00:00Atin namang alamin ang mga kaganapan sa mundo ng international sports team sa report ni teammate Carl Velasco.
00:10Sa Balitang Basketball, tagumpay na nakuha ng Indiana Fever ang kanilang kauna-unahang WNBA Commissioner's Cup Championship
00:19matapos taluni ng Minnesota Lynx 74-59 itong nakaraang miyerkulis.
00:25Hindi alintana ng Fever ang pagkawala ng kanilang all-star guard na si Caitlin Clark at ang 20-12 deficit sa first period.
00:33Dahil pagdating ng second quarter, tinapis ang Indiana ang kalamangan nang kinuha nilang one-point lead papuntang halftime.
00:40Pagdating ng second half, tuluyan ang naiwan ang defending Commissioner's Cup champions na Lynx
00:45at binigay ang corona sa Fever para makuha ang kanilang kauna-unahang in-season championship.
00:51Hinirang na Commissioner's Cup MVP si Natasha Howard matapos ang 16.12 rebound double-double performance.
00:59Ayon sa head coach ng Indiana na si Stephanie White, may mas mahalaga pa silang dapat pagtuunan ng pansin pagkatapos ng panalo at maikiling selebrasyon.
01:08You gotta get ready for the next. You know, it's sort of the nature of compartmentalization, right?
01:14It's, yes, it was awesome, it was fun. I wanted to celebrate it for them. They earned it. Happy for them.
01:19And then we gotta go into the next. You know, it's not the end goal.
01:24Certainly it was a goal and it was a great accomplishment for our team. But we gotta flip the page quickly.
01:29Sa balitang basketball pa rin, pumirban na ng kontrata si veteran free agent center DeAndre Ayton sa Los Angeles Lakers.
01:38Kasunod ang napabalitang contract buyout nito sa Portland Trailblazers nitong mga nakaraang araw.
01:43Nagkakahalaga ang kontrata ng $16.6 million two-year deal kasama ang isang player option sa pangalawang taon.
01:51Kasama rin sa kikitain ng former number one pick ang $35 million mula sa 4-year, $132 million na kontrata nito sa Phoenix Suns.
02:01Makakatambal ni Ayton ang kapwa niya 2018 draftee na si Luka Doncic at NBA all-time leading scorer LeBron James.
02:08Nagtala si Ayton para sa Blazers ng 14.4 points, 10.2 rebounds at 1.1 blocks para sa 40 laro para sa kupa na noong nakaraang season.
02:19At sa balitang baseball naman, nanguna sa all-star votings ang mga players ng top teams ng MLB sa pareho nitong conferences.
02:28Nanguna ang top seed ng National League na Los Angeles Dodgers na makapagrepresenta ng tatlo nilang players bilang starters sa darating na all-star games sa susunod na linggo.
02:39Kasama sa starting lineup ng NL team, ang first baseman na si Freddie Freeman, Will Smith at National League home runs leader Shohei Otani.
02:47Bilang kanilang designated hitter.
02:50Samantala, pasok naman ang mga Detroit Tigers outfielders na si na Riley Green, Javier Baez at second baseman Gleyber Torres para sa American League All-Stars.
03:01Gaganapin ng Midsummer Classic sa darating na July 15, 2025 sa Atlanta, Georgia sa Amerika.
03:08Carl Velasco para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.