Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
24 Oras: (Part 3) Chemical engineer na gumagawa umano ng ilegal na droga sa kaniyang inuupahan, arestado; ilang apektadong bahay sa bumigay na pader sa Navotas, giniba; "DusBi", no regrets at proud sa Big 4 housemates; relationship status nila, ano na kaya?, atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ticklo sa Cebu City, ang chemical engineer na gumagawa umano ng iba't ibang uri ng droga gaya ng party drugs.
00:09Sangkot din umano ang suspect sa sindikato na nagdadala ng droga sa Central at Western Visayas.
00:15Nakatutok si Alan Domingo ng GMA Regional TV.
00:19Iba't ibang uri ng kimikal na ginagamit umano sa paggawa ng illegal drugs ang tumambad sa mga operatiba ng salakayin ang ikatlong palapag ng apartment na ito sa Cebu City.
00:36May mga kapsol na naglalaman umano ng party drugs, powderized substance at sa loob ng unit may malaking exhaust tube.
00:44Nakita natin doon na may iba't ibang makina kung saan yung mga makinang yun accordingly pang-bix ng iba't ibang klaseng powdery substance.
00:54May mga na-recovered ding dalawang armas at mga bala.
00:58Ayon sa mga otoridad, apat na buwan minamanmanan ang 32 anos na suspect at isang chemical engineer.
01:05Dati na raw siyang nasakuti sa isang bybus.
01:08At dito sa inupahang kwarto, gumagawa umano siya ng mga iligal na droga.
01:13Pinakaulo ng sindikato ng ecstasy at cocaine na siyang responsable sa pagpapalaganap ng mga party drugs dito sa Central Visayas, sa Western Visayas at sa iba't iba pang karatig lalawigan.
01:30Online din umano ang transaksyon at idinadaan sa courier at delivery services ang paghatid ng mga kontrabando.
01:37Inaalam pa ng autoridad kung may iba pang sangkot sa iligal operasyon ng suspect.
01:45Inaalam din kung saan niya kinukuha ang sangkap sa paggawa ng iba't ibang klase ng illegal drugs.
01:51Hindi nagpa-unlock ng panayam ang suspect at maging ang kanyang live-in partner na naaktuhan sa kwarto.
01:58Inihahanda na ang mga kaukulang kaso na isasampal laban sa kanila.
02:02Mula sa JMA Regional TV at JMA Integrity News, Alan Domingo na Katotok, 24 Horas.
02:09Pinangunakan ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagpapatunog ng Batingaw o yung Bell sa Philippine Stock Exchange
02:16ngayong unang araw ng pagpapatupad ng Capital Markets Efficiency Promotion Act.
02:27Sinimplihan ng batas ang proseso ng pagbubuwi sa investment sa stocks para mahikahit ang mas marami na mag-invest sa Pilipinas.
02:33Ayon sa Philippine Stock Exchange, makatutulong ang batas para mas maging competitive ang ating stock market sa ibang bansa sa ASEAN.
02:42Tinatayang 25 bilyong piso ang may papasok na kita sa bansa mula 2025 hanggang 2030. Dahil diyan.
02:50Nanumpa na bilang bagong Foreign Affairs Secretary si Maria Teresa Lazaro.
02:54Papalitan ni Lazaro si dating DFA Secretary Enrique Manalo na itinalaga bilang Permanent Representative ng Pilipinas sa United Nations sa New York.
03:05Dating Undersecretary sa DFA si Lazaro na ginawara ng Order of Sikatuna Grand Cross ng Pangulo
03:11para sa kanyang mahalagang papel sa pagsulong sa interes ng Pilipinas sa mga kritikal na foreign policy.
03:18Itinalaga naman bilang bagong Commissioner ng Bureau of Customs si Ariel Nepomuseno.
03:25Nagsilbisi ni Nepomuseno bilang Direktor ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC
03:33at Undersecretary ng Office of Civil Defense.
03:42Magandang gabi mga kapuso.
03:44Ako po ang inyong Kuya Kim na magbibigay sa inyo ng trivia sa likod ng mga trending na balita.
03:47Tiyak maraming kababaihan ang mga papasana all sa ginawa ng isang binata mula Laguna.
03:53Ang pinangregalo niya rito mga sunflower, siya raw mismo ang nagtanim.
04:01Ang love language though ni Mel, gift giving.
04:05Kaya para sa birthday ng kanyang nobyang si Jan Cariel, may namukod ka siyang bright idea.
04:09Favorite po niya yung sunflower.
04:12That's why yun po talaga yung naisip ko na regalo para sa amin.
04:16At para daw mas maging espesyal ito, ang sunflower na kanyang bibigay, hindi niya bibilhin sa flower shop kundi...
04:22...naisip ko magtanim ng sunflower.
04:24At dahil magtanim ay tipiro, dalawang buwan bago ang birthday ni Jan Cariel.
04:28Si Mel naghanda na.
04:29Nagsimula ako ng mag-research kung paano talaga magtanim ng sunflower.
04:33And then bumili ako ng mga seeds.
04:36Tapos tinanim ko po sila isa-isa dun sa seedling tray.
04:40Para daw gumanda ang tubo ng mga tinanim na sunflower.
04:42Dinidiligan ko po sila everyday.
04:45Yung gamit ko timba kasi wala kaming mahabang hose para umabot dun sa bubong namin.
04:51At matapos ng 50 days, ang mga sunflower na pinaghirapang itanim ni Mel na mukadkad na.
04:56Lahat sila nag-germinate.
04:58Yun nga lang.
04:58Medyo na-misalign po ako. Medyo lumagpas po nung birthday niya.
05:03Mabuti na lang daw at ang pag-bloom ng kanyang mga sunflower sumakto naman daw sa kanilang monsary.
05:08Kaya blooming daw si Jan na tinanggap ito.
05:11Suya Kim! Ano na?
05:14Ang mga tao may natural na talento sa pagtatanim gaya ni Mel?
05:17Sinasabing may green thumb daw.
05:19Hindi pa tukuyang eksaktong pinagmula ng idiomatic expression na ito.
05:23Pero may mga teorya nag-ugat daw ito kay King Edward I ng England.
05:26Sa sobrang hiling kasi niya kumain ng green peas.
05:28Buong araw niya pinagbabalat ng gisantes ng kanyang mga trabador.
05:31At ang may pinakaberte mga daliri sa kanila kakabalat ng green peas,
05:35bibigyan niya ng katipala.
05:36Ang sunflower plant naman, native o nagmula sa North America.
05:41Sinimulan nito i-cultivate 8,000 years na ang nakakaraan.
05:44At dinevelop ito ng Native Americans bilang food source.
05:48Opo, kinakain ang halamang ito.
05:50Katunayan mula sa sunflower plant, maaaring gumawa ng sunflower oil at butter.
05:54Baliba naman sa mukhang araw, ang mga dilaw, o talulot, o petals nito.
05:58Alam niyo ba ng isa pang rason kung bakit pinangalan ng sunflower ang halamang ito?
06:02Alam niyo ba na ang sun o araw nakaka-apekto sa behavior ng mga sunflower?
06:11Ang mga young sunflower kasi sinusundan ito mula sunrise hanggang sunset,
06:15kung saan ang araw noon din nakaharap ang sunflower.
06:18Ang tawag dito ay heliotropism.
06:21Isa sa mga rason kung bakit nangyayari ito ay dahil sa circadian rhythm ng halaman
06:24o yung kanyang body clock.
06:27Nakaka-apekto rin sa paggalaw ng sunflower ang plant hormone na oksin.
06:30Kapag ang araw ay nasa isang panig, ang oksin ay naiipon sa kabilang panig ng bulaklak.
06:35Kaya lumilihisan tangkay dito mapunta sa araw.
06:38Pero tumitingin ito sa pagsunod sa araw kapag tumatanda na ang bulaklak.
06:42Ang mukha ng sunflower ay nananatili na lang na nakaharap sa silangan.
06:46Samantala, para malaban ang trivia sa lingkod ng Paralabalita ay post o comment lang
06:50Hashtag Kuya Kim, ano na?
06:52Laging tandaan, kimportante ang may alam.
06:55Ako po si Kuya Kim at sagot ko kayo, 24 hours.
07:02Mabilis na chikayan tayo para updated sa showbiz happenings.
07:08This is a symbol of my commitment and my love for you.
07:11Officially engaged na ang unang Hit It host at weatherman na si Andro Pertera.
07:20A sweet yes ang natanggap niya sa kanyang bride-to-be, ang Grace Note band member na si Eunice.
07:27Congratulations!
07:27Fun run o fun date?
07:33Yan ang hitit ng netizens ng mas patan si Barbie Fortes at James and Blake sa isang fun run together.
07:40Tanong ng ilan, ano kaya ang status ng dalawa?
07:44Shinare naman niya na Megan Young at Mikael Daez ang kanilang first date out as parents.
07:51Celebration daw ito ng couple matapos ang safe delivery at pag-aalaga sa kanilang newborn na si Baby Leon.
07:58Excited na rin daw silang isama si Leon sa kanilang trips.
08:01Maaaring maging patibong o trap?
08:13Ang hinihinging sertifikasyon sa Kamara ng Senate Impeachment Court.
08:18Ayon sa isa sa mga inaasahang magiging bahagi ng prosecution team na si Akbayan Representative Chelle Diocno.
08:26Nakatutok si Tina Pangaliban Pere.
08:28Naniniwala si Akbayan ng Representative Chelle Diocno na dapat magingat sa pagtugon sa hinihingi ng Senate Impeachment Court
08:40ng sertifikasyon sa Kamara na interesado pa rin itong isulong ang impeachment proceedings ngayong 20th Congress.
08:47Sabi ni Diocno na inaasahang magiging bahagi ng prosecution team, baka raw ito isang trap o patibong.
08:54Yan ang satang bagay na kailangan pag-aralan ng mabuti kasi baka naman maaaring maging trap nga yan.
09:01Kaginawa ng house yan ay sasabihin naman nila, oh, eh, mag-violate na kayo ng one-year ban.
09:08If the 20th Congress will designate prosecutors to the panel, I think that is already a very clear indication that they want to proceed with the case.
09:19Nanindigan si Diocno na dapat magkaroon ng impeachment trial.
09:24Yan din ang sabi ni Akobi Colpartedist Representative Alfredo Garbin.
09:28I haven't heard of dismissal and the Constitution does not speak of dismissal.
09:34Kung pagbabawal ang motion to dismiss, sir?
09:36Yes, because the Constitution speaks of hearing and trial, di ba?
09:43And then the reception of evidence.
09:45Tingin naman ni Sen. Sherwin Gatchalian, i-invoke ng defense team ang pagpapadismiss ng impeachment case ng BICE.
09:53Oras na mangyari ito, posible raw pagpotohan niya ng mga Sen. Judge.
09:58Makikita naman natin doon sa reply ni VP Sara na in-invoke nila yung constitutionality ng Articles of Impeachment.
10:11So yung reply na yun, I am very sure, i-invoke ulit yun ng mga defense lawyers.
10:19At possible yan na magkaroon ng botohan.
10:23Possible yan.
10:24Kasi i-invoke nila yan eh.
10:25So kung merong tumutol or merong sumang-ayon among the Sen. Judges, possible yan.
10:34Pero nanindigan si Gatchalian na dapat maipresenta muna ang mga ebedensya sa impeachment trial
10:40bago magbotohan ang mga Sen. Judge sa anumang motion.
10:44Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 Horas.
10:51Nagpulasan ang ilang nagtitinda sa bangketa nang mag-operate ang MMDA sa Padre Faura Street sa Maynila.
11:00Kanya-kanya silang alis habang bit-bit ang kadilang tibda nang dumating ang mga tauha ng MMDA.
11:06Inabutan din kaya inalis ng MMDA ang isang bisikletang nakakadena sa isang puno.
11:13Wala roon ang may-ari nito kaya kunumpis ka na ng MMDA ang bisikleta.
11:19Nasita at natiketan din ang isang rider dahil naabutan siyang walang suot na helmet.
11:25Pinayagan ng madischarge sa ospital si dating Negros Oriental Representative Arne Tevez matapos maoperahan.
11:33Ayon sa kanyang abugado, ililipat agad sa BJMP si Tevez kahit nakakaranas pa ng bahagyang pananakit sa tiyan.
11:40Gitang kampo, walang ibinigay na special treatment kay Tevez na sumailalim sa appendectomy noong June 18.
11:46Dakila sa operasyon kung kaya naurong sa July 14, ang pagbasa ng sakdal para sa isa sa murder cases laban kay Tevez.
11:54Kaugnay ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel de Gamo noong 2023.
12:00Giniba na ang karamihan sa mga bahay na apektado ng pagkasira ng isang river wall sa Nabotas.
12:06Nakatutok si Rafi Tima.
12:11Tulungan niyo po kami! Parangay sa lusas!
12:14Kasunod ang paguhon ng river wall.
12:16Tuloyan ang giniba ang mga bahay na naapektuan sa barangay San Jose Nabotas.
12:22Dalawang bahay lang ang natira dahil dito sumandal ang bahagi ng gumuhong pader.
12:25Di mo muna namin pinatibag kasi wasa tinibag namin yan, may posibilidad na gumuho hanggang dulo.
12:32So nakausap po kami nitong gagawa at naka-sa nga kami na huwag mo nang tibagin yan.
12:38Pag nasementoan na lang po nila, saan namin titibagin.
12:41Habang di pa nabubuhos ng simento, sandbag at plywood muna ang pansamantalang remedyo
12:45para di pumasok ang tubig.
12:47Ang lokal na pamahalaan, inspeksyonin daw ang iba pang bahagi ng river wall
12:50para makita kung may iba pang bahagi ang nangangalig na ring masira.
12:54Siguro sa tagal po ng panahon na laging dinadaanan ng mga malalaking barko.
12:59So talaga lumambot na.
13:00Sinabi ko nga po dito sa shipping line na to na may posibilidad na if ever dito or yung sa dulo,
13:09baka ganyan di mangyari.
13:10Si Dennis dito na raw ipinanganak, lumaki at nagkapamilya
13:14at naranasan na ring masira ang river wall malapit sa kanyang bahay noong nakaraang taon.
13:18Parang tinapalan lang yata.
13:20Hindi ko sure. Parang ganun lang.
13:22Umabot na ang kulang isang taon uli.
13:24So parang lumaki lang talaga yung high tide ngayon sa laki.
13:29Hindi na kinaya.
13:30Hanggang ngayon hindi pa rin tapos sa paglilinis sa mga residenteng naapektuhan.
13:33Dahil biglaan at minuto lang, rumagasan na ang baha.
13:37Wala rin silang naisalbang gamit.
13:39Malaking tulong sana para hindi na maulit ang lumhang pagtas ng tubig
13:42kung naayos na ang nasirang Navotas Navigational Gate
13:45na dapat makukumpleto ngayong araw.
13:48Pero ayon sa Malabon CD-RRMO,
13:50hindi pa ito natatapos dahil nais nilang tiyaki na kumpleto at maayos
13:54ang pagkukumpo ni rito.
13:55Sa libho na piliti natin, madaliin natin,
13:59na baka ho masira ka atas muli,
14:01mas minarapat ho natin na gawin na po ng maayos.
14:04Meron silang 8 days na window ho para ayusin na ho yung dapat ayusin.
14:09Kasi ngayong panahon nito,
14:11kung hanggang July week,
14:12mababa po yung high tide,
14:14kaya mas makakakilos po sila.
14:16Para sa GMA Integrated News,
14:18Rafi Tima Nakatutok, 24 Oras.
14:21Imbes na magbayad ng utang,
14:24nanutok ng baril ang isang lalaki sa tagig
14:27na nagpakilala pa umanong polis.
14:30Nakuhanan din siya ng baril at hinihinalang syabu.
14:33Nakatutok si Mama Allegre.
14:36Exclusive!
14:40Arestado ang lalaking ito sa barangay Komembo, Tagig,
14:42kagabi matapos mabuking na nagpapakilala siyang polis.
14:46Inireklamo siya ng isang babaeng biktima
14:48dahil nanutok di umanong baril.
14:51Ayaw kasing magbayad ng suspect sa utang niyang 20,000 pesos.
14:55Sa halip na magbayad,
14:56nanindak pangaraw ito at sinabing polis siya.
14:59Dito na nagsumbong ang biktima sa pinakamalapit na polis outpost
15:02at nang kumprontahin siya ng mga totoong polis,
15:05dito na nagkaalaman.
15:06Nakajakit pa siya, nakajakit pa siya ng polis.
15:09Uniform na jacket ng polis,
15:10with polis markings,
15:12and may radyo pa, may radyo.
15:15So pagkatapos nga,
15:17nung makita na naka-polis na jacket siya,
15:19tinanong siya ng tropa.
15:22At hiningian siya ng ID.
15:24Tinanong siya kung polis ka ba talaga.
15:27Nagpakilala siya.
15:28Sabi niya, polis daw siya.
15:30So nung hiningian naman na siya ng documents,
15:34like the ID, PNP ID,
15:36wala siya maipakita.
15:37So sa katagalan,
15:39umamin din siya,
15:40Sir, hindi po ako polis.
15:42Pagkaamin ng suspect,
15:43inaresto na siya,
15:44at ininspeksyon ang kanyang dalang gamit.
15:46Nakuhanan siya ng handgun na walang sapat na papeles,
15:48pati ng isang sachet,
15:49nang hinihinalang shabu.
15:51Depensa ng suspect,
15:52ang tanging pagkakamali lang niya,
15:53ang magsuot ng jacket na may polis markings.
15:56Hindi raw siya nagpapakilala ang polis,
15:58at lalo hindi raw sa kanya nakuhang kontrabando.
16:00Sabi ko sa kanila,
16:02drug test tayo ngayon.
16:04Kung positive ako,
16:05sige.
16:07Eh,
16:08pangit naman na pagdating sa police station.
16:11Lapag yung baril at saka yung droga.
16:13Hindi,
16:14hindi naman tama yun.
16:15Nakaharap ang suspect sa inquest proceedings
16:17sa patong-patong na reklamo.
16:19Nakasunan lang po natin siya ng usurpation of authority.
16:22And,
16:23kasi nga,
16:25wearing uniform,
16:26nagpapakilala siyang polis,
16:28may badge pa nga,
16:30and,
16:30ano,
16:30then,
16:33isa pa,
16:33isa illegal possession of firearms,
16:36article 10591,
16:38with,
16:39article 9165 for illegal possession of dangerous drugs.
16:50Para sa GMA Integrated News,
16:51Bam Alegre,
16:52nakatutok 24 oras.
16:53Aminadong overwhelmed pa rin ngayon sa love and support,
17:00sina Dustin Yu at Bianca Rivera,
17:02sa pagbabalik nila sa outside world.
17:05But the question remains para sa duo.
17:07Ano na kaya ang relationship status nila sa paglabas ng bahay ni Kuya?
17:12Makichika kay Aubrey Carampeb.
17:14After almost four months na pamamalagi sa bahay ni Kuya,
17:21still adjusting to the outside world,
17:24ang newest PBB Celebrity Collab Edition Evictees,
17:27ang Dustby duo,
17:29nina Dustin Yu at Bianca Rivera.
17:31Malaking tulong daw sa kanila ngayon,
17:33ang overflowing love and support,
17:35mula sa kanilang fans at pamilya,
17:38na mainit din silang sinalubong paglabas ng PBB house.
17:41It's a little bit overwhelming,
17:44but so far,
17:45I'm really enjoying may stay here in the outside world.
17:49Medyo mahirap pero kaya
17:51dahil nga din sa love na natatanggap namin sa tao
17:55and sa families namin.
17:57Nangihinayang man na hindi umabot sa big night,
18:00no regrets at proud daw sa kanilang big four housemates
18:03sina Dustin at Bianca.
18:05All throughout the season,
18:06talagang nilaban namin ni Bianca talaga.
18:08At naging totoo kami,
18:10naging matapang kami sa mga challenges.
18:14Kung ano man naging result,
18:16tanggap namin ni Bianca.
18:17We have no regrets at all
18:19because we know that we tried our best,
18:21we gave our best.
18:23So with that,
18:25contento na rin naman.
18:26Okay na po, okay na po kami.
18:27Marami rin daw silang natutunan
18:29na baon nila hanggang sa outside world.
18:32I really learned how to love all of my imperfections
18:36despite sa mga pagkukulang ko sa journey ko
18:41and pakiramdam ko rin po kasi hindi po doon
18:45nagtatapos yung growth namin.
18:47So I guess yun,
18:48isa po yun sa mga natutunan ko
18:51is that growth is non-stop.
18:54Natutunan kaming huwag sumuko
18:57sa life,
19:00sa bahay ni Kuya.
19:01Dito ko natutunan talaga
19:02na mas patibayan pa yung faith ko
19:04kay Lord talaga.
19:06Marami ang sumubaybay
19:07sa kanilang journey sa bahay ni Kuya
19:09at nag-ship sa kanila
19:11na binansagang
19:12Just Be A Love Team ng fans.
19:14E ano na nga ba
19:15ang relationship status ng dalawa?
19:18Kung ano kami sa loob,
19:20gano'n pa rin kami dito
19:22kasi kung ano man yung nasa loob
19:25ng bahay ni Kuya,
19:26totoo naman yun.
19:28So kinuntin nyo lang naman namin
19:29dito sa labas.
19:32Wish daw nila na makatrabaho rin
19:34ang isa't isa soon.
19:36I'd be happy of course
19:37kung magkaka-project kami together.
19:40But if not,
19:41supportahan ko pa rin si Bianca
19:42sa mga future endeavors niya.
19:45Ako po, yes.
19:46I think it would be
19:48a different experience naman
19:51to see him in a different environment
19:54and to share that common space
19:56with him wherein we
19:58we both share the same passion
20:01kasi like cooking
20:02and now naman siguro
20:04pwede natin matry yung craft natin
20:06sa pag-aarte.
20:07Pero bago yan,
20:10ang Dust Bia
20:11may kilig-ayuda muna
20:12sa kanilang chefies.
20:21Sinalubong din
20:22ng surprise homecoming party
20:24from his sparkle family
20:25si Dustin.
20:26Nanguna sa pag-welcome sa kanya
20:28si GMA Network Senior Vice President
20:31Atty.
20:31Annette Gozon-Valdez.
20:32Hindi ko na-expect
20:33and na-overwhelm ako lalo.
20:36Super dami nagpadala ng pagkain
20:38which is a blessing to me also.
20:42Kahit birthday ko,
20:43hindi naman tayo nangyayari.
20:45So,
20:46first time,
20:48first time ever
20:48na parang ako yung naghanda.
20:51Kasi nakita ng mga tao
20:52kung sino yung tunay na Dustin
20:54sa loob ng bahay ni Kuya.
20:56And lahat nga nang nakakausap natin
20:58na housemates,
20:59na nakalabas na,
21:00ay lahat sinasabit talaga nila
21:01na mahal na mahal nilang lahat si Dustin.
21:03Parang Kuya nila.
21:04Kaya I think
21:05nakita rin yun ang mga tao.
21:07Dustin,
21:07we're so proud of you
21:09and I know you'll be
21:10even more successful
21:12outside the house.
21:13Aubrey Carampel,
21:15updated
21:15sa showbiz sa happenings.
21:17Nagkabereya sa concert ni Beyoncé
21:19sa Houston, Texas sa Amerika.
21:22Stop!
21:23Stop, stop, stop, stop!
21:25Stop!
21:26Stop, boy!
21:27Stop, boy!
21:29Habang nasa ere si Queen B
21:30nagkaabereya
21:31at tumagilid
21:32ang sinakyan niyang props
21:33na kotse.
21:35Napakapit ang singer
21:35sa flagpole
21:36para bumalanse.
21:38Napuno ng kaba
21:38ang stadium
21:39habang dahan-dahan
21:40na ibinaba
21:41si Beyoncé.
21:42Ayon sa management company
21:43ni Beyoncé,
21:44technical mishap
21:45ang nangyari.
21:46Ligtas ang singer
21:47at wala rin ibang nasaktan.
21:48And that's my chica
21:53this Tuesday night.
21:54Ako po si Ia Adeliano.
21:55Miss Mel,
21:55Miss Vicky Emile.
21:57Thanks, Ia.
21:58Salamat, Ia.
21:59Thanks, Ia.
21:59At yan ang mga balita
22:01ngayong Merkoles
22:02o ngayong Martes.
22:03Ako po si Mel Tianco.
22:05Ako naman po si Ia.
22:06Sorry.
22:07Ako naman po si Vicky Morales
22:08para sa mas malaking mission
22:10ng bilis ng panahon.
22:11Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
22:13Ako po si Emile Sumang.
22:14Mula sa GMA Integrated News,
22:16ang News Authority ng Pilipino.
22:18Nakatuto kami 24 oras.

Recommended