Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/4/2025
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nasunog ang isang bahay sa barangay Bahetoro sa Quezon City.
00:04May apelama nakatira roon sa lokal na pamahalaan.
00:07Ang mainit na balita hatid ni James Agustin.
00:12Nagangalit na apoy ang sumiklab sa bahaging ito ng Mindanao Avenue,
00:15Corner Catlea Extension sa barangay Bahetoro, Quezon City.
00:18Bandang alas 3 sa madaling araw kanina.
00:21Ayon sa Quezon City Fire District,
00:23umabot ng halos 10 minuto bago tuluyang naapula ang apoy,
00:26kaya wala ng alarma na itinasa mga otoridad.
00:29Pitong firetruck ang romisponde sa insidente.
00:32Natupok ang isang bahay.
00:33Inaalam pa ng BFP ang sanhinang apoy.
00:36Kwento ng nasunog ang residente, nagising na lang siya na malaki na ang apoy.
00:40Narinig ko na lang po na marami na po nagsisigawan,
00:42tapos naamoy ko na po yung usok nung apoy po.
00:47Sa ayun po, ang bilis po kumalat e.
00:48Nung nakalabas po kami, maliit pa po siya.
00:51Tapos ang bilis po lumiyab e, kasi kakinga po yung bahay namin.
00:55Nananawagan siya ng tulong, lalo pat walang nailigtas na gamit ng kanilang pamilya.
00:59Hindi po namin alam paano po kayo mag-uumpisa ulit.
01:02Kasi wala rin po kaming naisalba kahit anong mga gamit po namin talaga.
01:06Ang nasunog na bahay matatagpuan sa isang compound na binakura na ng mga yeron noong nakaraang taon.
01:11May mga nagbabantay na rin security guard.
01:13Sabi ng ilang residente, June 18 pa sila hindi pinapayagan na makabalik sa kanilang mga bahay.
01:18Ang ilan sa kanila, tatong dekada na raw naniniraan sa lugar.
01:21Yun daw ang protocol nila ng agency nila na bawal na magpapasok ng tao.
01:29Pero pag nasa loob ka, pwede ka lumabas, pero hindi ka na pwedeng pumasok.
01:33Nilipat na lang siguro kung talagang may papili sila na mapapakita sa amin.
01:38Sa ngayon, tatong pamilya pa ang nasa compound na mahigit dalawang linggo nang hindi lumalabas.
01:43Ang ilang gamit, iniaabot na lang sa pade.
01:45Ayon sa isang residente, ilang beses na silang humihingi ng tulong sa lokal na pamahalaan.
01:49Pag lumabas po kami, hindi na kami makabalik dito.
01:52Wawasakin na lang yung bahay namin.
01:54Sino ba namang lalabas pa ng bahay?
01:56Pag ubim mo, wala ka nang dadatnan.
01:58Yung gobyerno ng Quezon City, sana naman tulungan nyo kami.
02:01Nagba makaawa na kami sa mayor's office, tulungan nyo po kami.
02:05Kanina, pinuntahan ang mga taga-barangay ang caretaker ng property para pakiusapan.
02:10Baka naman pwede natin pagbigyan yung mga residente dyan.
02:15Nakunin na lang nila yung mga gamit nila ngayon.
02:18Gamit naman nila yan eh.
02:22Ako na lang nakikiusap sa'yo, Brad.
02:25Saglit lang po, sir.
02:27Wala namang pahayag ang caretaker na tanungin ang media kung bakit hindi pinapayagan na makapasok ang mga residente.
02:32Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng Quezon City LGU.
02:37James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended