Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Paaralan sa Bulacan, napili para sa pilot distribution ng Bayanihan SIM para sa free public internet access

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nasa 500 bayanihan SIM ang ipinamahagi sa isang liblib na eskwelahan sa Bulacan bilang paglunsad sa Free Public Internet Access Program ng Pamahalaan.
00:13Yan ang ulat ni Harley Valbuena.
00:17Matagal ng problema ang koneksyon sa internet sa Kalawakan Elementary School sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan, lalo na't nasa liblib itong lugar.
00:26Kaya naman masaya ang pamunuan ng paralan na sila ang napili para sa pilot distribution ng bayanihan SIM.
00:35Nakakatuwa po dahil libre na namin magagamit yung internet. Hindi lang po yung aming mga teachers, lalong-lalo na po yung mga learners at saka po yung mga magulang ng mga bata.
00:46Sa pangunan ng Department of Information and Communications Technology, ipinamahagi ang 500 bayanihan SIMs sa mga mag-aral, kanilang mga magulang at mga guro ng paaralan.
00:57Ang bayanihan SIM project ay bahagi ng Free Public Internet Access Program na layuning malagyan ng libreng internet koneksyon ang bawat lugar, lalo na ang geographically isolated and disadvantaged areas.
01:11Instead ng mga access point, no? Instead na Wi-Fi po tayo co-connect, bibigyan po natin kayo ng mga SIM card at from there makaka-access na po kayo ng internet.
01:21Ang bawat isang bayanihan SIM ay magkakaroon ng libreng 25GB data kada buwan na magagamit ng mga estudyante at guro sa online activities at pag-download o panonood ng educational content at tutorial videos.
01:36Sa pamagitan ng 25GB data, pwedeng makatanood ng kabuang 25 hours na video makinig sa limang libong kanta sa Spotify o 25 minutes na usage time sa social media apps tulad ng Facebook at TikTok.
01:53Pwede rin itong gamitin sa online classes, lalo na sa mga panoong suspendido ang face-to-face classes kapag may bagyo o iba pang sakuna.
02:01Inaasahan namin na ang mga estudyante, ang mga guro, ang internet na ito ay gagamitin para po sa eskwela, para po sa mga leksyon, paggawa ng lesson plan, para po sa mga guro at research po, paggawa ng assignment.
02:22Malaking tulong ito para sa grade 6 student na si Isabel, lalo't target niyang mapanatili ang pagiging first honor sa klase.
02:31Saan mo nga gamitin yung 25GB?
02:33Doon po sa pag-aaral ko po, lalo na po sa mga tutorial sa YouTube. Kasi po, misa po, hindi po ako nakaintindi sa sinasabi ni Ma'am.
02:43Ayon naman sa master teacher na si Ginang Carol Pia Dozo, mas mapapadali na ang kanyang pagtuturo dahil sa bayan ni Ansem.
02:50Malaking tulong po ito kasi kapag magda-download po ako ng mga videos, mga lessons na pwede ko pong gamitin para mas mapapadali po yung pangunawa po ng mga mag-aaral ko pagdating po sa pagtuturo.
03:02Magtutuloy-tuloy ang pamimigay ng bayan ni Ansem sa iba pang lugar tungo sa pagtupad sa mithiin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na malagyan ng libreng internet ang lahat ng paaralan sa bansa.
03:13Ang Kalawakan Elementary School ay may kabuang 330 estudyante at dahil 500 ang ipinamigay na bayan ni Ansem, ang lahat ng mag-aaral ay nabigyan kasama na rin pati ang mga guro at school personnel.
03:30Arnie Valbena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended