Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/30/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Posible yung masundan pa ang rollback sa presyo ng petrolyo ngayong kumakalma ang sitwasyon sa Middle East.
00:06Ayon po yan sa Department of Energy.
00:08Kung makano ang posible yung bawas presyo sa pagsaksi ni Bernadette Reyes?
00:16Kung magtutuloy-tuloy ang ceasefires sa pagitan ng Israel at Iran,
00:20mataas ang chance ang tuloy-tuloy rin ang bawas presyo sa produktong petrolyo ayon sa Department of Energy.
00:27Ang inaasahan ng DOE, babalik ang presyo sa level nito noong June 6 to 9
00:32bago tumindi ang tensyon sa pagitan ng Israel at Iran noong June 13.
00:37Noong panahon yun, nasa P45 hanggang halos P68 ang presyo ng gasolina.
00:43Nasa P44 hanggang halos P61 ang presyo ng diesel at higit P67 hanggang higit P82 ang kada litro ng kerosene.
00:52Sa ngayon, umaabot sa P51 hanggang halos P71 ang presyo ng gasolina.
00:57Halos P50 hanggang halos P69 ang presyo ng diesel.
01:01At ang kerosene, nasa halos P72 hanggang higit P89 ang kada litro.
01:06Mababawasan pa yan bukas dahil sa P1.40 na bawas presyo sa gasolina,
01:12P1.80 sa diesel at P2.20 kada litro sa kerosene.
01:18Around P4 and P5 pa ho sana ang inaasahan natin in the coming weeks na tuloy-tuloy na pagbaba.
01:26As long ho na masustain ho yung ceasefire na yan at walang additional na gulo na nagkukos ng speculation ang mangyayari sa atin.
01:37Nananatili rin ang P1 per liter discount ng ilang oil company.
01:41Pag-aaralan pa kung pwede rin bigyan ng discount ang mga pribadong sasakyan.
01:45Pero meron pa rin mga nalilitan sa oil price rollback, lalo't higit limang piso kaagad ang taas presyo sa diesel noong nakaraang linggo.
01:54Kasi yung cost ng speculation ay hindi naman agarang nawawala, agam-agam.
02:00So dadaan ho yan ng mga ilang adjustment.
02:04Ngayon wala ho tayong inaasahan magiging rason para umingkriso ito agaran.
02:09Pwede na rin, basta meron kaysa wala. Pero dapat naman, kung magkano tinataas, dapat gano'n din na rollback.
02:17Bukod sa rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, may dagdag pang good news dahil may inaasahan din rollback sa presyo ng liquefied petroleum gas simula bukas.
02:27Saudi Arabia really affected ng conflict na yan. Ito lang ho yung panahon kasi napababa ang LPG.
02:32Sakaling tumaas muli ang presyo, diskwento, fuel subsidy at utay-utay na pagpapatupad ng taas presyo, ang nakikitang remedyo ng DOE.
02:42May posibilidad ng oil exploration sa Mindanao, pero ayon sa DOE, baka abutin niya ng 10 hanggang 15 taon.
02:50Especially yung mga area na nakaharap sa Malaysia and Indonesia, with the same geological age no ng area, hindi malayo na makahanap din tayo ng gano'ng mga resources, oil and gas.
03:05Para sa GMA Integrated News, ako si Brunadette Reyes, ang inyong saksi.
03:20Atau sa GMA Integrated News, ako si Brunadette Reyes, ang inyong saksi.

Recommended