Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kakasuhan sa NBI ni Sen. Risa Ontiveros ang mga nasa likod ng video ni Michael Maurillo alias Rene
00:07na nagsabing tinakot at binayaran umano siya ng Senadora para akusahan si Pastor Apolo Quiboloy at ang mga Duterte.
00:15Pinabulaanan ng Senadora ang mga allegasyon sabay lapag ng mga resibo o screenshot ng mga email at text mula kay alias Rene.
00:24Saksi, si Mav Gonzalez.
00:30Sinungaling na nga ng haharas pa.
00:33Mariin ang pagtanggi ni Sen. Risa Ontiveros sa mga pahayag ni Michael Maurillo alias Rene.
00:39June 25 nang ipost online ng isang pagtanggol valiente kung saan sinasabi ni Maurillo na tinakot at binayaran lang umano siya ng Senadora
00:47para akusahan si Pastor Apolo Quiboloy at idawit ang mga Duterte.
00:51Kabilang sa mga isinawalat niya noon sa Senado ay ang pang-aabuso umano ni Quiboloy sa ilang babaeng miyembro ng Kingdom of Jesus Christ.
00:58Michael exposed people who trusted the Senate with their stories.
01:05And these are people who were already afraid.
01:09Now they are in danger.
01:11Again, yan ang talagang kinagagalit ko.
01:16Hindi lang ito paninira.
01:18Pero giit ng Senadora, si Maurillo Rao ang paulit-ulit lumapit sa opisina niya mula December 2023 at nag-volunteer na tumestigo laban kay Quiboloy.
01:28Naglabas pa siya ng mga screenshot ng email at text bilang resibo.
01:32Siya mismo ang gumawa at nagbigay sa aking opisina.
01:37Andoon na ang pangalan ng mga Duterte.
01:40Walang pumilit.
01:42Siya ang nagkusang loob.
01:45No one paid him.
01:46No one coerced him.
01:48Ilang araw bago lumabas ang video,
01:50nag-message pa raw si Maurillo sa opisina ni Yontiveros noong June 22 at 23.
01:55Michael was the one frantically messaging my staff.
01:58Sabi niya, quote, help me, kinidnap ako at tinatakot ako ng kingdom.
02:06Dito ako kinulong sa Glory Mountain.
02:09Ni-report daw nila ito sa PNP Davao.
02:12Pero habang ina-action na ng polisya,
02:14biglang lumabas naman ang video ni Maurillo na binabawi ang mga naon na niyang pahayag sa Senado.
02:19Ayon kay Yontiveros, hindi niya alam kung sino ang nasa likod ng video.
02:23Pero ang turing niya rito, witness tampering.
02:27Fake news.
02:28Psychological warfare.
02:30This isn't just an attack on my office.
02:34This is an attack on truth telling.
02:37Hindi rin ano yan ito napahina,
02:39kundi lalo pang napalakas ang findings ng Senate Committee on Women and Children laban kay Kibuloy.
02:44Hindi lamang si Michael ang testigo.
02:47Maalala po natin labing apat sila.
02:50Hindi siya ang star witness.
02:52At yung iba sa labing tatlo pang witness na yun ay nag-reach out na sa opisina ko para sabihin handa nilang patunayan.
03:01Sabihin muli na sila'y nang testigo ng malaya at hindi sila binayaran.
03:07Ayon kay Yontiveros, sa miyerkules ay magsasampa sila ng reklamo sa National Bureau of Investigation o NBI laban sa mga nasa likod ng video, kabilang na si Maurilio.
03:17Pinag-aaralan din niya ang pagsasampa ng kasong kriminal.
03:20Hinihingan pa namin ang komento ang kampo ni Nakibuloy at Duterte.
03:24Para sa GMA Integrated News, ako si Mav Gonzalez, ang inyong saksi.

Recommended