00:00Binweltahan ni PNP Chief Police General Nicola Storri III si Vice President Sara Duterte sa kanyang pahayag na masyadong makaluma ang PNP.
00:10Inisa-isa pa ng General ang mga makabagong teknolohiyang gamit ng mga polis. Yan ang ulat ni Ryan Lesigues.
00:18The Vice President is always welcome to visit us here in Camp Rame to see kung paano natin ginagamit ang teknolohiya sa pagpupulis natin.
00:28Ito ang belta ni PNP Chief Police General Nicola Storri III matapos tila kutsain ni Vice President Sara Duterte ang estilo ng Philippine National Police sa kanilang ipinatutupad na operasyon.
00:39Sa barat ng pangalawang pangulo, sinabi nito na makaluma ang PNP lalot nakafocus pa rin anya ito sa pagpapaigting ng police visibility sa mga kalsada o kanto strategy sa halip na gumamit ng modernong teknolohiya.
00:52Pero paglilino ni Tore na meron ng integrated modern technologies ang police force para sa kanilang mga operasyon.
00:59Tayo dyan drone, nandyan ang mga CCTV, nandyan ang ating mga body cameras at marami pang iba.
01:08May mga radio tayo dyan na bigay lahat ng PNP.
01:10Ang mga CCTVs natin ay binimintay naman ang local government unit at nagbigay sa atin ng viewing rights kaya nakukuha natin ang feed ng mga CCTVs all over the city.
01:22Sa kabila nito ay sinabi ng hepe ng pambansang polisya na nire-respeto niya ang lahat ng opinion kabilang na ang galing sa pangalawang pangulo.
01:31Samantala, muling nagbabala si Tore na hindi siya mangingiming tanggalin ang mga polis na hindi makakasunod sa 5 minutes response at hindi gagawin ng maayos ang trabaho.
01:41Kanina, inanunso ni Tore na kanyang inalis sa pwesto ang isang city chief of police sa lalawigan ng Rizal.
01:47Sinabi ni Tore na inalis niya sa pwesto ang hepe dahil sa diskart na yung tamad ng kanyang mga tauhan.
01:54Hindi direktang tinukoy at ayaw ng pangaralan ni Tore ang nire-leave sa pwesto pero ang antipolo city lang ang nag-iisang city sa Rizal at bago rin ang kanilang hepe.
02:04Paliwanag niya, napakasimple lang ng sitwasyon.
02:07Nito manong weekend, may isang negosyante ang ninakawan ng P600,000 ng dalawang niyang tauhan at nag-report ito sa police station.
02:15Ang tanging ginawalang umanon ng police ay binigyan ng blotter extract ang complainant at pinauwi na.
02:21Umabot kay Tore ang insidente at nakulangan siya sa aksyon kaya pinakilos niya ang Rizal Provincial Police Office.
02:29Tinawagan ng Rizal Police ang negros police na address ng isa sa mga sospek at dito nila na-arresto ang sospek na hawak pa ang 500,000 piso.
02:38Yes, micromanagement muna ang ating gagawin kasi kitang kita natin na pati ang mga commanders natin on the ground had forgotten already how to make and deliver the commands.
02:51And the only way for you to be effective on that, dapat marunong kang mag-command.
02:55Samantala personal na inabot ni Tore ang tulong pinansyal sa walong dating rebelde bilang simbolo ng pagkilala sa kanilang desisyong magbagong buhay at muling yakapi ng kapayapaan sa isinagawang seremonya sa Sorsogon City.
03:08Sa kanyang mensahe, binigyan ni Tore na bukas ang PNP sa pagtulong sa mga dating rebelde upang makapagsimula muli at maging bahagi ng mapayapa at maunlad na komunidad.
03:19Dagdag pa niya, patuloy ang pakikipagtulungan ng PNP sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya para tiyaking tuloy-tuloy ang soporta at gabay sa mga dating rebelde na nagdanais ng panibagong simula.
03:30Bawat benepesyaryo ay tumanggap ng TIG 100.000 piso mula sa pamahalang panlalawigan ng Sorsogon bilang bahagi ng reintegration program na layuning bigyan ng panibagong pagkakataon ang mga dating rebelde na makapamuhay ng normal at produktibo sa lipunan.
03:47Mula dito sa Campo Crame, Ryan Lisigues para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.