan ng yelo
10:18para hindi lamang para dun sa lugar
10:21para paglabas, paglalaot ang mga bangka
10:24meron dalang yelo
10:26para laging sariwa yung inyong uli.
10:32Nanguna rin ang Pangulo sa pamamahagi ng tulong pangkabuhayan
10:35sa maliliit na maing isda.
10:37Para sa GMA Integrated News,
10:39ako si Buenadea Trellas, ang inyong saksi.
10:49Balak na House Prosecution Panel
10:51na magsumite ng mosyon sa Senate Impeachment Court
10:53para idaos na ang pre-trial
10:55sa reklamo laban kay Vice President Sara Dutente.
10:58Malamang sumunod na rin ang mga prosecutor
11:01na ipadala sa Impeachment Court
11:03ang hinihingi sertifikasyon.
11:05Saksi, si Tina Pangaliban Perez.
11:09Kahit anila wala itong basehan sa konstitusyon o batas,
11:14malamang sumunod pa rin ang kamera
11:15sa utos ng Impeachment Court
11:17na magsumite ng sertifikasyong
11:19interesado itong tituloy ang impeachment
11:22laban kay Vice President Sara Duterte.
11:25Ayon yan sa isa sa mga magiging prosecutor.
11:27Pag may order yung korte,
11:30kahit na gaano mo ka,
11:33no matter how wrong or stupid that order is,
11:38you still usually end up complying.
11:41Just to satisfy the court.
11:43May constitutional basis ba?
11:45Or basis in law?
11:46Ah, po, I find no basis eh.
11:50Kasi once it is filed,
11:51it's already there.
11:52Parang it's like,
11:54bakit mo pa ipatanong?
11:56Eh, we filed it nga eh.
11:58May problema talaga,
12:00di ba?
12:00Questionable.
12:01Wala namang legal basis eh.
12:03Sabi pa ni ML Partylist Representative Laila Delima
12:07na inaasahang magiging bahagi ng House Prosecution Panel
12:11tila tinatrato raw ng Impeachment Court ang kamera
12:14na sunog-sunuran lang sa lahat ng iutos nito
12:17kahit wala naman daw basehan sa konstitusyon o sa rules.
12:21Para umusad na ang impeachment proceedings,
12:24balak ng House Prosecution Panel
12:26na maghain sa Senate Impeachment Court
12:28ng mosyon para idaos na ang pre-trial.
12:31Welcome naman para sa Impeachment Court.
12:33Ang kahandaan ng kamera
12:35na tumugon sa ikalawang certification
12:37na hinihingi nito.
12:39Para sa GMA Integrated News,
12:41ako si Tina Panganiban Perez,
12:44ang inyong saksi.
12:46Pumanaw po sa edad na 78
12:48ang veteranong showbiz columnist,
12:50TV host at talent manager
12:52na si Lolit Solis.
12:54Kinumpirma ng anak niyang si Sneezy
12:56ang malungkot na balita.
12:58Ayon kay Sneezy,
13:00inatake sa puso ang kanyang ina
13:01habang nasa ospital.
13:04Bumuhos ang pakikiramay
13:06para kay Solis
13:07ng mga nakasama niya sa industriya.
13:10Si Solis ay dating host
13:11ng StarTalk
13:12dito sa GMA.
13:14Mga kapuso,
13:16maging una sa saksi.
13:18Mag-subscribe sa GMA Integrated News
13:19sa YouTube
13:20para sa ibat-ibang balita.
13:22sa gmimi na sa nge-besa STA pod
13:28sa …
13:28logonaw po sa

Recommended