Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/4/2025
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Biyernes, July 04, 2025.


- MISSING SABUNGEROS: Patidongan: Isa si Barretto sa mga sumang-ayon kay ang na dapat iligpit ang mga sabungerong nandaya


- MISSING SABUNGEROS: Kampo ng aktres na si Gretchen Barretto, iginiit na wala siyang kinalaman sa pagkawala ng mga sabungero


- MISSING SABUNGEROS: 15 pulis na isinasangkot sa pagkawala ng mga sabungero, inilagay sa restricted duty


- Hanging bridge, nasira sa gumuhong lupa at pagdausdos ng malalaking bato


- Matinding ulan, naranasan sa La Union; maulan na rin at bawal pumalaot sa ilang lugar


- 12 PUV drivers, huling tumataya umano sa e-sabong; sobra rin umanong maningil ng pasahe 'pag talo


- MISSING SABUNGEROS: Mga inuutusang pulis, may payola umano mula kaya Atong Ang; halaga sa isang voucher: P2M


- 150 pcs ng mga pinekeng P1,000 bill nakumpiska sa 2 dating empleyado ng POGO


- Lolit Solis, pumanaw sa edad na 78


- Mga estudyante, kailangang pumila sa student lanes para maka-50% discount sa single journey tickets


- Bagyong Bising, pansamantalang lumabas ng PAR; pero posibleng bumalik sa mga susunod na araw


- 15 bahay, nasunog sa Sta. Cruz, Manila; 4 sugatan sa sunog


- Recruitment at travel agency na nagre-recruit kahit na walang active job order, ipinasara ng DMW


- "Cruz vs. Cruz" stars Vina Morales at Gladys Reyes, pinuri sa kanilang viral video habang in character




24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
 #24Oras #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Live from the GMA Network Center, ito ang 24 Horas.
00:22Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:25So mga ayon umano si Gretchen Barreto at ilan pang kasama
00:31nang tanungin ni Atong Ang kung dapat nang iligpit ang mga sabongerong nandaya.
00:38Ayon pa rin yan sa whistleblower na si Dondon Patidongan
00:41na nagdetalye ng mga nasaksihan at narinig sa isang pulong ng binansagan niyang Alpha Group.
00:48Ito po ang grupo ng mga taong pinakamalalapit kay Atong Ang kung saan kabilang umano si Patidongan.
00:53Gayun din anya si Barreto at iba niyang isinangkot sa pagkawala ng mga sabongero.
00:59Narito ang aking pagtutok.
01:04Kuha ito sa binyag ng anak ni Julie Dondon Patidongan alias Totoy.
01:09Tumayong ninong at ninang doon ang matagal niyang naging boss na si Charlie Atong Ang
01:14at ang aktres na si Gretchen Barreto.
01:17Ang pangalan ng anak ko, Don Chin Le.
01:20Doon ko kinuha yung Don sa akin, yung Chin, Gretchen, yung Le, Charlie.
01:27Yun kinuha ko yan. Kinuha ko sa pangalan nilang dalawa.
01:31Kinuha rin niyang ninong ang isa paraw kasosyo ni Ang na si Engineer Celso Salazar.
01:36Silang tatlo, idinawit ni Patidongan sa kaso ng mga missing sabongero.
01:41Kwento ni Patidongan, magkakasama daw sila, nina Barreto at Salazar sa Alpha Group ng negosyante.
01:47Group roo ito ng mga taong pinakamalalapit kay Ang na may-ari ng Lucky 8, Starquest Incorporated,
01:53ang operator ng sabongang Manila Arena.
01:57Sa isang pulong daw ng Alpha Group, tinanong sila ni Ang kung dapat daw dukutin
02:01at iligpit ang mga sabongerong di umunoy ng daraya, kabilang daw si Barreto sa mga sumang-ayon.
02:07Alam nyo naman na kasama ni Mr. Atongan yan at saka Alpha yan.
02:14Pag sinabing Alpha, doon sila, kasama sila sa nag-meeting-meeting,
02:19kasama siya sa pumayag na walain yung mga sabongero.
02:24Ngayon, isa sa tumaas ng kamayan.
02:27Si Gretchen Barreto.
02:28Tumaas ng kamay, ano ibig sabihin nun?
02:30Ibig sabihin, napayag siya na pumabor siya doon sa kagustuhan ni Mr. Atongan.
02:39Kasama sa pumayag si Gretchen Barreto.
02:43Isa siya sa pumayag na walain yung mga natsutsupi.
02:48Kasi sabi nga ni Mr. Atongan, pag hindi natin gawin yan, babagsak yung negosyo natin.
02:55At imposibleng matututul siya, ikatabi siya mismo lagi ni Mr. Atongan pag nag-meeting.
03:02Ibig sabihin, taasan ng kamay yun.
03:04Paburan yan, tinitingnan kung sino ang against o hindi.
03:07Meron ka pa bang ibang ebidensya kay Gretchen?
03:10Lagi kasama ni Mr. Atongan yan.
03:12Ilang beses daw niyang nasaksihan ang ganitong meeting sa may malaking opisina sa Manila Arena.
03:18Anim sa mga nawawalang sabongero ay huling nakita sa Manila Arena.
03:22Base sa CCTV na ito noong January 13, 2022.
03:27Kaya si Pati Dongan may pakiusap kay Barreto.
03:30Kaya Ma'am Gretchen, para matapos na ito madam, tutal tulungan mo na ako sa kaso mo dito para maawa ka naman, makonsensya ka naman sa dun sa mga nawalang sabongero.
03:41Hinihinga namin ang reaksyon si Naang, Barreto at Salazar sa mga bagong pakayag ni Pati Dongan.
03:47Para sa GMA Integrated News, Emil Sumangil, Nakatutok 24 Horas.
03:52Kasunod ng pagturing ng Department of Justice kay Gretchen Barreto bilang suspect sa kaso na mga missing sabongero,
04:01iginiit ng kampo ng aktres na wala siyang kinalaman sa pagkawala ng mga sabongero.
04:06Sa isang payag, sinabi ng abogado ng aktres na si Atty. Alma Malyonga na wala daw siyang dinaluhang meeting kung saan hiningi ang approval para sa pagkawala ng mga sabongero.
04:19In-invento lamang daw na ang ikwentong yun.
04:23Nalulungkot si Barreto na dahil dito, naging tampulan siya ng hindi magandang spekulasyon na nakabase sa chismis.
04:31Guit niya.
04:31Ang aligasyon ng umanoy whistleblower na si Julie Dondon Pati Dongan ay batay lamang sa suspecha.
04:40Kahit wala daw itong nasaksihang ginawa o sinabi si Barreto, malisyoso daw itong gumawa ng spekulasyon na sangkot si Barreto
04:48dahil malapit ito o malapit ito kay Atong Ang.
04:53Narinig lamang daw ni Barreto ang pagkawala ng mga sabongero at wala siyang alam tungkol dito.
04:58Hindi raw siya nag-operate ng sabongan, wala rin paper sa isabong operations at isa lang daw siya sa dalawampung investor na kung tawagin ay alpha members.
05:10Kinumpirma rin ni Barreto na may nagtangka umunong ng ikil sa kanya, kapalit ng pag-alis ng kanyang pangalan sa listahan ng mga suspect.
05:19Tinanggihan daw ito dahil wala raw siyang ginawang mali.
05:23Handa raw makipagtulungan si Barreto sa investigasyon at nananawagan siya ng patas na proseso.
05:30Naka-restricted duty na ang labing limang polis na'y dinadawit sa pagkawala ng mga sabongero.
05:38Binigyan na rin ang seguridad ng polisya si Dondon Patidonga.
05:42At nakatutok si Chino Gaston.
05:47Labing limang polis na isinasangkot sa pagkawala ng mga sabongero ang inilagay na sa restricted duty ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulia.
05:57Nag-carry out ng executions. Under restricted duty na sila. They have to report already to offices para dun na sila. Para hindi na sila makasakit.
06:08Nabasa na rin ang kalihim ang statement ni Julie Dondon Patidongan na dati gumamit ng alias Totoy.
06:14Alam ko signed na yung statement na yun pero just the same. May statement talaga na nabasa ko.
06:20Bukod pa raw ito, sa ibang ebidensyang hawak na ng DOJ.
06:31Maraming tayong ibigay pa itong klaseng ebidensya. We have CCTV footages. Marami, marami tayong ibang hawak.
06:39Pero ayon kay Remulia, hindi madali ang pag-iimbestiga nila.
06:43Mabigat lang talaga itong laban dito kasi nga sobrang daming pera at sobrang daming koneksyon.
06:49Actually, there are 20 people in the alpha list. Ang tinatawag na alpha list, yun yung alpha group ng e-sabong.
06:58The alpha group is the main group that run the show at e-sabong.
07:04Samantala, binigyan na ng security ng PNPC Patidongan.
07:07Andiyan ng WPP, nakaalalay lang. But so far, the security is under General Tore.
07:13Kinausap din ni Remulia ang mga kaanak ng mga biktima na nagpunta sa Justice Department.
07:18Sabi nila, nabigyan sila ng linaw at pag-asang makakamit ang hustisya.
07:23Hindi na kami nagulat kasi in the first place, sa ibang kasama namin,
07:29ito naman sa lugar niya nawala.
07:31Tapos yung brother ko na si John Lasco ay isang master agent.
07:38Wala naman kasi ibang pwedeng taong may interest sa kanya kung yung kapatid ko nga ay nakagawa ng hindi maganda.
07:51Alam namin, alam namin, hindi na kami magugulat.
07:54Noon pa, dahil naririnig namin na kahit nung hindi pa nakidnap yung anak ko,
08:02dahil naririnig namin na may ganyan na pangyayari.
08:06Hindi namin titigilan ito. Talagang kailangan ng hustisya.
08:10Alam mo, ang kaluluwa natin bilang mga Pilipino, nakatayari ito.
08:13Dapat dito, hindi tayo mapayag na pera-pera lang ang naging Panginoon ng Pilipino.
08:18May impormasyon na rin aniya sila kung saan sa Taal Lake posibleng itinapo ng labi ng mga nawala.
08:24Pero nagpapatulong pa rin ang DOJ sa Japanese government para sa kanilang remotely operated vehicles
08:30na pwedeng sumisid at lumika ng mapa ng lakebed.
08:34Ilan sa mga kaanak ang gustong sumama sa paghahanap ng mga labi sa Lake Taal.
08:39Para sa GMA Integrated News, sino gasto na katutok 24 oras?
08:44Nasira ang isang hanging bridge sa bahagi ng Itogon sa Benguet
08:49dahil sa mga pagulan na nagdulot ng mga pagguho ng lupa at pagdausdos ng malalaking bato mula sa Baguio City.
08:59Nakatutok live si Jasmine Gabrielle Galvan ng GMA Regional TV.
09:05Jasmine?
09:08Mel, patuloy ang monitoring ng otoridad sa mga meneros sa Itogon, Benguet.
09:13At ngayon kasing may banta ng landslide sa lugar, mahigpit na ipinagbabawal ang pagmimina sa bayana.
09:23Ilang araw nang paunti-unting dumadausdos ang naglalakihang mga bato mula sa bundok
09:28sa bahaging ito ng Itogon, Benguet dahil sa lakas ng ulan.
09:32Nasira tuloy ang hanging bridge na binadaanan ng mga residente.
09:35Dahil sa pangambang madamay ang bahay niya sa barangay Virac,
09:38inilipat na ni Aling Rosemary ang mga gamit nila sa mas ligtas na lugar.
09:43Nininervous kami ah.
09:44Hindi kami nakatulog.
09:46Lalo na ta nung nag-start yun.
09:49Mga hapon na.
09:52Malapit na ang dumilim.
09:55Kaya nga nag-anong kami, nag-backwit kami lahat.
09:58Kaninang umaga, muling nagka-landslide sa lugar.
10:01Mano-manong isinasagaw ang cleaning operation ng mga residente,
10:04mga volunteers at mag-inang DPWH dito sa lugar.
10:08Minamadali ang clearing operation dahil kung magtutuloy-tuloy ang buhos ng ulan,
10:12ay posibleng dumausdos pa ang naglalakihang mga bato na ito pababa
10:16at madamay ang mga kabahayan.
10:18Ganon din ang eskwelahan na ilang metro lamang ang layo mula dito sa aming kinaroonan.
10:23Hindi makagamit ng backhoe para mapadali ang clearing
10:25dahil walang madaraanan ng mga heavy equipment.
10:28Dahil sa banta ng landslide,
10:30nagbabantay ang mga otoridad para wala munang makapasok sa mga tunnel na mga minahan.
10:35Talagang wala, pinaalis na namin sila lahat.
10:38Noong una, marami, pero ngayon wala na.
10:40Medyo talagang nakuan na sila kasi wala.
10:43Pag may kuan dito, di madadamay silang lahat.
10:46Maliban sa Itogon,
10:48walang ibang na monitor na pagguho at pasabol ang ibang kalasada sa Cordellera
10:51base sa monitoring ng Office of the Civil Defense ng Riyon.
10:55Pero binabantayan ang mga landslide-prone areas.
10:57Isa sa mga babantayan po natin dito is yung ating probinsya ng Abra
11:01at probinsya ng Apayao dahil nga sila yung nandun sa extreme north ng Cordellera.
11:06At yan yung mga possibility mas malapit doon sa rain bands ng ating tropical depression, Bising.
11:16Mel, tiniyak ng mga barangay official na hindi na muna pauuwiin ang mga residente sa kanika nila mga bahay
11:21hanggat mayroon pang banta ng landslide.
11:23Samantala, simula kahapon, tuloy-tuloy yung distribution ng food packs ng LGU sa mga apektadong residente.
11:30Mel?
11:31Maraming salamat sa iyo, Jasmine Gabriel Galvan ng GMA Regional TV.
11:37Binaha naman ang ilang lugar sa Kandon, Ilocos Sur.
11:40Habang maula na sa Ilocos Norte at sa La Union kung saan nag-zero visibility kanina,
11:45bawal na rin pumalaot ang mga mga isda.
11:48Mula sa Ilocos Norte, nakatutok live,
11:50Si Darlene Kai. Darlene.
11:54Emil, pabugsubugsong pagulan at makulimlim na kalangitan yung naranasan buong araw sa ilang bayan dito sa Ilocos Norte.
12:01Sa ibang bahagi naman ng Northern Luzon, tulad na lang doon sa dinaanan naming probinsya ng La Union,
12:06ay mas malakas na pagulan yung naranasan.
12:08Halos zero visibility sa highway dahil sa tindi ng ulan nang dumaan kami kaninang hapon.
12:19Maghapon naman ang panakanakang pagulan sa Ilocos Norte kung saan labing isang lugar ang isinailalim sa signal number one dahil sa bagyong bising.
12:27Sa ngayon, tama lang daw yan para mabasa ang mga palayan kaya sinamantala ng ilang magsasaka.
12:32Pero sa bayan ng Pasukin, abahala na sa mga mangingisda ang pagpapalakas ng bagyo ng mga alon.
12:37I-dinaasan nila ang kanilang mga bangka, lalo't bawal na rin pumalaot.
12:41Naka-alerto na ang mga residente sa coastal areas.
12:45Handa na rin ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at ang Kapitolyo.
12:49Naka-ready naman na po lahat yung mga kailangan na paghandahan.
12:56Nag-preposition na po ng mga family food parks, particularly sa Kurimao, sa Pasukin, and this morning sa Pagodbon.
13:05Wala pa anyang lumilikas pero tuloy ang pagmumonitor nila, lalo sa mga madalas bahain o may mga banta ng pagguho ng lupa.
13:13Sa Ilocos Surnga, may bahana, particular sa lungsod ng Kandon.
13:18Mahigpit ng minumonitor ng CDRMO ang mga ilog.
13:21Emil, balik tayo dito sa Ilocos Norte.
13:28Gusto ko lang abisuhan yung mga kapuso natin na darayo dito ngayong weekend.
13:32Suspendido muna yung water-related activities kagaya ng swimming at ibang water sports sa bayan ng Pagodpod.
13:38Habang nakataas po yung signal number one doon ayon sa MDRMO.
13:43Patuloy po tayong magantabay sa mga anunsyo.
13:45Yan ang latest mula rito sa Ilocos Norte. Balik sa'yo, Emil.
13:48Maraming salamat, Darlene Kai.
13:51Atrasado ang biyahe ng ilang public drivers sa Paranaque.
13:55Matapos silang mahuling tumataya umano sa isabong kahit bawal,
14:01sobra pa umano sila kung maningil ng pasahe kapag natatalo.
14:06Nakatutok si June Veneracion.
14:08Mahikita ang kumpulan ng mga PVD driver na iligal umanong nagsusugal sa pamamagitan ng isabong
14:18sa surveillance na ginawa ng District Special Operations Unit ng Southern Police
14:23sa taxi lane sa PITX sa Paranaque City noong isang araw.
14:27Kinabukasan July 3, inoperate sila ng mga otoridad.
14:32Labing dalawang driver ang arestado dahil tumataya umano sa isabong.
14:37Sugal na, ipinahinto na noon pang nakarang administrasyon.
14:42Nakuha sa kanila ang dalawang cellphone kung saan makikita pa ang sulta dalawang manok.
14:50Nakuha rin ang umanong itaya na mahigit 3,000 piso.
14:54Nagugat ang operasyon dahil sa sumbong na nakarating sa NCR Police Office
14:58na may mga PVD driver sa pilahan sa PITX na sobra-sobra raw kung maningil sa kanilang mga pasahero
15:05kapag natatalo sa online gambling gaya ng isabong.
15:09It isn't just about gambling. It's about accountability.
15:15Kapag isinusugal ng mga tsuper ang kanilang tita at bilabawin ito sa mga pasahero
15:20sa pamamitan ng suprang singil sa pamasay.
15:25Nagiging isyo ito ng kalitkasan ng publiko.
15:28Sana po ay atigilin na po natin ang pagsusugal natin
15:31dahil lang yung kapulisan ay agresivo po sa kampanya po sa illegal gambling.
15:37Nahaharap sa reklamong illegal gambling ang mga naaresto.
15:40Hindi ko po alam na illegal. Kasi meron siya eh. Nakakataya ka naman eh.
15:44Parang ano lang, tanggal stress lang. Pagka nakapila, yun.
15:48Wala po akong up, sir. Sahit sa anong cellphone ko, sir.
15:51Itinanggi rin nila na sobra silang maningil sa mga pasahero para tususan ang pagsusugal.
15:56May tao rin sila. QA. Kaya hindi ka makakapag-overcharge.
16:04Para sa GMA Integrated News, June Venerasyona Katutok, 24 Horas.
16:17Iprinisinta ng whistleblower na si Dondon Patidongan ang Petikasha Voucher
16:21na patunay umano ng mga ibinabayad nila sa mga polis na tumatrabaho ng utos ni Atong Ang.
16:26Ang halaga sa isa sa mga voucher, mahigit 2 milyong piso.
16:31Tunghayan sa aking pagtutok.
16:34Sa kwento ni Julie Dondon Patidongan alias Totoy sa GMA Integrated News,
16:42ang go-signal sa pagdukot at pagbatay sa mga nawawalang sabongero ay galing umano kay Ang.
16:48Nalalaman daw niya ito dahil isa raw si Patidongan na kumakausap sa mga polis na gagawa ng lahat ng utos.
16:55Sa kada utos, may bayad daw. May buwanang payola rin daw ang ilang polis mula kay Ang.
17:02Nung martes ng gabi, ibinigay na ni Patidongan sa mga polis sa mga Petikash Voucher na ito na naitago raw ni Patidongan.
17:09Sabi niya, ito raw ang patunay ng mga binabayad nila Atong noon sa mga polis.
17:14Ang isang Petikash Voucher, nakapangalan umano sa isang polis colonel na may halagang 200,000 pesos.
17:222,000,000 pesos naman umano para sa isang polis lieutenant colonel at mahigit 2,600,000 pesos umano para sa isang unit ng PNP na siyang tumrabaho raw.
17:32Intel lang kasi nakalagay doon. Pag sinabing Intel, yun na yung 500,000, yun na yung bayad sa mga pinatay nila.
17:41Yung overall naman na kinukuha ng isang colonel, yun ang mantlin niya, 2 million.
17:48Ano kapalit doon? Ba't yung libigay ng 2 million?
17:51Ay, yun na yun. Sa trabaho, yung protection lahat na.
17:55Yun yung, kumbaga, mas malaki yung colonel dahil mga tao niya yung nandoon.
17:59Sabi ni Dondon, paninindigan niya ang mga sinabi niya hanggang korte.
18:04Hinihinga namin ang reaksyon si Ang at ang PNP sa mga bagong pahayag ni Pati Dongan.
18:09Para sa GMA Integrated News, Emil Sumangil, Nakatutok 24 Horas.
18:15Mahigit sandaang piraso ng mga peking sanlibong piso ang nakumpiska ng mga otoridad sa dalawang dating empleyado ng Pogo sa Las Piñas.
18:24Ibinibenta raw ito ng mga sospek online sa halagang P150 pesos kada piraso.
18:32Nakatutok si June Veneracion.
18:39Mabilis na napalibutan at na-aresto ng mga polis.
18:43Sa Entraped Operation, ang dalawang nagbebenta o manon ng peking pera online.
18:47Nakuha sa kanila ang 150 pieces ng peking 1,000 peso bill.
19:03Isinagawa ang operasyon dahil sa namonitor ng Banko Sentral ng Pilipinas.
19:08Napagbebenta online ng mga sospek ng peking 1,000 sa halagang P150 pesos kada piraso.
19:14Na-monitor kasi natin na may online group talaga na nagbebenta.
19:20So several groups pa ito.
19:23Lantaran talaga kasi ang title nila is fake money slash black dollar for sale.
19:29Lumaba sa investigasyon ng PNP anti-cybercrime group na mga dating Pogo worker ang mga na-aresto.
19:35Inaalam pa kung kanino nila nakuha ang peking pera.
19:38Pero hindi raw imposibleng malaking distributor ang nagsupply sa kanila.
19:42They started selling this fake money noong nag-stop na sila doon sa Pogo operation.
19:47So kaya nga meron pa kaming tinitingnan sa likod nitong dalawang tao nito at baka meron pang mas malaki na tao.
19:56Sabi ng Banko Sentral ng Pilipinas, mukhang apurahan at low quality ang pagkakagawa ng peking pera.
20:03Pero kung hindi mag-iingat, hindi imposibleng meron pa rin magkamali at mabiktima.
20:08Ang tinatawag natin dito, watermark. So viewed against the light, kung ano yung figures na nandito, dapat nandito rin.
20:16So malino yung detalyo ng ano dito, watermark.
20:19Say general yan. Alos wala kang makikipay.
20:22Nasampahan na ang mga suspect ng reklamong illegal possession and use of false treasury or banknotes.
20:28Kaugnay ng Cybercrime Prevention Act of 2012.
20:31Itinanggin nilang kanila ang mga peking pera.
20:34Sir, bakit po kayo yung nakakuloy ng mga polis yung niligusin niyo yung mayroong araw?
20:42Para sa GMA Integrated News, June Valerasyon na Katutok, 24 oras.
20:47Pumanaw sa edad na 78 ang veteran showbiz columnist na si Loli Tsolis.
20:53Kinumpirma yan ng anak niyang si Sneezy ang malungkot na balita.
20:57Pagbabahagi niya, inatake sa puso ang kanyang ina habang nasa ospital.
21:02Bumuhos ang pakikiramay para kay Solis ng mga nakasama niya sa industriya.
21:08Laking ginhawa sa bulsa ng mga estudyante ang 50% discount sa pamasahe sa LRT at MRT.
21:14Pero takaw oras yan kung marami sila at kailangan pumila sa mga student lanes sa ilang istasyon.
21:21Nakatutok si Joseph Moro.
21:23Sa bagong lagay na student lanes na ito sa LRT 2 Legardo Station sa Maynila, pumila,
21:33ang mga estudyante ang nag-uwian kaninang hapon, kabilang sa mga nagtsaga si CJ.
21:37Pasok po minsan is mga 5. Nagsasabay-sabay po, then mga bab po talaga yung payla.
21:42Dito naman po discounted, then maglilis na nalang po.
21:45Naglagay ang LRT at MRT na mga student lanes dahil itinaas na nila yung discount mula 20% at ginawa itong 50%
21:53para daw mas madali yung pagpaproseso ng mga discount para sa mga estudyante.
21:59Epektibo ang discount hanggang 2028 pero para lamang sa mga single journey tickets.
22:05Halimbawa, yung 15 pesos na minimum ng pumasahe magiging 8 pesos na lamang.
22:10Pero para ma-avail ang discount, tinitingnan pa ang ID at inililista ang apelido, student ID number at nagpapapirma sa counter.
22:19I think all goods naman since sila naman din yung nag-awak.
22:22Yung first time is hindi naman full. Hindi naman din siya yung full details yung nalalagay.
22:28Kaya may mga hindi na lamang nagpapadiscount para di na pumila at makabiyahe agad.
22:33Hindi na po.
22:34Mayaman pa.
22:36Opo, kaya pa naman po. Di pa kung pwede siya pinipiligro.
22:39Sa MRT3 Cubao Station naman, may mga ilan-ilan na rin pumila sa student lane para makatipig.
22:44Less na yung iaalat kong pera sa transportation cost ko.
22:50Magamit ko siya sa skud.
22:51Malaking tulong po.
22:53Yung nababawas po sa 50% na to, pwedeng magamit sa pangkain.
22:58Ang LRT Line 1 na pinapatakbo ng isang pribadong kumpanya maglalagay naman ng queuing system para hindi ma-delay ang mga estudyanteng kukuha ng discount.
23:08Sabi ni Transportation Secretary Vince Diso, naglagay sila ng student lanes para mas madali daw ang pag-verify ng student discounts.
23:16Required niya ang ilang detalye para masuri ng komisyon ng audit o koa kung tama ang gasto sa programa.
23:22Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
23:31Naging bagyong bising ang binabantayan natin na low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
23:38Ang latest dyan, ihahatid sa atin ni GMA Integrated News weather presenter, Amor La Rosa.
23:45Amor!
23:45Salamat, Vicky. Mga kapuso, pansamantalang lumabas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong bising,
23:54pero posibleng po iyang bumalik muli sa PAR sa mga susunod na araw ayon sa pag-asa.
23:59Huling namataan ang sentro ng bagyo, 345 kilometers west-northwest ng Kalayan, Cagayan.
24:05Taglay po nito ang lakas ng hangin na abot sa 55 kilometers per hour at yung pagbugso naman 70 kilometers per hour.
24:12Ang paghilos po ng bagyo ay pa-northwest sa bilis naman na 15 kilometers per hour.
24:19Ayon po sa pag-asa, magpapatulo yung mabagal nitong paghilos pa-northwest sa mga susunod na oras.
24:25Pero mga kapuso, liliko rin po yan pa-northeast at posibleng pumasok ulit dito sa gilid ng PAR.
24:32Lunes po ito ng madaling araw.
24:35Pero saglit lang naman po yan at posibleng lumabas din ulit dito sa PAR lunes po ng hapon.
24:40Pwede pang magbago ang movement ng bagyo kaya patuloy pong mag-monitor kung matutuloy pa ang pagbabalik po yan dito sa ating bansa.
24:48At meron pong nakaka-apekto rin na iba pang weather system dito sa paghilos niyan.
24:52Ayon po sa pag-asa, meron pong high pressure area dito sa may mainland China.
24:57Sa ngayon, wala na pong nakataas na wind signal pero ramdam pa rin ang epekto nito pong trafo extension nitong bagyo.
25:04At ganoon din po itong epekto ng southwest monsoon o yung hanging habagat.
25:09At base po sa datos ng Metro Weather, umaga pa lang bukas may mga pag-ulan na dito po sa may extreme northern Luzon pati po dito sa western sections ng northern at ng central Luzon.
25:19At ilang bahagi rin ng Mimaropa at pati na rin po ng Calabar Zona.
25:24Pwedeng maulit po yan sa hapon at kalat-kalat po yung ulan sa halos buong Luzon na po yan mula sa northern pababa po dito sa may southern Luzon.
25:31May mga malalakas sa buhos ng ulan dito po sa may Batanes and Babuyan Islands, Cordillera pati na rin po dito sa Ilocos Region at ganoon din sa ilang lugar dito po sa may central Luzon kasama po ang Zambales at pati na rin ang Bataan.
25:46Sa linggo, may mga matitinding buhos po ng ulan dito po yan sa ilang bahagi ng northern at ng central Luzon at pati na rin po sa ilang probinsya ng Mimaropa, ganoon din dito sa Calabar Zone pati na rin sa Bicol Region.
25:59Maging alerto pa rin po sa Bantanang Baha o Paguna Lupa.
26:03May chance rin pong umulan dito sa Metro Manila ngayong weekend.
26:07Ayon po sa pag-asa, mas madalas po yung mga pag-ulan kapag po hapon, gabi o kaya naman po ay kapag madaling araw.
26:14Pusible rin po yung maranasan pagsapit po ng linggo kaya na kung magdala po ng payong kung mayroong po kayong lakad.
26:20Sa Visayas at Bindanaw naman, may chance rin po ng mga kalat-kalat na pag-ulan bukas lalo na po sa hapon at pati na rin sa gabi.
26:27Halos ganitong panahon din po ang inaasahan natin pagsapit po ng linggo at posible yung mga malalakas sa buhos ng ulan dahil po yan sa thunderstorms.
26:37Samantala mga kapusong may bagong cloud cluster o kumpol na mga ulap dito po yan sa silangan po ng Luzon.
26:43At patuloy rin po natin yung imonitor sa mga susunod na araw sakaling mabuo yan bilang bagong low pressure area.
26:50Yan muna ang latest sa lagay ng ating panahon.
26:53Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center maasahan anuman ang panahon.
27:00Labing limang bahay ang nasunog sa Santa Cruz sa Maynila.
27:04Apat na residente naman ang sugatan.
27:06At nakatutok si Mark Salazar.
27:08Masikip ang mga daan patungo sa mga malawak na komunidad na ito sa Tambunting sa Santa Cruz, Maynila.
27:19Kaya extra challenge ang mga bombero ng sumiklabang apoy sa gitna bago mag-alas dos ng hapon kanina.
27:26Yung papasok sa loob dahil kailangan mo po magdugtong ng sampung linya ng host para po kayo makapunta pa doon sa pinaka focal point ng ating sunog.
27:37Masikip lang po yung kalsada kung makikita nyo. Halos dalawang tao lang ang kasya. May mga gamit pa po sila.
27:44Mabilis kumalat ang sunog na umabot agad sa third alarm nang wala pang 30 minutos.
27:49Walang oras ang mga residente para maisalba ang lahat ng gamit.
27:53Kaya ang pinakaunang mabubuhat na mahalaga sa kanila ang kanilang isinalba.
27:57May kapatid akong na-stroke. Natakot po siya. Nanginig. Na-nervyos.
28:03Ano yung nangyawin?
28:04Ito. Nanginginig po siya sa bahay. Nailabas ko lang po siya sa labasan lang. Hindi po kasi kaya niyang lumakad.
28:12Pagdating ko po dito, yung pamilya ko po andito na po sa labas.
28:16Ako po nagdali-dali ako pumasok sa loob. Tapos sinecure ko po yung mga gamit po na masasalba.
28:23Ayun po. Tapos nakita ko po yung lakas na po ng usok.
28:25Sa awa po ng Diyos, hindi naman po kami naabot. Kaso lang po, yung mga kapitbahay po namin, kawawa naman po.
28:32Labin-limang bahay ang natupok ng sunog.
28:36Ang mga napiktuhan po ng sunog natin ay mga residential area made of light materials po.
28:43Mayroon po tayong nasa 25 families na affected. Ang estimated damages po natin ay nasa 150,000 more or less.
28:52Maganda po ba yung nananakawa kaysa nasusunugan?
28:55Pati po yung nasusunugan, simutla po. Kawawa po yung mga taong nasusunugan. Ang nirap ng buhay.
29:04Idineklarang fire out ang sunog bago mag alas 3 ng hapon. Pero hindi pa agad malalaman ang dahilan ng sunog.
29:11Ayan po ang kasalukayan na investigahan ng ating arson investigators sa ngayon.
29:16Nangangala pa po sila ng mga informasyon para matukoy po natin kung ano pa talaga ang pinagsimulaan ng apoy.
29:22Walang nasawi sa insidente pero apat na residente ang bahagyang nasugatan.
29:27Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar. Nakatutok 24 oras.
29:33Ipinasara ng Department of Migrant Workers ang isang recruitment agency na nabistong nag-aalok ng trabaho abroad.
29:43Kahit nawala naman itong mga active job orders sa ibang bansa.
29:48Damay din ang Kakunchabaumanong Travel Agency. Nakatutok si JP Soriano.
29:57Nag-a-apply para maging fruit picker. Ang dating OFW na si Clem, di niya tunay na pangalan.
30:03Pero hindi raw siya makaalis-alis kahit nagbayad na ng placement fee at iba pang requirement.
30:09Nag-down po ako ng 100,000 para sa processing fee daw po nila. Hanggang po sa hanggang ngayon, di na po ako nakaalis.
30:18Lagi kaming nare-refuse sa Poland Embassy po. Sa mga dala naming papel na which is alam namin eh peke na pala yung mga ibang dokumento namin.
30:30Dito na isinumbong ni Clem ang Reliable Recruitment Corporation sa Department of Migrant Workers.
30:36Sa pakikipag-ugnayan ng DMW sa Manila Police, natuklas ang kumukuha ng mga aplikante ang Reliable Recruitment Corporation.
30:44Pero ang inaalok na trabaho, wala pala umanong aktibong job orders.
30:48Nakasaad sa batas na para makapag-recruit, kailangang may active job orders na makikita sa database ng DMW.
30:56Nang puntahan ang Recruitment Agency sa Ermita, Manila, walang mga staff sa loob.
31:02Agad na itong pinaskilan ng closure order ng DMW.
31:06Lumabas din sa investigasyon na may kakontsaba o mano itong travel agency.
31:11Kasi conduit sila ng other, ng Recruitment Agency na registered.
31:15Ang nangyayari, dun sila nagsa-seminar, tapos dito naman sila nagpa-process sa travel agency.
31:21Ito yung modus na ginagawa ng ating dalawang agencies.
31:24Sa isang operasyon, nagpanggap na aplikante ang isang police asset at nagpunta sa Raven Air Travel Tours and Consultancy.
31:34Siningil daw siya ng down payment na 70,000 pesos para ma-proseso raw ang kanyang aplikasyon.
31:39Ang tumanggap ng Mark Money, napaiyak na lang at lumapit sa isa sa mga kasamahan sa ipinasarang travel agency.
31:58Agad din siyang inaresto ng MPD.
32:00I-pinasara rin ang naturang travel agency.
32:03May mga palipad na, may mga paalis na.
32:06At anong nakalagay sa envelope?
32:08Recruit or for departure, no?
32:10Under-processing recruitment.
32:12Saan ka nakakita ng isang travel agency?
32:14Eh, pwedeng mag-recruit at pwedeng magpaalis ng OFW.
32:18Ilang beses naming sinubukang kunin ang panig ng Reliable Recruitment Corporation
32:23at Raven Air Travel Tours and Consultancy pero wala raw maaring magsalita sa kanila
32:28kaya iniwan namin ang aming contact number at email.
32:32Para kay Clem, masaya raw siyang wala nang maloloko.
32:36Pero...
32:37Sinanla ko po yung lupa kung kinatitiri ka ng aming bahay po
32:41para lang po mag-process sana sa...
32:43Eh, naloko na po eh. Wala na po tayong magagawa.
32:46Wala na po yung nasaritas na magbigay ng ano sa kanila po.
32:50Kaparasan po.
32:51Para sa GMA Integrated News, J.P. Soriano, nakatutok 24 oras.
32:58Wala pa sa TV pero intense kung intense
33:01ang bangayan ng karakter ni Navino Morales at Gladys Reyes
33:05para sa serieng Cruz vs. Cruz.
33:08Pati netizens, tila nadala sa away ng dalawa.
33:12Makitsika kay Thayna Pimperial.
33:16Galit na galit si Gladys Reyes habang idinidiing siya
33:19ang legal na asawa sa post na ito
33:21na usap-usapan na with 700,000 views sa Instagram.
33:25Ano kiniklaim mo? Nauna ka?
33:31Nauna kayo yung nagka-anak?
33:32Uy, ba't hindi ka pinakasalan?
33:35Mag-isip ka. Bakit hindi ka pinakasalan?
33:37Ako, pinakasalan.
33:39In character lang pala siya.
33:41Para sa papel na gagampanan sa serieng Cruz vs. Cruz.
33:44Sa panahon ngayon, alam mo, dapat din talaga alam na rin natin yung
33:49tayo, di ba mga babae, alam na rin natin talaga yung right natin, di ba?
33:54Lalo na kung bilang legal na asawa, di ba?
33:58At yung...
33:59Kaya siguro ganun na lang yung naging reaksyon ng mga tao, no?
34:03Ang babae, ang daming sakripisyo, di ba?
34:05Para sa pamilya to keep it together.
34:08At syempre, kasama na dun yung kung paano kayo magsistick together, di ba?
34:12Ng iyong asawa o ng iyong partner.
34:14Halos 300,000 naman ang views ng Instagram post ni Kapuso Actress Vina Morales
34:20na emosyonal na nagkukwento tungkol sa isang viral online post.
34:24Ako si Fema.
34:27Madalas naman yung komunikasyon namin.
34:30Pero hanggang tinabangan na lang siya sa akin.
34:34Hindi na niya sinasagot yung mga tawag ko.
34:37Nalaman ko na lang, may nabunti siya ang iba.
34:41Diyan ang pinakasalan niya.
34:47Paano ako makakapag-umpisa muli?
34:52Pero gagawin ko yun para sa mga anak ko.
34:56Intrigging ang sagutang ito ng mga karakter ng dalawang premiadang aktres.
35:01Maraming netizens ang nag-react at nakatunog sa bago nilang aabangan sa GMA drama.
35:06Marami rin nakarelate sa ibinahagi nilang online posts.
35:10As Fema, payo ni Vina sa mga nanay na mag-isang nagtataguyod ng kanilang mga anak.
35:16Mag-imatibay ka lang, di ba?
35:17Kailangan mo lang mag-survive sa mga ganitong pangyayari sa buhay.
35:22Kayang-kaya natin yan, di ba?
35:24Lalo na pag nandiyo dyan yung mga mahal natin sa buhay na sumusuporta at nasa paligid mo.
35:29May mga pasaring at iba pang detalyeng i-re-reveal si Nagladis at Vina sa mga susunod nilang online posts.
35:36Hindi na lang ako magsasalita ngayon pero yun nga, abangan na lang siguro nila.
35:40Para sa GMA Integrated News, Athena Imperial updated sa showbiz happening.
35:45And that ends our week-long chikahan.
35:50Ako po si Ia Arellano.
35:51Happy weekend, mga kapuso!
35:54Miss Mel, Miss Vicky, Emil.
35:56Happy weekend, Ia!
35:57Salamat sa iyo, Ia!
35:58Thanks, Ia!
35:59At yan ang mga balita ngayong biyernes.
36:01Ako po si Mel Tiangko.
36:02Ako naman po si Vicky Morales para sa mas malaking misyon.
36:05Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
36:07Ako po si Emil Sumang.
36:08Mula sa GMA Integrated News, ang news authority ng Pilipino.
36:12Nakatuto kami 24 oras.
36:15Nakatuto kami 24 oras.

Recommended