Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Isinusulong sa Senado na paikliin sa tatlong taon ng pag-aaral sa kolehyo.
00:05Hati naman ng reaksyon dyan ng mga estudyante at magulang.
00:07Balita hatid ni James Agustin.
00:12Ang apat na taong ginugugos sa kolehyo ng mga estudyante na is ng isang panukalang batas sa Senado na gawin na lang na tatlong taon.
00:19Inihain ni Sen. Wien Gatchalian ang 3-Year College Education Act na layon daw maiwasan ang pag-uulit ng courses
00:25at makapag-focus sa mga estudyante sa kanilang specialization.
00:29Dapat din daw prioridad ang pag-uturo ng soft skills sa senior high school.
00:33Pagpasok ng bata sa kolehyo, ang kanyang pag-aaralan ay yung kanyang major na.
00:41Diretsyon na siya dun sa major.
00:43Yung mga general education subjects, ibababa sa senior high school.
00:47Itong practice na ito ay ginagawa sa maraming bansa, especially sa Commonwealth countries like the United Kingdom, Canada, Australia.
00:57Ang third-year nursing college student na si Dennis, pabor sa panukalang batas.
01:02May mga general education subjects kami ngayong college na parang paulit-ulit na lang siya na dapat na takil naman na dapat nung high school.
01:11Parang inulit na lang siya.
01:13Para naman sa grade 11 student na si Rigi.
01:15Hindi po ako pabor doon kasi po siyempre may mga basic needs po tayo sa mga college po ngayon po.
01:22May hihirapan po tayo if papaiksiin natin yung mga 4 years, 5 years na mga courses po.
01:28Kasi po may mga matututunan po tayo doon na for sure magagamit po natin sa mga real life situation po.
01:34Kung ang magulang na si Manuel ang tatanungin na may isang anak na nag-aaral pa sa elementary,
01:39makakatulong daw kapag naisa batas ito.
01:42Sa akin po, pabor po.
01:43Kasi?
01:44Kasi mabilis makatapos mag-aaral, tapos makapaghanap agad ang trabaho.
01:50Tingin naman ang isa pang magulang na si Lorenzo, dapat tanggalin na lang senior high school sa halip na paigsiin ng kolehyo.
01:57Sa ngayon, second-year college student ng kanyang panganay na anak, habang magsisenyor high school ang bunso.
02:02Dapat, ibalik na lang po si dati. Yung dating nung araw, mas maganda pa yun sa ngayon.
02:09Kasi ngayon, parang napakahirap sa taas ng bilhin, diba?
02:14Tapos yung mga sahod, di naman gano'ng ano.
02:19James Agustin nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:23Kasi mga sahod, di naman gano'ng ano.

Recommended