00:00Tungtuwa ang mga estudyante at mga guru sa Siargao Island at nagkaroon na sila ng libre internet sa tulong ng pamahalaan.
00:07Pati mga residente, mari rin makakonek sa bagong wifi.
00:11Si Janessa Felix ng PTV Davao sa Detalye Live.
00:16Rise and shine, Janessa.
00:17Tri nakarating na rin sa malalayong lugar sa Mindanao ang libre internet connection sa tulong ng gobyerno.
00:23Kasama na rito ang barangay Kabawa sa Bayan ng Surigao del Norte.
00:30Mula sa Surigao Port, aabot ng nasa mahigit dalawang oras na biyahe sakay ng fast craft patawid ng Dapa, Siargao Island.
00:37Mula dito, sasakay na naman ng motorized banka na aabot ng mahigit 30 minutong biyahe papunta ng barangay Kabawa, Surigao del Norte.
00:46Dahil iblib ang lugar nakasama sa Siargao Island, mahirap dito ang internet at signal ng cellphone.
00:51Pero sa tulong ng free wifi for all program, magiging konektado hindi lang ang mga estudyante kundi maging ang mga residente.
00:58Dito mas mapapadali na ang pag-aaral ng mga bata.
01:02Kung noon, tradisyonal na paraan ang pagtuturo sa mga bata gamit ang libro at iba pang printed materials.
01:08Ngayon ay makakagamit na ng educational video materials ang mga guro.
01:12Ikinatuwa ito ng mga estudyante at mas gaganahan na raw silang mag-aral.
01:16Malaya na rin makakapagbigay ang mga guro ng assignment na kailangan ng research.
01:21Dahil ang connection ng internet ay hindi lang nakasentro sa nag-iisang paaralan sa barangay kundi sa buong komunidad.
01:28Kaya maging ang mga residente, pwede na rin makakonekt sa wifi.
01:32Ayon sa mga residente, napapagaan ito ang kanilang buhay dahil magkakaroon na sila ng komunikasyon sa kanilang kamag-anak na nasa malayo.
01:40Layunin ang programang ito na mabigyan ng oportunidad ang lahat ng lugar sa bansa na hindi pa nabibigyan ng modernong koneksyon gaya ng internet.
01:48Audrey, inaasahang dadami pa ang lugar sa bansa na mabibigyan ng free wifi for all sa ilalib ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
02:00Mula dito sa Dapa, Sargaos, Rigao del Norte, Janessa Felix para sa Pambalsang TV sa Bagong, Pilipinas.