Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00At live mula sa Marikina, may unang balita si EJ Gomez.
00:17EJ.
00:21Ivan, sa gitna nga ng pagulang naranasan dito sa Marikina City,
00:26isang sunog ang sumiklab sa isang auto shop.
00:29Karinang pasado alauna e-medya ng madaling araw.
00:39Sunog ang gumising sa ilang tauhan ng isang auto shop sa 5th Street,
00:44Barangay Santo Nino sa Marikina City, pasado alauna e-medya ng madaling araw kanina.
00:49Sinubukan nilang apulahin ang apoy na agad itinaas sa unang alarma.
00:52May narinig po ako noon na parang pumuputok-putok.
00:56Tapos may naamoy na akong nasusunog na plastic.
01:00Tapos nung pagkasilip ko sa bintana, ayun na may apoy na.
01:05Tsaka ko sila ginising lahat, kinalabog ko talaga silang lahat.
01:08Trenay ng boss ko, tas yung mga installer na apula yun ng fire extinguisher.
01:13Pero ano po noon e, malakas yung hangin, tsaka hindi na po kinaya, kaya gumalat yung apoy.
01:20Mabilis na respondin, malapit lang yung stasyon natin.
01:23Medyo nahirapan lang sa taas banda kasi stockroom nila.
01:26May daming gamit, karton, wala namang mga pintura o ano.
01:30Kumapalang usok sa ikalawang palapag,
01:32kaya't kinailangang gumamit ng mga bombero ng self-contained breathing apparatus.
01:36Ayon sa BFP, posibleng nagsimula sa unang palapag ang sunog base sa pahayag na mga tauhan ng auto shop.
01:43Natupok ng apoy ang nakaimbak na mga piyesa ng mga sasakyan sa ikalawang palapag ng establishmento.
01:49Damay rin ang ilan pang car accessories na nakadisplay sa first floor.
01:53Ayon sa may-ari ng auto shop, abot sa 10 milyong piso ang halaga ng mga napinsalang local at imported car accessories.
02:00Humigit kumulang 30,000 piso naman ang halaga ng pinsala sa estruktura ayon sa BFP.
02:07Nakatulong daw ang firewall para di kumalat ang apoy sa katabing gusali.
02:12Labing-anim na fire trucks ng BFP at fire volunteers ang rumisponde sa sunog,
02:17na tuluyang naapula kaninang 2.41am.
02:19Ivanan, dito tayo ngayon sa loob mismo ng nasunog na auto shop at kita sa aking likuran yung bakas ng nangyaring sunog.
02:32Doon sa taas, yan yung second floor kung saan nakaimbak nga yung haluhalong stocks at piyesa nitong auto shop.
02:39At dito naman sa baba, may makikita kayo mga gulong, haluhalong piyesa at mga car parts.
02:44Tapos dito naman, makikita ninyo, ito na lang yung natira sa ilang car accessories gaya ng muffler matapos ang sunog.
02:53Ayon doon sa mga tauhan at may-ari nitong auto shop,
02:56karamihan dyan ay imported na kanilang ginagamit sa mga luxury car ng mga customer nitong auto shop.
03:05Ivan, yan ang unang balita mula rito sa Marikina City.
03:09EJ Gomez, para sa GMA, Integrated News.
03:14EJ Gomez, para sa GMA, Integrated News.

Recommended