State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
00:30Ayon sa may-ari ng kotse, nakaparada raw ito malapit sa isang sapa sa Davao City at matagal lang hindi napapaandar.
00:38Dilin daw niya na suri ang makina bago dalhin sa testing center.
00:44Hindi lang krimen ang smuggling ng mga agricultural product, banta rin sa kalusugan kung hindi masusuri bago i-benta.
00:51Gaya ng mga smuggled na sibuyas at frozen mackerel sa Port of Manila na ang mga sibuyas nagpositibo sa mga delikadong mikrobyo.
01:00May report si Oscar Oida.
01:04Pagbukas na mga tawa ng Bureau of Customs, Department of Agriculture at Department of Health sa mga shipping container na ito sa Port of Manila.
01:12Tumambad ang iba't ibang pula at puting sibuyas at mga frozen mackerel.
01:17Nasa 34 milyon pesos ang halaga ng mga produkto.
01:21Lahat smuggled dahil ang idineklarang laman ng mga container, manto, egg noodles at kimchi mula China.
01:29Iba ang consignee ng mga pulang sibuyas sa consignee ng mga puting sibuyas at frozen mackerel.
01:36Sadyaraw mapanin lang ang diskarte para ipuslit ang mga ito.
01:40Nideclare nito bilang mga items na under ng regulation ng FDA.
01:44Halimbawa, yung deklarasyon ng onions are egg noodles.
01:48Ganon din po dun sa mga mackerel, processed food din po.
01:52Maglalagay ng layer, thinking that yung aming risk management system will just tag them for normal examination at di masisilip yung nasa likod.
02:02Dahil di dumaan sa tamang pagsuri na proseso sa pag-angkat.
02:06Delikado kung nakalusot ang mga ito para maibenta o kay isama sa mga pwedeng ipamigay ng gobyerno.
02:14They did not go through the regulation of food and drug.
02:18So yung FDA yan ang trabaho para maging safe lahat ng pagkaing binibenta sa ating mga tindahan.
02:24At batay sa pagsuri sa mga nasabat na nilang produkto.
02:27Unfortunately, yung mga na-testing namin ng onion lahat na nahuli, lahat magsak for E. coli at salmonella.
02:34Sabi ngayon ng DA at DOH, positibo nga ang mga sibuyas na ito sa E. coli at salmonella.
02:41Mga mikrobyo sa pagkain na nagdudulot ng pagdurumi, dehydration at posibleng kamatayan.
02:47Bukod sa mga nasabat sa Port of Manila, may mga naharang din sa ibang lugar.
02:53Meron kami pinapaholt ang 59 containers na nasa Subic ngayon sa mga customs brokers na nagre-release na mga ito.
03:00Hahabulin, kasama namin sila sa kaso ngayon. Hindi lang yung consignee.
03:05Masusubok daw sa mga kasong ito ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act na nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos noong Setiembre
03:14para sugpuin ang Agricultural Smuggling na ayon mismo sa Pangulo, ikinalugi ng bansa ng may git tatlong bilyong piso noong 2023.
03:25Sa ilalim ng batas, may tuturing na economic sabotage ang pagpupustit o pag-iimbak o hoarding ng Agricultural Commodities
03:34na lagpaas sa 10 milyong piso ang halaga.
03:38Ang parusa rito, multang limang beses nakatumbas ng halaga ng smuggled o hoarded products at life imprisonment.
03:47Oscar Oida, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:51Kinilala ng PNP ang kadakilaan ng Police Quezon City na nasa winang romesponde sa holdapan kahapon.
03:59Kasunod naman ang insidente, muli raw re-repasuhin ng PNP ang kanilang SOP sa pag-responde.
04:05May report si Nico Wahe.
04:10Sa kapilya ng Camp Karingal na himpilan ng mga Police Quezon City, may huling pagpupugay para sa kanilang kabaro.
04:17Si Patrolman Harwin Courtney Baggay, ang 28-anyos na polis na namatay sa niresponde ang holdapan sa barangay Commonwealth Quezon City kahapon.
04:27Nilinlang siya ng mismong holdaper na nagpanggap na saksi.
04:30Habang itinuturo ang direksyong tinakbuhan umano ng tinutugis ng polis.
04:34Binaril siya pagharap niya sa sospek na kinilalang si Rolando Villarete, 33-anyos,
04:39dati nang nakulong sa mga kasong illegal possession of firearms, alarm and scandal at attempted homicide.
04:44Romes back naman ang kabade ni Baggay at tinamaan ang sospek na bumulag ta sa kalsada.
04:50Base sa investigasyon, walang kasabwat si Villarete.
04:53Kasunod ng sinapit ni Baggay, sinabi ni PNP Chief General Nicolastory III na ire-review nila ang kanilang procedure sa pag-responde.
04:59May isa office naman na existing regarding the use of armored vests during police operations.
05:09So ire-visit lang natin yun, titignan lang natin para at least mamitigate naman ang danger sa ating mga tauhan.
05:17Tubong pinokpok kalinga si Baggay at nang mabalitahan ng insidente, agad lumawas mula kalinga ang kanyang pamilya.
05:25Ayon sa kanyang ama, huling umuwi nitong June 7 ng kanyang anak para sa kasal ng kanyang kapatid.
05:30Ito na rin pala ang huling pagkikita ng mag-ama. Dati raw siyang guro at tatlong taon pa lang na polis.
05:35Four years na teacher na siya pero noong nag-pandemic, yung ginagawa na lang kasi ng mga teacher noon nag-umagawa ng modules na pag-isipan niyang maging pulis.
05:45Pero alam daw ng kanyang ama na wala itong pinagsisihan sa desisyon ng kanyang anak sa kabila ng nangyari.
05:50Siguro may plano si Lord, may plano si God. I love you very much anak ko. I'm very proud of him.
05:58Kung hindi niya ginawa yun, baka marami pang ma-hold up ng mga tao kung hindi napatay yung suspects.
06:08Ang PNP, ginawari ng posseumocitation at medali ng kadakilaan si Bagay.
06:12Ang kanyang namang kabadi, ginawari ng medali ng kagalingan.
06:16Tayo nalulungkot pero we celebrate this heroism.
06:21Talagang yan ang inalay ang buhay para sa servisyo, para sa iba.
06:26Bumisita rin sa burol si NCRPO Chief Brigadier General Anthony Aberin.
06:31Umaga bukas, ibabiyahe pa kalinggang labi ni Bagay.
06:34Nagbigay rin ang financial assistance ang PNP sa pamilya ni Bagay.
06:37At ibibigay rin ang iba pang kailangan nilang tulong at suporta.
06:41Niko Wahe, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:48Disgrasya ang idinulot ng pagkabual ng isang puno ng akasya sa Tugaygaraw, Cagayan.
06:56Isang SUV ang nabagsaka nito.
07:00Naipit ang isa sa tatlong sakay ng SUV.
07:03Nasagip sila kalaunan at nasa mabuti ng kalagayan.
07:07Sa imbesigasyon ng BFP, Tugaygaraw natumba ang puno dahil umano sa katandaan nito.
07:12Krimen dahil sa kambing?
07:18Ito raw ang ugat ng away na humantong sa pagpaslang sa isang lalaki sa Mualbuwal, Cebu.
07:23Ang bikimang lasing ayon sa pulisya na matay ng tagain ng kapitbahay noong gabi ng linggo.
07:29Ayon sa pulisya, noong Abril pa raw magkaaway ang dalawa ng ang mga tanim ng sospek,
07:35kainin ng mga nakawalang kambing ng biktima.
07:39Pero imbes daw na magsori ang biktima, siya pa raw ang galit at nanghahamon sa sospek.
07:44Ayon sa sospek na isang manging isda noong gabi ng linggo,
07:48ay sinugo daw siya ng kapitbahay at binato pa, kaya raw siya napuno.
07:53Sumuko siya kalaunan sa barangay at na-turnover na sa pulisya.
07:57Nakuha rin ang ginamit niyang bolo.
07:59Dating Senador Francis Tolentino,
08:10binawalan ng China ng tumuntong sa Chinese mainland, Hong Kong at Macau.
08:14Sanksyon o parusa raw ito sa anilay napakasamang inasal ni Tolentino,
08:18kaunay sa mga isyong may kinalaman sa China.
08:21Si Tolentino ang pangunahing sponsor at isa sa may akda
08:23ng Philippine Maritime Zones Act at Archipelagic Sea Lanes Act.
08:27Siya rin ang nanguna sa Senate Investigation na nagsiwalat sa pang-ESP o mano ng China sa Pilipinas.
08:33Sagot ni Tolentino, isang badge of honor o karangalan niyang ipagtanggol ang interes sa Pilipinas.
08:39Writ of Kalikasan inisyo ng Korte Suprema laban sa pagtatayo ng Samal Island Davao City Connector Project.
08:48Nagugot yan sa petisyon ng ilang individual at isang grupo na itigil ang konstraksyon ng tulay
08:53dahil masisira ang mga bahura sa Paradise Reef, Samal Island at Hezon Marine Protected Area sa Davao City.
09:0038% complete ng tulay ayon sa DPWH.
09:05Respondan sa petisyon ng DPWH, DNR, Samal Island Protected Landscape and Seascape Protected Area Management Board
09:12at China Road and Bridge Corporation na binigyan ng sapong araw para sumagot.
09:17Sinusubukan pa sila makunan ng reaksyon ng GMA Integrated News.
09:21Sabi naman ni Vice President Sara Duterte, umaasa siyang sa kabila ng kwestiyong legal,
09:26matutuloy pa rin ang pagtatayo sa tulay na inisiyatibo raw ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
09:34Dalawang brand ng sardinas may pisong bawas presyo ayon sa Philippine Amalgamated Supermarkets Association.
09:43Mga Taiwanese passport holder, visa free na ang pagpasyal sa Pilipinas.
09:48Ayon sa Bureau of Immigration, 14 days ang visa free entry.
09:52Simula ngayong araw hanggang June 30, 2026.
09:56Alin sunod ito sa Tourism Directive ni Pangulong Marcos
09:59at tugod din sa in-extend na visa free privilege ng Taiwan sa mga turistang Pinoy.
10:04Ivan Mayrina nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:08Bago ngayong gabi, isa ng bagyo ang binabantayang low pressure area sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
10:15Ang naturang tropical depression nasa 2,700 kilometers silangan ng extreme northern luzon.
10:22Sa ngayon, ayon sa pag-asa, hindi ito inaasahang nalapit o magkakaroon ng epekto sa ating bansa.
10:29Mas malapit naman ngayon ang low pressure area sa loob ng par na mas may chance ang maging bagyo.
10:35Uli itong nakita 200 kilometers silangan ng kasiguran aurora.
10:39Kung matuloy ito bilang bagyo, ay tatawagin itong BC.
10:44Ang LPA na yan, pag-ibayuhin ang habagat na magdadala ng mga pagulan sa ilang bahagi ng bansa.
10:52Wala pa man ang mga epekto ng bagyo at LPA na merwisyo naman ang localized thunderstorm at habagat sa ilang lugar sa Luzon at Mindanao.
11:00May report si Marie Zumal.
11:01Nagkalat ang malalaking tipak ng bato sa kalsadang ito sa Palyas Valley sa Bintar, Ilocos Norte.
11:11Dumausdos ang mga yan mula sa bundok, resulta ng malakas na pagulan nitong mga nakaraang araw.
11:18Ulan din ang nagbunsod ng paguhon ng lupa sa bahaging ito ng Banawe-Efugao.
11:25Dahil sa walang tigil na pagulan, itinaas na ng OCD Cordillera ang blue alert status sa rehyon.
11:30Na maingat sa ating mga biyahe, sa ating mga komunidad, mag-preemptive evacuate po tayo kung kinakailangan.
11:36Problema pa rin ang landslide sa Don Marcelino Davao Occidental.
11:41Gumuhu ang lupa at bato sa gilid ng kalsada dahil sa ilang araw na pagulan.
11:45Nagsagawa muli ng clearing operation sa mga otoridad.
11:49Umapaw naman ang spillway sa San Antonio, Quezon.
11:52Sa Lipacity, Batangas, binaha ang ilang pangunahing kalsada kasunod na malakas na ulan.
11:57Ayon sa pag-asa, localized thunderstorm at habagat ang nagpapaulan sa ilang lugar sa Luzon at Mindanao.
12:04Mariz Umali nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:09Kung tagulan sa Pilipinas ang ilang bansa naman sa Asia at Europa, napapaso sa matinding tag-init.
12:16Nagdulot pa yan ng malawakang sunog at pamemeste ng isang uri ng insekto.
12:21Yan ang World News ni Mark Salazar.
12:23Hindi yan putik sa sahig, kundi laksa ng mga insektong tinatawag na love bug.
12:32Namataan yan sa Incheon, South Korea na sa sobrang dami, wa-epek ang pangwalis lang o kahit pagpala.
12:38Ayon sa mga eksperto na bubuhay ang mga love bug sa mga lugar na mas mainit ang klima.
12:44Pero mas dumami sa soul itong mga nakaraang taon dahil sa pagtindi ng init, bunsod ng climate change.
12:50Ramdam din ang pagtaas ng temperatura sa Japan.
12:54Ang mga residente, Todopaypay at Payong, meron ding tutok na tutok sa kanilang portable fans.
13:00Habang ang ilan tumatambay sa mga lugar na may water sprinkler.
13:04Ayon sa Japan Meteorological Agency, ang June 2025 ang pinakamainit na hunyo sa kanilang datos mula pa noong 1898.
13:13At dahil summer na sa Northern Hemisphere, asahan pa raw natitindi ang init.
13:19Sumabay nga sa heatwave sa Europa ang pagbabaga ng mga kakahuyan.
13:23Inaapula mula pa nitong weekend ang wildfire sa ilang lugar sa western Turkey.
13:28Mahigit 50,000 residente sa limang region doon ang inilikas.
13:33May sinagupa rin wildfire sa ekta-ektaryang lupain sa southwestern France, kung saan sumampa sa 40 degrees Celsius ang temperatura.
13:45Dahil sa heatwave, may kit-isang libong paaralan sa France ang pansamantalang isinara.
13:51Habang ang toktok ng Eiffel Tower, isinara muna sa mga turista.
13:55Ayon sa mga eksperto, tila na paaga ang summer heatwave ngayong taon sa Europa, na karaniwang nararamdaman tuwing Hulyo o Agosto.
14:04Dahil sa tindi ng init, nag-issue na ng health alerts sa France, Spain, Italy, Portugal at Germany.
14:12Ang ilang European, kanya-kanya na ang paraan para labanan ng init.
14:16Maging ang mga hayop sa Berlin Zoo sa Germany, pinaliguan na rin at binigyan ng ice treats.
14:22Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:52Ang ranggong major, nagsisilbing ambasador ng panatag Pilipinas.
14:56Ang Risk Communication Advocacy Campaign ng Office of the Civil Defense at NDRRMC para sa mga sakuna at kalamidad.
15:04Bahagi ito ng paggunita ng National Disaster Resilience Month.
15:11Mag-ex na sina Barbie Forteza at Jack Roberto, spotted na nagkausap sa Beyond 75 Kapuso event.
15:19Hinangaan ng netizens ang pagkatagpo ng dalawa matapos silang mag-break nitong January after their 7-year relationship.
15:28Nagkita rin sa same event ang former child stars na sina Jillian Ward at Cyril Manabat.
15:34This is a symbol of my commitment and my love for you.
15:41Unang hirit host, Anjo Pertiera at OPM band vocalist na si Eunice, engaged na.
15:47Happy birthday to me!
15:49Guys, I'm engaged.
15:53Atina Imperial, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
15:58Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
16:02Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.