00:00Inabot ng ilang oras ang nangyaring sunog sa Pasig City kagabi.
00:04Naswertehan naman at walang nasaktan o nasawi sa sunog.
00:07Si GM Pineda sa Detalye Live, GM.
00:13Audrey, tinatayang nasa isang daang bahay ang kinupok ng sunog dito sa Barangay Rosario sa Pasig City.
00:20Nasa lagpas isang daang mga pamilya naman ang apektado ng sunog.
00:24Bago mag-alas 8 kagabi, nang simulang tupukan ng sunog ang residential area nito sa Ramos Village, East Bank Road sa Barangay Rosario, Pasig City.
00:35Napuno ng maitim na usok at namula ang kalangitan dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy sa lugar.
00:41Ang ilan sa mga residenteng malapit sa lugar, kanya-kanyang hakot ng kanilang mga gamit para hindi na madamay sa sunog.
00:47Sa drone video na ito, nakuha ng isang concerned citizen sa lugar.
00:50Makikita pa ang laki ng pinsala ng sunog at maririnig din ang alingawungan ng mga siren ng bumbero.
00:577.55 nang idiliklarang first alarm ang sunog na kumalat agad sa lugar.
01:02Badang alas 8 naman ang imedya na itinaas ang BFP sa third alarm ang sunog.
01:07Bago naman maghating gabi na mag-fire out ang sunog.
01:10Sa gitna ng malakas na apoy na yan, Audrey, isang 33 anyos na lalaki ang nahihirapang huminga dahil sa kapal ng usok na gawa ng apoy.
01:19Agad namang i-respondahan ito ng mga atridada.
01:22Binuksan agad ng lokal na pamalaan ng cover court pati na ang multi-purpose hall ng barangay Mangahan para gawing evacuation center ng mga apektadong residente sa barangay Rosario.
01:32Dito mo naman nanatili ang mga nasunugan hanggat hindi pa nakakabangon sa nangyaring trahedya sa kanila.
01:38Handa naman ang Pasig City LGU na magbigay pa ng karagdagang tulong sa mga naapektuan ng malaking sunog.
01:44Katunayan nagpadala ng LGU ng mga sleeping kits at mga hygiene kits na pwedeng gamitin ng mga biktima.
01:50Katawang ng LGU ang City Social Welfare and Development para sa pagtulong ng mga nasunugang residente sa lugar.
01:58Audrey, sa ngayon nga itong multi-purpose hall ang nanatiling bahay ng mga nasunugan kagabi dito sa barangay Rosario dito sa Pasig City.
02:07Ibu ko dito sa multi-purpose hall, mayroon din ilang mga residente na nanatiling ngayon sa covered court ng barangay Mangahan doon sa kabilang area naman.
02:15At sa ngayon nga ay inaalam pa ng BFP Pasig City ang pinangyarihan ng sunog.