- 6/29/2025
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:30Nag-miss tulang dagat ang bahagi na ito sa barangay Plainview, Mandaluyong City.
00:36Binahang ilang parte ng Mandaluyong matapos ulanin kagabi.
00:40Basura at pati patay na daga ang nagpalutang-lutang sa baha na namerwisyo sa mga tao roon hanggang kaninang madaling araw.
00:48May batang lumangoy sa baha.
00:52May ilang tao na nakisakay sa truck pero may lumusong na sa tubig.
00:56Hindi kami makalusong, kaya lang no choice na kasi nga oras na rin, madaling araw na, daming basura na bumabara.
01:04Lulusong talaga, kaysa di lulusong, di naman makauwi.
01:09Kanya-kanyang diskarte ang mga motorista para makatawid. Naantala naman ang pamamasada ng ilang tricycle driver.
01:15Nalang perwisyo talaga yung baha na yan. Kaya yan, hindi kami makabiyahin ang mga ayos.
01:22Hindi namin makatid yung mga pasahero. Hunting ulan lang, baha na.
01:25Gumamit naman ang rescue boat ang mga otoridad para sagipin ang ilang na-stranded sa baha.
01:31Ilang oras matapos ang ulan, hindi pa rin tuluyang humuhupa ang tubig.
01:35Ayon sa barangay, gumagana ang lahat ng pumping station sa lugar.
01:40Pero ang problema, mga baradong kanal.
01:43Sa ibang drainage po, may mga basura lang po talaga na nabablock po yung parang pinaka-way po ng tubig.
01:50Kaya medyo natatagal lang po ng konti.
01:52Yung ibang bugaw po kasi ng tubig, imbis po na papasok sa drainage, palabas po yung bugaw po ng iba.
01:59Nakikipagtulungan na raw sila sa MMDA at Mandalu yung LGU para matanggal ang basurang bumabara sa mga kanal at estero.
02:07Sinusubukan pa namin kunin ang panig ng MMDA.
02:09Para sa GMA Integrated News, Bea Pinlac nakatutok 24 oras.
02:17Kasabay po ng pagbaha sa ilang bahay ng Metro Manila, ang paglutang din ng pabalik-balik na problema sa mga basura.
02:24At bagma tinutugunan daw ito ng motoridad, ipinaalala na isang environmental advocacy group na responsibilidad ng lahat ang paglilinis ng kapaligiran.
02:33Nakatutok si Darlene Kai.
02:34Sa pagulan kagabi sa Mandaluyong, naging malaking perwisyo ang baha sa ilang lugar.
02:42Bakas din ang mga naglutangang basura pati mga patay na daga.
02:47Tuluyang humupa ang bahaban ng alas 6 ng umaga kanina ayon sa Mandaluyong Public Information Office.
02:52Hindi maikakailang na ulit sa Mandaluyong ang pagbaha sa Maynila at Quezon City kamakailan
02:56na nasisi sa pagbara ng mga basura sa mga daluyan dapat ng tubig ulan.
03:02Sa Quezon City, inaayos na raw ng LGU ang drainage system sa mga lansangan malapit sa Don Antonio at Batasan,
03:07bunsod ng naranasang baha sa Commonwealth Avenue.
03:10Sabi naman ang DPWH, tuloy-tuloy ang kanilang flood control project sa Metro Manila.
03:14Ngayon, ang instructions ni Presidente is we have to find a holistic solution, tubig-baha ng Metro Manila.
03:21Yung kasi yung watershed natin ng Metro Manila is nasa Sierra Madre.
03:27So sabi ni Presidente, gumawa tayo ng impounding structures pa doon para hindi tuloy-tuloy ang pagbagsak ng tubig sa Metro Manila.
03:35Pero, aminado si Buno na dahil malalaking infrastructure projects ito ay hindi yan basta-basta matatapos.
03:42Kaya, nakikipagtulungan sila sa MMDA para sa flood management program gaya ng rehabilitasyon ng pumping stations.
03:50Sinusubukan pa namin makuna ng pahayag ang MMDA.
03:53Pero nauna na nilang sinabi na gumagana naman daw ang lahat ng 71 pumping stations.
03:58Iniikot din at nililinis ng MMDA ang mga estero bilang isa sa mga solusyon sa mga basurang nakabara sa mga drainage system.
04:05Ayon sa MMDA, may 273 creeks sa Metro Manila na may kabuang haba na 570 kilometers.
04:13Pero sabi ng Environmental Advocacy Group na Eco Waste Coalition, hindi sapat ang flood control infrastructures at projects.
04:20Dapat daw talagang pagtuunan ng pansin ang problema ng basura.
04:24Ang solusyon ay hindi lang manggagaling sa gobyerno pero kailangang pagtulungan ng bawat isa.
04:31Kaya yung disiplina ng ating mga kababayan sa mood na magtapong-tapong.
04:35Sa bahagi ng ating mga duty bearers, yun yung mga nakaupo sa gobyerno na nasa mga lokal.
04:41Ipatupad kung hindi nasa saan sa batas, magkaroon ng segregation restores, magkaroon ng schedule collection para hindi halong-halo.
04:49Magkaroon din ng linis yung mga drainage.
04:53Sasi yan yung isang source ng pagbabaha dahil hindi umaagos yung mga drainage natin.
04:58Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay nakatutok 24 oras.
05:05Dalawang sugataan sa sunog na sumiklab sa barangay central sa Quezon City.
05:10Mahigit dalawampung pamilya ang apektado.
05:12Nakatutok si Bea Pinla.
05:13Naglalagablab na apoy at makapal na usok ang bumulabog sa barangay central sa Quezon City mag-aalas 8 kagabi.
05:24Dalawampung limang pamilya o higit walumpung tao ang apektado sa sunog na umabot ng ikalawang alarma.
05:32Wala na, lumabas na ako para hindi na ako makatayo.
05:35Inakay na ako ng mga apo ko palabas.
05:38Wala na, hindi na namin nabalikan yun.
05:41Lahat, nasunog yun.
05:42Sabi ko, umalis na kayo. Huwag na kayo magpilit na may kukunin pa kayo. Madisgrasya lang tayo.
05:48Ayon sa barangay, isang tanod ang dinala sa ospital matapos madisgrasya habang tumutulong sa pag-apula sa sunog.
05:56Umakyat sa bubong. Hindi na sugatan siya. Nadulas na hulog siya.
06:01May isa pang lalaki na binigyan daw ng paunang lunas matapos magtamo ng paso.
06:06Parang nahagip siya ng apoy pero hindi naman malala.
06:10Pasado alas 9 ng gabi, tuluyang maapula ang sunog ayon sa Bureau of Fire Protection.
06:15Ayon sa barangay,
06:17Nakita daw nila parang may kumislap sa wire doon patungo sa may bahay na sunog.
06:25Ngayon, binungusan ng tubig.
06:28Nung binungusan ng tubig, biglang lumakas ang apoy niya.
06:31Natarantana na biglang may pumutok na tangki.
06:34Iyon, lumawak na yung sunog.
06:37Inaalam pa ng BFP ang halaga ng pinsala at sanhinang sunog.
06:42Pansamantalang nanunuluyan sa covered court ng barangay sentral ang mga nasunugan.
06:47Para sa GMA Integrated News,
06:49Bea Pinlak nakatutok 24 oras.
06:52Nilinaw po ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR na ligtas kainin ang tawilis sa Taal Lake.
07:01Umaaray na po kasi sa paghina ng bentahan ng isda ang mga manging isda at nagtitinda ng tawilis sa Batangas.
07:08Kasunod daw yan ng isniwala at ng akusadong si Alias Totoy na doon umano itinapon sa Taal Lake ang may git tatlumpung nawawalang mga sabongero.
07:16Anila, takot o takot at may agam-agam ang mga mamimili kung ligtas bang kainin ang mga isda sa lawa.
07:25Ang sabi ng BFAR, walang dapat ikatakot dahil ang mga tawilis ay uri ng small plagi fish na matatagpuan sa ibabaw na bahagi ng tubig.
07:33Natural din daw ang mabilis na pagdami ng tawilis.
07:37Cultured fish naman daw.
07:39Ang ibang isda roon tulad ng tilapia at bangus na karaniwang pinalalaki at pinararami sa mga fish cage at hindi rin kumakain ng karne bukod sa mga isda.
07:49Wala pong dapat ipangamba kasi unang-una itong tawilis, small plagi fish po siya at ang pagkain niya nga po yung mga plant-based plankton at hindi po sila masabi natin kumbaga carnivorous.
08:10Hindi raw maaaring ibasura ng impeachment court ang reklamo laban kay Vice President Sara Duterte sa pamagitan ng simple majority vote ng mga Senator Judge.
08:28Ayon po yan kay Senator-elect Panfilolakson.
08:31Pero maaaring nga bang ibasura ang kaso kahit wala pang paglilitis?
08:35Nakatotok si Jonathan Andan.
08:36Katawa-tawa raw para kay incoming Senator Panfilolakson ang mga Senator Judge na nagmo-mosyon sa impeachment court.
08:47Hindi po pwedeng mag-move o mag-submit ng motion to dismiss.
08:51Ang isang Senator Judge, kasi huwes kami, hindi lamang sa mali kundi improper, inappropriate.
08:58At katawa-tawa, ano, sasabihin ng Judge, I move to dismiss.
09:02Pagkatawa si Rino Pupupuk, this case is dismissed.
09:05Hindi mo napaka-awkward?
09:08Reaksyon niya ni Lacson sa sinabi ni Senate President Jesus Cudero na kung may Senator Judge na magmo-mosyon para i-dismiss ang impeachment complaint kay Vice President Sara Duterte,
09:17kahit wala pang trial, pwede na itong desisyonan sa simpleng majority vote lang.
09:23Ginawa na yan ni Senator Bato de la Rosa.
09:25Pero pwede nga bang ibasura ng impeachment court ang impeachment complaint kahit wala pang paglilitis?
09:31Pag-uusap-uusap kami, bago kami magbutuhan, I'm sure, pagkakurong kami ng diskusyon, ano ba yung gagawin natin?
09:39Merong motion to dismiss? Ito ba yung aksyon na natin, even without conducting or starting a trial?
09:46Wala rin nakalagay sa ating konstitusyon, no, sa mga pagdating sa dismissal.
09:51Habang ginagawa nila itong impeachment proceedings, ay gumagawa rin sila ng sariling rules.
09:58Wala sa Senate rules at wala rin sa konstitusyon.
10:01Saan ka naman nakakila ng korte na imbes na dinggin ang mag-gabilang panig, siya mismo ang magmo-motion to dismiss?
10:10So it is possible, but it is not proper at hindi karapat-dapat.
10:16Para kay Lakson, sundin na lang ang sinasabi ng konstitusyon.
10:20Maglitis at humatol.
10:22Pusibli raw kasing mapahiya ang Senado kapag ibinasura nila kaagad ang impeachment complaint ng walang trial
10:28at nagpasaklolo sa Korte Suprema ang House Prosecution Panel.
10:32At the very least, we take the risk of being overturned by the Supreme Court. Nakakahiya yun.
10:38Kahapon, sinabi ng tagapagsalita ng House Prosecution Team na posibli silang dumulog sa Korte Suprema
10:44kapag ibinasura ng Senate Impeachment Court ang kanilang impeachment complaint.
10:48Ang Supreme Court, as much as possible, ina-avoid yung mga political questions yan.
10:53Pangalawa, inaabot ng siyam-syam ng Supreme Court.
10:57Kung baga, tapos na yung issue, sakalang sila mag-de-desisyon.
11:01Batay sa 11-step impeachment process na inilabas ng Senado, tapos na ang kalahati ng proseso.
11:07Dahil nakapagpasa na ng mga sagot sa impeachment court ang Defense and Prosecution Team.
11:12Ang susunod na akbang, ang pagharap mismo ng bises sa impeachment court.
11:16Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, nakatutok 24 oras.
11:22Kung anong bilis ng paghablot ng isang suspect sa snatching sa Maynila,
11:27siya rin bilis ng pagdakip sa kanya ng mga polis.
11:30Bukod sa ninakaw na cellphone, nakuha rin sa kanya ang isang pen gun.
11:34Nakatutok si John Consulta.
11:37Kita sa CCTV ang tumatakbong lalaki sa kitna ng isang kalsada sa Malati, Manila,
11:45dakong 746 ng gabi nitong lunes.
11:47Tangay na pala niya ang isang mamahaling cellphone sa binigtimang babae.
11:52Pero pagkalipas lang ng tatlong minuto, na-intercept na ng Malati Police ang snatcher.
11:57Di na ito nakapalag ng mapalibutan ng mga kumabul na polis.
12:00During that time, dahil lagi tayo nagsasimex, laging natin pinapractice yung 3 minutes response time
12:07ng ating CPNP, nakapag-respond ng mabilis yung ating mga kapulisan.
12:13Naghabulan, so nakikihabol kami sir gamit yung mga motor namin.
12:16Inabutan namin sa samay kalinang Munoz, Kornera, Pio Campuzar.
12:21So doon namin siya na huli.
12:24Pasalamat po ako sa ating mga kapulisan, lalong-lalo na po sa police station na yun dyan po sa Malati.
12:30Bukod sa cellphone ng biktima, nagulot ang mga polis sa nakuhan nila sa bulsa ng inarestong snatcher.
12:36May narecover tayo yung mga paraparnalya ng illegal gambling and then isa pa sa mga mabigat dito ay yung pen gun, yung barrel na narecover sa possession niya
12:47which is ginagamit niya ito sa pang-hold up or pang-e-snatch.
12:52Wala pang bahayagan ng huling suspect na nakakulong na sa Malati Police Station.
12:56Para sa GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 horas.
13:02May literal na ninong ng bayan sa nagupan na ang mga inaanak mahigit dalawandaan na and counting.
13:13Mano po ninong?
13:14Kinalaanin siya sa pagtutok ni CJ Torida ng GMA Regional TV.
13:21Kung ang iba, nangongolek na ng travel souvenirs, mga laruan or merch ng kanilang mga idolo,
13:28ang taga-Durupan City na si Jam Javier, umaapaw ang mga souvenir sa binyag.
13:37Ang kanyang mga inaanak kasi, umabot sa 238 and counting.
13:44Sa July 5 nga, magnininong ulit sa binyag si Jam para sa kanyang 238 na inaanak.
13:52Biro pa niya ang mga larawang ito.
13:55Pwede raw gamitin resibo ng mga inaanak pag maniningil ng Aguinaldo.
14:00Sa dami nila Jam, ang totoo.
14:03Kabisado mo ba lahat ng pangalan nila?
14:05Na recently lang po may nakasalubong po ako dyan sa market.
14:09Nag-bless siya sa akin.
14:10And ninong, sabihan sa akin, sino ka?
14:13Hindi ko siya naman kilala.
14:14E mo talaga ng pala.
14:15Then nagpakilala po siya na ako po yung anak ni Chichi.
14:19Ibat-ibang bata pet siya lugar.
14:21Yes, lagi ang tugon ni Jam tuwing kinukuha siyang ninong na nagsimula noong 16 years old pa siya.
14:27Ngayong 34 years old na siya, kahit siya mismo,
14:30di makapaniwala na umabot na sa ganito karami ang mga inaanak.
14:36Ang ninong ng bayan, abala rin bilang kagawad ng barangay.
14:41Para sa GMA Integrated News, CJ Torida ng GMA Regional TV.
14:46Nakatutok, 24 oras.
14:51Patuloy na maghahati ng heartfelt Asian stories sa bawat Pilipino.
14:56Ang GMA Heart of Asia sa kanilang ikalimang taon sa Himpapawid.
15:01At ang tema po ng kanilang anniversary, May Puso Sa Aming Piling.
15:05Na siya ring title ng special anniversary song ng Heart of Asia,
15:08performed by Sparkle artists Anthony Rosaldo and Hannah Presillas,
15:14kasama ang Sparkle's rising hip-hop boy group na Cloud7.
15:19Ilulunsa din ang kanilang station ID mamayang alas 8 ng gabi.
15:23Ang Heart of Asia, ang kauna-unahang digital terrestrial television o DTT channel ng GMA Network
15:31na nilaunch noong June 29, 2020.
15:34At ito pa rin, ang nananatiling go-to channel ng mga Asian drama na malapit sa puso ng mga Pilipino.
15:41Mapapanood ang Heart of Asia channel ng libre sa GMA Affordabox, GMA Now,
15:47at iba pang digital TV boxes sa free-to-air broadcast.
15:53Mga Kapuso, narito tayo ngayon sa red carpet ng Beyond 75,
16:02the GMA Network's 75th Anniversary Special.
16:05Isang maningning na gabi kung saan isa-celebrate natin ang 75th o Diamond Anniversary ng GMA,
16:11isang napakahalagang milestone ng Kapuso Network.
16:13Maya-maya lang ay inaasahang darating ang mga haligin ng Kapuso Network sa pangunguna ni GMA President
16:18and CEO Gilberto Ardoabit Jr., Executive Committee Chairman Joel G. Jimenez,
16:24EVP and CFO Felipe S. Yalong, GMA Senior Vice President Atty. Annette Cosmon Valdez,
16:30at iba pang opisyal ng GMA.
16:32Garaan din dito ang pinakamaningin na bituin ng Kapuso Galaxy.
16:36Inaasaan siyempre si na Kapuso Primetime King and Queen Ding Dong Dantes at Marian Rivera,
16:41Asia's multimedia star Alden Richards, Kapuso Global Fashion Icon Heart Evangelista,
16:46at marami pang iba na nagbigay ng kulay at nagbahagi ng kanilang talento
16:50para mapasayang ating mga Kapuso over the years.
16:53Pagkatapos ng red carpet, magkakaroon ng isang star-studded program na siguradong tatak Kapuso.
16:58At para sa lahat ng mga Kapuso sa bawat sulok ng Pilipinas at buong mundo,
17:03masasaksihan niyo rin ang selebrasyon ngayong gabi via live stream
17:06sa mga social media platforms ng GMA Network, GMA Integrated News, GMA Regional TV at DCBB.
17:14Sa telebisyon ay mapapanood ng Beyond 75 sa July 12, dito lang sa GMA.
17:19Balik sa iyo, Pia at Ibai.
17:23Nakaranas ng pagbaha at paguha ng lupa sa ilang bahagi ng bansa.
17:27Kasunod po ng patuloy na pagulan.
17:30Nakatutok si Argil Relator ng GMA Regional TV.
17:37Tulong-tulong sa pagbuhat ng nakaburol na kabaong ang ilang taga-barangay takol sa magsaysay Davodosur
17:43nang bahain sila hanggang baywang kaninang madaling araw.
17:47Inilipat muna ang burol sa gym ng barangay hanggang sa humupa ang baha.
17:52Makwit na lang takol.
17:53Ayon sa mga otoridad, umapaw ang ilog at umabot ang tubig hanggang sa mga bahay.
17:59Inilikas ang ilang residenteng na trap dahil sa baha sa purok-bankerohan at purok-kawayan.
18:04Inaalam pa ang bilang ng mga apektadong pamilya.
18:07Halos wala nang makita sa kalsada dahil sa lakas ng ulan sa bahagi ng Talaingod-Bukidnon National Highway kahapon ng hapon.
18:18Ang mga motorista kinailangan ang gumamit ang headlights kahit maliwanag pa.
18:23Ayon sa uploader, bukod sa paguhu ng lupa, ay malakas din ang ragasan ng tubig mula sa gilid ng bundo.
18:30Bumaha rin sa ilang bahagi ng kalsada.
18:33May paguhu rin sa sityo sa Ladok sa Don Marcelino, Davo Occidental, kagabi.
18:38Dahil sa mga humambalang ng lupa, putik at bato, pansamantalang dinadaanan ang kalsada roon.
18:45Nagsagawa na ng clearing operation ang mga otoridad.
18:47Sa Mayoyaw, Ifugao, may gumuhuring lupa sa barangay Bato, Alatbang, kagabi.
18:54Isang nakaparadang van ang nadamay.
18:56Pinagtulungan itong mayialis.
18:58Ayon sa uploader, ligtas ang may-ari ng van at kanyang pamilya na nakapasok na ng bahay bago ang insidente.
19:05Sa ngayon, isang lane lang ang nadaraanan habang patuloy ang sinasagawang clearing operation.
19:10Ayon sa pag-asa, habagat ang umiral sa malaking bahagi ng bansa, lalo na sa Mindanao,
19:17habang localized thunderstorm naman ang nagpaulan sa ibang bahagi ng Luzon kahapon.
19:22Para sa GMA Regional TV at GMA Integrated Dukes, our Jill Relator, nakatutok 24 oras.
19:31Mga kapuso, isang low pressure area sa labas ng Philippine Area of Responsibility ang binabantayan.
19:37Ayon sa pag-asa, sa ngayon, mababa ang chance na itong maging bagyo.
19:41Pero patuloy na nagpapaulan ang southwest monsoon o habagat sa central Luzon, southern Luzon,
19:46kanulurang bahagi ng northern Luzon, Visayas at Mindanao.
19:50Bukod sa habagat, umiiral din ngayong araw ang localized thunderstorm sa nagpapaulan sa natitirang bahagi ng Luzon.
19:57Asahan naman na maging maulan pa rin bukas hanggang sa pagpasok ng Hulyo,
20:00bunsod ng LTA at habagat.
20:02Sa rainfall forecast ng Metro Weather, posibleng makaranas bukas ng light to intense rains ang buong Luzon mula tanghali.
20:10May chance na ring ulanin ang malaking bahagi ng Visayas at Mindanao bukas.
20:15Posibleng naman makaranas ang light to moderate rains ang Metro Manila.
20:18Nananating itong kalbaryo ang baha sa mga taga-navotas.
20:25At lumala pa ito ngayon dahil ang ginawang sandbag wall para panremedyo muna sa nasirang river wall, nasira.
20:32At mula sa navotas, nakatutokla si Nico Wah.
20:37Nico?
20:37Pia, baha pa rin sa ilang bahagi ng navotas matapos gumuho ng isang pader sa gilid ng ilog kahapon.
20:48At ngayong araw, mas mataas ang naging pagbaha dahil high tide kanina makapananghali.
20:53Ito ang aktual na pagbuho ng pader sa gilid ng ilog sa barangay sa Nose kahapon,
21:04na nagdulot ng pagbaha sa ilang bahagi ng navotas.
21:07Hanggang ngayong araw,
21:09hindi pa tapos ang kalbaryo ng ilang taga-navotas.
21:12Kaninang umaga kasi, nagka-bridge sa sandbag wall na pinangharang nila sa ilog,
21:16matapos ang pagbigay kahapon ng river wall sa barangay sa Nose.
21:20Natangay ang ilang sandbag sa mga bahay.
21:22Pero bago pa ito nangyari, nailikas na ang mga residente.
21:26Nasa evacuation center ang 43 pamilyang naapektuhan kahapon.
21:29Ito ang talaga yung bahay namin yung daganin, miss me.
21:33Tapos habang umanay yung kubig, ako yung natangay sa kayo, isang anak ko.
21:40Buti na lang po is nakahawak akong timeline.
21:43Kung hindi, baka sakaling ako ay din, ay namatay din sa hangyari.
21:47Sinusubukan pa namin kunin ang panig ng shipyard.
22:02Pero ayon sa nabotas si DRRMO.
22:05Ito po ay matagal na po talaga ito ngayon for replacement at for improvement.
22:11Kaya nga lang po yung mga nakatira doon, nakiusap na huwag mo nandipayin dahil parang parte na po ng bahay nila ito eh.
22:17Parang isa na pong dingding nila itong wall noong shipyard.
22:23May inilagay ng mga poste bilang abang sa gagawing barrier.
22:26Sa halip nga lang ho na metal ship, yung cemento ho, yung concrete pile ho yung ginamit.
22:32Siguro next week mag-umpisan na ho ngayusin ho yung bakot na yan.
22:35Mukhang sasagutin ho lahat yan ng shipyard kasi pag-aari naman ho nila yan.
22:38Nandito tayo sa may gitnang bahagi nitong Celestino Street.
22:43Dito pa rin sa barangay San Jose Sanavoto City.
22:45At kung makikita nyo, lagpas na ng baywang yung baha dito.
22:49Kanina nagsimula tayo doon sa simula, doon sa bungad, eh nasa tuhod pa lang yung baha.
22:54Ito habang papasok ng papasok, doon sa loob nitong barangay o ng street na ito ng Celestino,
23:01ay mas lumalalim pa yung baha.
23:03At makikita nyo, kasama na rin ng baha, ito ang mga basura dito.
23:08Lubog ang maraming bahay.
23:10Dalawang araw na po kami nagtitiis sa taas ng tubig.
23:13Baka isang linggo pa ito.
23:15Kasi tingnan nyo, palaki ng palaki, hindi lang ganto.
23:18Kaapon, parang hindi ganto, eh.
23:19Biglang lumaki na naman ngayon.
23:21Ang iba, wala na talagang naisalba.
23:24Pati sirang bathtub, ginawang bangka ng ilang residente.
23:27Ba't mo kayo lumabas na po kayo pupunta?
23:29Mamamalingki po.
23:32Meron din naman, kailang walang ulam.
23:35Ang pumping operator na si Benito sinusubukang hindi mapasok ng basura ang pumping station.
23:40Sa oras na mag-low tide, ay sa kanya ito pagaganahin.
23:43Kailangan may labas yung basura dito.
23:46Kasi pag di malabas yan, dito rin yan.
23:49Nakakasakon sa pumping natin.
23:52Nakakabara.
23:53Tumaas pang baha pagsapit ng alauna ng hapon dahil sa high tide.
23:57Umangat sa 1.9 meters ang tubig.
23:59Kaya ang ilang tagalooban, ilan na trap.
24:02Ako, mahirap.
24:03Lalo nagtitrabaho ako.
24:04Paano pa kukuha naman pang kain nito?
24:07Kung kailan, hanggang kailan babaan nito saan din kami papasok?
24:11Bukod sa navotas, baharin sa ilang lugar sa Malabon dahil sa high tide.
24:18Pia, eto na ngayon yung sitwasyon itong Celestino Street.
24:22Dito sa kinatatayuan natin kanina, ay dito pa lang hanggang tuhod na yung baha.
24:26Pero dahil nag-low tide, eto at nadadaanan na nang maayos ng mga residente itong kalsada na ito.
24:32At ang panawagan nila ngayon ay sana ay magawa na itong pader para hindi na bumahari ito.
24:40Pia.
24:40Maraming salamat, Nico Wahe.
24:45Isang nagluloksang ina ang nagpost sa social media bilang babala tungkol sa sinapit ng kanyang anak.
24:51Ang bata po kasi namatay habang natutulog ng nakadapa.
24:55Ang paliwanag na eksperto kung bakit masamang matulog ng nakadapa, lalo na ang mga baby.
25:00Alamin sa pagtutok, Tidano Tingkongko.
25:02Walang kamalay-malay ang inang si Jennifer, hindi niya tunay na pangalan, na ang ordinaryong gabing kapiling ng anak na isa't kalahating taong gulang mauwi sa trahedya.
25:16Alas 8 ng gabi, June 21, naghaponan daw ang kanyang anak ng kanin at sabaw.
25:21Matapos ang kalahating oras, dumedi raw ito bago natulog bandang alas 9 ng gabi.
25:25Around 12.40am po.
25:28Hindi naman po talaga ako usually na gigising ng ganong oras, pero nagising po ako kasi pakiramdam ko po na iihi ako.
25:36Nakita ko po nakadapa siya.
25:38Then naamoy ko po na parang siyang nagpoop.
25:41Nung tinihaya ko na po siya, sabi ko po, pat parang siyang sobrang lantay niya.
25:48Tapos hindi po siya nagalaw.
25:50Then nung binuksan ko po yung ilaw, nakita ko po na yung bibig po niya medyo violet na.
25:56Isinugod sa ospital ng bata at dun lumabas na marami raw liquid at pagkain na nakuha sa baga ng bata.
26:02Base sa death certificate, pneumonia aspiration ang ikinamatay ng bata.
26:07Ang ibig sabihin daw po nun, marami pong, yung mga contents po na galing sa tiyan na punta daw po sa baga.
26:15Na ang dahilan daw po nun, dahil nga daw po na suffocate siya, nakadapa siya.
26:20Ang instance daw po ng tao, pag hindi makahinga, masusoka.
26:24As a case po ng anak ko, nakadapa po siya.
26:27Hindi po niya nailabas yung suka, kaya po dun po siya dumaret siya sa baga niya.
26:32And then, naluno daw po siya sa sarili niyang suka.
26:36Nakadapa po siya.
26:38Nakaklose po ang bibig.
26:39Huwag niyo po hahayaan na kahit po sana yung anak niyo nalakadapa.
26:44Huwag niyo po hahayaan na matutulog sila ng ganun.
26:47Kasi baka po matulad siya sa anak ko na sana na sana naman po dumapa, pero ganun po yung nangyari.
26:53Ayon sa eksperto, base sa pag-aaral, hindi maganda ang pagtulog ng nakadapa, lalo na sa mga sanggol at bata.
27:00Some of them, researchers show that sleeping on the stomach can knock the airway because it increases what we call re-breathing.
27:09That means they breathe on their own exhaled air.
27:13Mumababa yung oxygen mo sa katawan mo.
27:15And the level of carbon dioxide rises.
27:18So that's really not good.
27:19If you have a baby who is in the chest position, hindi nila kayang bumalikad to stay on the back position already.
27:32As the child gets older, that doesn't happen anymore.
27:36Kaya raw sa American Academy of Pediatrics, ikinakampanya ang back to sleep o pagsigurong hindi pada pa ang pagtulog, lalo na mga bata.
27:45Bukod dyan, mainam din daw na suriin kung may ibang posibleng kondisyon sa paghinga ang anak, lalo't hindi pa nila kayang sabihin ang kanilang nararamdaman.
27:54Para sa GMA Integrated News, danating kung ko nakatutok, 24 oras.
28:00Pirektibay ng Montilupa City Regional Trial Court ang desisyong nagpapawalang sala kay dating senator at partyless representative Laila Delima sa kasong may kinalaman sa doga.
28:09Sa isimiting tugon sa Court of Appeals, iginiit ng Montilupa RTC na ang pagbawi ng testimonya ni dating Bureau of Corrections Chief Rafael Ramos ay sapat na batayan para panindigan ang naunang desisyon.
28:24Kasama rin noon sa inakuit ang dating driver ni Delima na si Ronnie Dayan.
28:29Taong 2022, nang binawi ni Ramos ang kanyang testimonya laban kay Delima, kagunay sa umunoy illegal drug trade sa loob ng new-believed prison.
28:37Matatanda ang niremand o pinabalik ng Court of Appeals 8th Division ang desisyon ng RTC.
28:43Quick Chica time tayo mga kapuso.
29:07Go labanan na! On fire ang dance floor sa pasiklaban ng Celebrity and Dance Stars sa GMA Original Reality Dance Competition ang Stars on the Floor.
29:18Pang malakas ang groove and swag ang sino-case ng five duos mula sa iba't ibang dance styles hanggang sa napiliang ahataw sa dance-off.
29:27Itinanghal na top dance star duo si Nathaya and JM sa kanilang slay performance.
29:32Nakilala na ang Big Four duo ng PBB Celebrity Collab Edition.
29:41Yan ay matapos ang kanilang final Big Jump Challenge.
29:44Sino kaya ang magiging big winner?
29:46Ang team Charest kaya ni na Charlie at Esnir?
29:49O si na Ralph and Will na Rawi?
29:52Baka naman si na AC and River o Asper o ang team Breka ni na Brent and Mika.
30:03Alamin niyan sa Big Night this Saturday.
30:06Binigyang pagkilala ang ilang kapuso sa 53rd Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Box Office Entertainment Awards.
30:20Itinanghal na phenomenal box office king si Alden Richards.
30:24Natanggap rin ang kanyang pelikulang Hello Love Again ang Best Ensemble Acting for Movies.
30:29Minsan iniisip ko pa rin and every time I go to bed na am I really part of the highest grossing Filipino film of all time.
30:37And still hindi pa rin ako makapaniwala.
30:39Thank you so much po.
30:41Si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang film actress of the year para sa pelikulang Balota.
30:47Tauspuso ako nagpapasalamat talaga sa pagtangkilik pa rin kay Teacher Emi.
30:51Sabi ko nga, doon ko na-realize na after ko gawin si Teacher Emi, ito pala yung hinahanap ng diwa ko.
30:58Yung makagawa ko ng isang pelikula na malalim, may saisay at may layunin.
31:04Movie Supporting Actor of the Year naman si Ruro Madrid.
31:08Para sa pelikulang Green Bones, nakatay si Joros Gamboa.
31:12Very grateful po sa parangal na ito.
31:16Pangalawang award ko na po ito para sa Green Bones.
31:19Kaya, nako, maraming maraming salamat po.
31:23Sana po marami pang ganito.
31:26Hinirang nga Daytime TV Drama Actor of the Year si Richard Yap
31:29at Daytime TV Drama Actress of the Year si Jillian Ward.
31:33Para ito sa kanilang hit GMA Afternoon Prime Series na Abot Kamay na Pangarap
31:38na natanggap din ang most popular Daytime Drama TV Program of the Year.
31:44I'm so, so proud kasi sabi ko nga po kahit matagal na po namin natapos
31:49ang abot kamay na pangarap.
31:50It continues to inspire people.
31:53Most popular child performer si Rafael Landicho
31:56para sa Kapuso Series na My Guardian Alien.
31:59Nung sinushoot po namin yun, ang sese talaga.
32:02And ngayon, nakakakot pa rin po siya ng awards.
32:04Kaya marami marami salamat po talaga.
32:07Hinirang na most popular TV program for news and public affairs
32:11ang 24 Horas.
32:12At search reality game show, ang Family Feud.
32:17Mga kapuso, sa ngayon ay tuloy-tuloy ang pagdating ng mga kapuso dito
32:28sa GMA Network Studios para sa Beyond 75, the GMA's 75th Anniversary Special.
32:34And that's my chika this weekend.
32:35Ako po si Nelson Canlas.
32:37Ivan?
32:37Salamat, Nelson.
32:41Sa pagsisimula ng mandato ng mga bagong halal na opisyal ng gobyerno bukas,
32:46ibinahagi ng ilang botanti ang kanilang inaasahan pagbabago
32:48at hiling para sa ating bansa.
32:51Nakatotok si Rafi Tima.
32:57Bukas, opisyal lang uupo ang mga nahalal sa 2025 midterm elections.
33:01Simula ng tatlong taong paninilbihan, maliban sa labindalawang senador na uupo ng anin na taon.
33:07Ayon sa UP National College of Public Administration and Governance, ONCPAG,
33:11mayorya ng mga nahalal sa mga LGU, mga dati nang nakaupo sa pwesto.
33:15Kaya naroon pa rin daw ang pananaw na halos parang walang nagbago.
33:18Ang kaibahan lang daw sa katatapos na eleksyon,
33:20nagpakita ng lakas sa mga kabataan at nakita ang resulta nito sa senatorial race.
33:25The 31% youth vote parang spelled the difference.
33:30May pag-asa pala tayo na, kasi surprise yun eh, diba?
33:35At yun nga, despite the parang surveys before the elections,
33:40ang napunta sa magic five ay yung mga hindi natin inaasahan.
33:45Sa datos ng GMI Integrated News Research sa kabuuan,
33:4818,255 na opisyal ang magsisimula ng kanilang mandato bukas
33:53mula sa mga senador, kongresista, governors, vice governors,
33:57sangguniang panalawigan, mayors, vice mayors, at mga sangguniang bayan.
34:02Mas marami ng 155 opisyal ang nahalal ngayong taon
34:05kumpara noong 2022 dahil sa isang bagong nadagdag na probinsya
34:09at walong bagong munisipalidad.
34:11Tinanong namin na ilang kapuso kung anong inaasahan nila
34:14sa mga bagong halal na opisyal.
34:15Kung ano yung nagawa noong nakaraan, previous nga nakaupo,
34:19kung maganda na yung ginagawa niya, dapat palamangan niya
34:22para ang mga tao, okay yung kabuhayan.
34:26Gawin nila yung best nila, tsaka yung sa platforma nila,
34:33yung magagandang mga plano nila, gawin nila ngayong,
34:38tuparin nila ngayon.
34:40Yung mga pinangako nila, dapat tuparin pa rin na rin.
34:42Kung hindi naman nila natupad, para saan pa po yung e-elect nila.
34:47Huwag puro pangako, kasi pag sa kampanya, malakas sila,
34:50pinapasok nila lahat ng iskinita.
34:54Pero pag nanalo na, hindi nila mabisita ko,
34:56sino yung nasa laylayan ng lipunan.
34:59May inaasahan ko sana magkaroon ng trabaho yung mga
35:03naira po makahanap ng trabaho.
35:06Lalo na yung mga katulad ko na 21 years old.
35:09Si Aling Adelita, na pansamantalang nakatira sa isang waiting shed,
35:32aminadong bumoto ng ibang kandidato dahil hindi daw tinupad
35:35ng kanyang dating ibinoto ang kanyang pangako.
35:37Sabi doon sa staff niya, tulungan mo ito, Alma.
35:40Pagtapos wala naman.
35:42Kaya yun.
35:43Ang ngayon wala pa rin?
35:44Wala pa rin.
35:45Itong bago nga, nakakasigurado kung makakatulong sa amin.
35:50Paalala ng NCPAG, hindi dapat natatapos sa pagboto
35:53ang responsibilidad ng mga butante
35:55dahil bahagi ng obligasyon ng taong bayan
35:57ang singilin ang kanilang mga leader
35:59sa tuwing sila ay may pagkukulang.
36:02Para sa GMA Integrated News,
36:05Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
36:09At yan po ang mga balita ngayong weekend
36:11para sa mas malahimisyon
36:13at sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
36:16Ako po si Pia Arcangel.
36:17Ako po si Ivan Mayrina
36:18mula sa GMA Integrated News,
36:20ang News Authority ng Pilipino.
36:22Nakatutok kami, 24 Horas.
36:32Ako po si Ivan Mayrina