Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/2/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagsampang ng reklamang cyber libel si Sen. Risa Ontiveros sa NBI.
00:05Laban po kay Michael Maurillo alias Rene at sa nagpost ng umano'y mapanirang video nito.
00:11Ina-iimbisigan din ng Senadora ang mga vlogger na nagpakalit umano'y ng video.
00:16Umalma ang ilan sa mga tinukoy na vlogger.
00:19Saksi, si John Consulta.
00:21Pebrero noong nakarang taon, nagbigay testimonya ang isang alias Rene sa Senate Committee Hearing
00:31laban kina Pastor Apolo Quibloy, dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte.
00:38Pero itong Hunyo, lumabas ang video ni Michael Maurillo na nagpakinalang siya si alias Rene
00:44at sinabing tinakot at binyalan lamang umano siya ni Sen. Risa Ontiveros para tumistigo.
00:50Mariinitin ang dito ng Senadora.
00:52Sabay lapag ng mga resibo o screenshot ng mga mensaheng na papakitang si Maurillo umano
00:57ang ilang ulit na lumapit sa kanyang opisina at nag-volunteer na tumistigo.
01:03Ngayong araw, inireklamo ni Ontiveros ng cyber libel si Maurillo sa NBI.
01:08Kasama rin sa sinampahan ng reklamo, ang nagpost ng video na pagtanggol valiente social media account.
01:13Pangunahing layunin ng reklamo, alamin sino o sino-sino ang nasa likod
01:19ng pag-produce ng video, dalawang video na ni Michael Maurillo.
01:26Dahil hanggang ngayon, wala pa rin umaamin.
01:28Sinabi natin ni Ontiveros na bago lumabas ang video,
01:31humingi sa kanya ng tulong si Maurillo dahil kinidnap umano siya.
01:34Nananalangin pa rin ako para sa kanyang kaligtasan, sana matukoy kaagad ng PNP Davao kung nasan siya at mailigtas.
01:45Pero gayunpaman, kailangan na niyang magpaliwanag at managot kung bakit siya nagsisinungaling sa mga video na ito.
01:52Pero sa isa pang Facebook video kahapon, muli nagsalita si Maurillo at agreeat na hindi siya kinidap ng Kingdom of Jesus Christ
01:59at hindi rin siya piningaran o pinilit na sabihin ang kanyang mga sinabi sa video.
02:04Handa raw siyang panindigan ang kanyang mga sinabi.
02:07Pinabubulaanan rin niya ang mga nilabas ng umano'y mga patunoy na siya
02:11ang nakunang nakipag-ugnayan sa opisina ng Senadora.
02:13Wala pong katotohanan yung mga claims ni Senador Riza sa kanyang press call.
02:18Ito lamang ay pamamaraan ni Senador Riza upang ako ay makuha ulit at patahimikin.
02:24Sinusubukan pa namin hinga ng pahayag ang nasa likod ng pagtanggol Valiendes social media account.
02:30Inireklamo rin ni Ontiveros ang 13 taong aaniyay nagpakalat ng umano'y mapanirang video ni Maurillo.
02:36Para investigahan din sa pamamagitan ng reklamo ito,
02:41yung mga vlogger na pinamumudmod at dinadagdagan pa ang mga kasimungalingang nakalagay sa mga video ni Michael Maurillo.
02:50Hindi ako papaya sa ganitong mga pagsisinungaling, mga mapatanganib na pagsisinungaling,
02:57lalo na ang tinarget ay hindi lang ako.
03:01Ang tinarget ay ang mga witnesses, ang tinarget pati mga staff ko, tinarget ang Senado mismo.
03:08Naglabas ng pahayag ang ilan sa mga sinampahan ng reklamo.
03:12Sabi ni na Trixie Cruz Angeles at Amit Pagginawan, hindi nila ipinakalat ang video ni Maurillo.
03:17Pero nagsagawa raw sila ng social media live para talakayin ang mga sinabi ni Maurillo.
03:23At para raw patas, tinalakay din nila ang tugon ng Senadora.
03:28Baghi raw ito ng free speech.
03:31Ayon naman kay Sas Ruggando Sasot.
03:33Nalaman lang niya ang tungkol sa video ni Maurillo sa GMA News.
03:37Sabay puntong kung libelos na ibahagi ang video, ganon din daw dapat sa media.
03:42Sabi ni Joy Cruz, dapat magfokus ang Senadora sa pagsagot sa mga aligasyon ni Maurillo.
03:48Isa lamang daw siyang political observer at may karapatang magpahayag ng opinion.
03:53Sinusubukan pa namin kung na langpahayag ang iba pa mga sinampahan ng reklamo.
03:56Para sa GMA Integrated News, ako si John Consulta, ang inyong saksi.
04:01Saksi!

Recommended