Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/2/2025
Umabot sa kalahating milyong piso ang ginastos ng isang kawatan gamit ang mga credit card mula sa tinangay niyang wallet. Ang kaniyang pamimili, nahuli-cam pa.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Umabot sa kalahating milyong piso ang ginastos ng isang kawatan
00:05gamit ang mga credit card mula sa tinangay niyang wallet.
00:09Ang kanyang pamimili e nahulikan pa.
00:12Nakatutok si Mark Salazar.
00:17Ang sakit lang sa loob na yung ganong klaseng masamang tao pa,
00:22yung gagastos ng pinaghirapan ng parents ko.
00:25Nan-lumo ang pamilya ni Trisha Prestosa nang manakaw ang wallet ng kanyang ama nitong June 7
00:31habang nag-grocery sa Novaliches, Quezon City.
00:34At ang tatlong credit card nito ipinang-shopping ng magnanakaw.
00:39May sumiksik daw sa kanyang isang person.
00:42Yun, so baka as not yung ginawa.
00:45Sure siya na hindi niya yung nalaglag kasi nasa bag.
00:48Hininga ng CCTV video ang mga tindahan sa Antipolo Rizal
00:52kung saan nagamit ang mga credit card.
00:54Base sa transaction record.
00:56At may taong namataan sa mga ito sa parehong oras ng pagbili.
01:01Una sa Jewelry Store kung saan credit card ng biktima
01:04ang ipinambili ng dalawang gintong bracelet sa Antipolo Rizal
01:08sa halagang 105,000 pesos.
01:12Pagka 30 minutos,
01:13isang credit card naman ang ipinambili ng 75,000 pesos cellphone.
01:18Pagkatapos ay lumipat ito ng tindahan para bumili naman
01:22ng dalawang tig 47,000 peso na cellphone.
01:26Ibinili rin ang isa sa credit card ng kahong-kahong gamot
01:29sa isang butika sa halagang 26,000.
01:32Kinabukasan na nabasa ang notification ng mga transaksyon
01:36at napablok ang mga card.
01:38Habang ongoing yung pagbablok namin,
01:41meron at meron pa rin naggo-go through na transaksyon.
01:44Naibili pa ang mga card ng dalawang relo
01:46at isa pang mamahaling cellphone.
01:49Ang total na nagastos at sinarge sa mga credit card ng ama
01:53kalahating milyong piso.
01:55Happy din kami na willing tumulong si Bak.
01:58Tapos parang nakausap din naman namin,
02:02willing din silang mag-dispute.
02:04Pero baka hindi lahat.
02:06Ang lalaki kasi talaga ng purchases eh.
02:08Bilang bahagi ng investigasyon,
02:10itutugman ng pulisya ang kuha ng mga CCTV
02:12sa oras at petsa ng purchase
02:15na makikita sa statement of account sa credit card.
02:18Payo ng PNP Anti-Cybercrime Group,
02:21kapag nawala na ATM, debit o credit card.
02:25Mag-report po tayo agad sa mga bank institution
02:28kung saan man po ito nakalink
02:29and also po pumunta po tayo sa nearest PNP ACG office
02:33or police station man po para makapag-report po.
02:36At ito po yung mga reports ay maaari natin gamitin din
02:39sa dispute natin sa banko po.
02:41At anumang edad, dapat sanay sa paggamit ng online banking.
02:46Halimbawa, pagpapablok ng mga card
02:48na pwede sa website o sa app.
02:50Para sa GMA Integrated News,
02:53Mark Salazar, nakatutok 24 oras.

Recommended