00:00Hindi ba baba sa 6 na tao ang kumpirmadong nasawi habang 800,000 residente sa Southwest China ang inilikas ng mga rescuers?
00:11Matapos malubog sa baha ang ilang lugar, dulot ng masamang panahon.
00:16Ayon sa Local Flood Control Authorities, ito na ang pinakamalalang kaso ng pagbahang naranasan nila sa loob ng limang dekada.
00:23Bukod sa mga kalye na hindi madaanan, nasira rin ang ilang mga imprastruktura.
00:28Sa ngayon, nagsimula na rin ang pamamahagi ng kanilang pamahalaan ng mga tulong sa mga apektadong mamamayan.
00:38Tagumpay ang Ecuadorian Authorities sa pagtugi sa kanilang most wanted gang leader na si Jose Adolfo Masha o alias FITO.
00:47Matapos itong makataka sa Guayaquil Regional Prison noong 2024.
00:52Ayon sa otoridad, inabot ng 10 oras ang paghalughog sa hideout ni FITO sa lungsod ng Manta.
01:00Nagtago si FITO sa isang butas sa ilalim ng kitchen counter ng isang bahay malapit sa fishing port.
01:07Nabatid na kabi-kabilang mga gang-related violence ang kinasangkutan ng sospek mula sa nakalipas ng mga taon.
01:13Naharap si FITO sa patong-patong na kaso kaugnay ng gang-related violence at illegal na pagpupuslit ng cocaine at armas.
01:23Sa Amerika, trendy ngayon, lalo na sa fashion industry, ang pagre-retiro ni Anna Wintour bilang editor-in-chief ng tinaguriang fashion bible na Vogue magazine.
01:35Ito'y matapos ang halos apat na dekada.
01:38Ayon sa ulat, ongoing na ang paghahanap ng Vogue sa magiging kapalit ni Wintour.
01:43Gayun pa man, hindi naman siya tuluyang mawawala sa nasabing kumpanya dahil mananatili pa rin siya bilang Vogue Global Editorial Director at Chief Content Officer ng Candanast na siya rin may hawak ng GQ, Vanity Fair at Glamour.
01:58Joyce Salamatid para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.