Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/1/2025
Hindi pumayag si dating Pangulong Rodrigo Duterte na ibenta ang kanyang unang bahay sa Davao City ayon 'yan sa anak niyang si Congressman Paolo Duterte. Pero sabi ng kanyang common law wife na si Honeylet Avanceña ibinebenta ito sa highest bidder.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi pumayag si dating Pangulong Rodrigo Duterte na ibenta ang kanyang unang bahay sa Davao City.
00:07Ayon po yan sa anak niya si Congressman Paulo Duterte.
00:11Pero ang sabi ng kanyang common law wife na si Hanelette Amancenya,
00:15ibinibenta ito sa highest bidder.
00:18Nakatutok si Sarah Hilomen Velasco ng GMA Regional TV.
00:22Noong Sabado, kumalat online ang litrato ng bahay ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City.
00:33May nakapaskil na for sale at meron pang contact number.
00:38Sa isang text sa GMA Integrated News, sinabi ng common law wife ni Duterte na si Hanelette Amancenya
00:44na ibinibenta nga ang bahay sa kung sino man ang makapagbibigay ng pinakamataas na bid.
00:50Pero noong linggo, wala na ang signage at hindi na makontakt ang number sa tarpaulin.
00:58Ayon kay Congressman Paulo Duterte, hindi daw pumayag ang kanyang ama na ibenta ang bahay
01:03ng kanyang bisitahin sa ICC Detention Center sa The Hague.
01:06So ako siyang ipangutan na na may baligya patong balay sa amang lula,
01:14sa deli daw ito'y baligya, isang subot.
01:16Bukod sa tinawag ito ng dating Pangulo na una niyang bahay,
01:21ito rin ang madalas ipasilip noon sa publiko para ipakita ng mga Duterte ang kanilang pamumuhay.
01:26Kabilang ang pagkain niya rito kasama ang mag-inang Hanelette at Kitty.
01:30At pagtulog dito, gamit ang kulambok.
01:33Tumuloy rin dito noong 2017 ang bumisitang si nooy Japanese Prime Minister Abe Shinzo.
01:39Tano ka din sa mga bisunti niya sa kagalina niya, wakukong may klaro kanyang bubag,
01:44kapaligyan na may mabuhat.
01:47Sakaling maibenta at magbalik ang dating Pangulo sa Pilipinas,
01:50may plano na raw si na Congressman Pulong Duterte.
01:53Ang amang ginahan, si mama naman ni Sumtikyod na pohon, pohon,
02:00talo yan siya ako makagawa siya, dito na siya pa po yun sa balay naman.
02:04Patuloy naming kinukuhanan ng pahayag si Hanelette Avancenya kaugnay nito.
02:10Para sa GMA Integrated News,
02:12Sara Hilomen Velasco ng GMA Regional TV, nakatutok 24 oras.

Recommended