Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/27/2025
NAPOLCOM, pinalulutang si Alyas "Totoy" para pormal na magsampa ng reklamo kaugnay ng bagong rebelasyon tungkol sa pagkawala ng ilang sabungero

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinagsusumitin ng National Police Commission ng affidavit si Alias Totoy
00:04tungkol sa kanyang pahayag na sangkot ang ilang polis sa pagkawala ng halos isang daang sabongero.
00:11Yan ang ulat ni Ryan Lesigues.
00:14Salangin talaga ako kay Alias Totoy na sana ifile mo dito ang complaint mo
00:20para pagbigyan din ng pagkakataon ang mga polis na iniimplicate mo na makasagot
00:25at para dito sa isang patas na pagpupulong sa Napolcom
00:30magkaalaman na kung sila ay inosente o sila ay kailangan parusahan.
00:35Pinalulutang na ng Napolcom si Alias Totoy para formal na magsampan ang reklamo
00:40kaugnay sa kanyang mga bagong revelasyon kung saan idinadawit nito ang ilang polis
00:44na umano'y may kinalaman sa pagkawala ng nasa isang daang sabongero.
00:48Ayon kay Napolcom Vice Chairperson Atty. Rafael Vicente Kalinisan
00:52Mas mainam kung magsusumitin ang affidavit si Alias Totoy sa Napolcom
00:56para umusad ang administrative investigation sa mga sinasabi nitong polis na sangkot sa kaso.
01:02Gitang opisyal na hindi sila mangingiming tanggalin sa servisyo
01:05kung totoong polis ang nakipagsabwatan para patayin ang mga ito
01:09at itapon sa Taal Lake.
01:11Sa oras aniya na hindi makipagtulungan sa kanilang bagong whistleblower
01:15ay handa naman daw ang Napolcom na tumayong complainant.
01:18Sisikapin din daw ng Napolcom na tapusin ang kaso sa loob ng 60 araw.
01:24Sa ngayon ay ipinagutos na ni Kalinisan sa Inspection Monitoring and Investigation Service
01:29ang pagsasagawa ng motoproprio investigation.
01:32Mas mababa po ang level na ebidensya na kinakilangan para matanggal ang isang abusadong polis.
01:38Kaya po ito po ang ating panawagan.
01:41Kung meron man po ebidensya na meron po hawak ang kahit na sino man dyan
01:44at ito po yung mga katulong sa pag-resolve ng kasong ito
01:48e tataggapin po natin ito kasi mababa lang naman ng kinakilangan na ebidensya e
01:54substantial evidence lamang.
01:56Kapag ang polis e napakitaan ng kaso at nanit na po yung substantial evidence
02:01meron na pong kapangyarihan ang National Police Commission
02:05para tanggalin ang polis na ito kung kinakilangan.
02:07Nanawagan din si Kalinisan sa complainant na maghain ng formal na reklamo sa Napolcom
02:12para mapabilis ang pag-resolba sa kaso.
02:15Samantala, handa at may kapabilidad ang mga divers ng Philippine Navy
02:19sa pagkahanap sa mga umanoy missing sa Bungeros sa Taal Lake.
02:23Ayon sa Navy, manggagaling ang mga technical divers na ito
02:26mula sa kanilang Naval Special Operations Command
02:29at Naval Combat Engineering Brigade kung saan
02:31kaya nilang sisirin hanggang sa isan daang metro.
02:34Tinatay namang nasa dalawandaang metro
02:36ang lalim ng Taal Lake na isa sa magiging hamon
02:39pati na ang lagay ng panahon
02:41kaya't gagamitin din ang nilang kagamitan
02:43gaya ng side scanners.
02:45Sa ngayon, ay hinihintay na lamang nila ang go signal
02:48mula sa Department of Justice.
02:50Sa ngayon, nawala pang official na request
02:52na nanggagaling sa Department of Justice
02:54ay hindi pa natin na-assess yung actual na dive site
02:58kasi hindi pa rin naman natin alam kung aling parte ng Taal Lake
03:01ang idadive.
03:01So doon po magbabase ang number of divers na ating i-deploy
03:05ang equipment na ating gagamitin.
03:08Samantala kakausapin ng DOJ,
03:10si Supreme Court Chief Justice Alexander Hezmundo
03:13hinggil sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
03:16Ayon kay Justice Secretary Crispin Rimulia,
03:18nabanggit kasi ng isa sa mga akusado sa missing sabungeros
03:21na kaya ng kanilang mastermind na lusutan ang kaso
03:25dahil sa impluensya sa hukuman.
03:27Ryan Lisigues, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended