Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Lungsod ng Maynila ay sinailalim sa State of Health Emergency na nagbabalik na si Mayor Scomoreno dahil sa problema sa paghakot ng basura.
00:12Sa gitna naman ng pudlot-udlot umanong koleksyon ng basura, sumulat sa alkalde ang dalawang hauling contractors sa Maynila
00:18para bumitaw sa kontrata dahil sa halos 400 milyong pisong anulay utang sa kanila ng lungsod.
00:24Muli naman maghahakot ng basura ang dating kontraktor na naonang bumitaw sa kontrata dahil din sa utang ng LGU.
00:31Ayon kay Moreno, napakausapan daw niya ang dating kumpanya.
00:45Nasa 60 pamilya sa Navotas na nanatili sa evacuation center, nambahain sila nitong weekend dahil sa bumigay na pader pang harang sa ilog.
00:52Pati mga sandbag na pamalit muna sa pader, di kinaya ang ragasan ng tubig.
00:57Ayon sa Navotas CDRMO, pag-aari ng pribadong kumpanya ang pader.
01:02Sinubukan naming humingi ng pahayag sa kumpanya, pero nakikipag-ugnayan na raw ito sa City Hall at inyak na ayusin ang pader ngayong linggo.
01:12Senador Risa Ontiveros, handa raw ihabla ang mga nasa likod ng video ng bumaliktad na witness sa investigasyon ng Senado kay Pastor Apollo Quiboloy.
01:21Pinabulaan na ni Ontiveros ang pahayag ni Michael Morello alias Rene na gawa ng Senadora mga akusasyon noon ni Rene laban kay Nakibuloy at dating Pangulong Duterte.
01:31Naglatag din siya ng mga resibo na si alias Rene umano ang nag-alok na tumistigo at hindi siya binayaran.
01:37Nagpatulongan niya ito dahil kininap umano ng religious group ng pastor.
01:42Hinihingan pa namin ng komento ang kampo ni Nakibuloy at Duterte.
01:45Justice Secretary Jesus Crispin Rimulia planong mag-apply bilang bagong ombudsman sa gitna ng kinakaharap na reklamo.
01:54Ayon sa kalihim, hindi magiging problema ang reklamong isinampas sa kanya sa ombudsman ni Senador Aimee Marcos
01:59tungkol sa legalidad ng pag-aresto at pagdala kay Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
02:06Joseph Morong nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:10Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
02:13Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
02:16Mag-subscribe na sa GMA Integrated News.

Recommended