Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Dahil bigong maaproobahan sa 19th Congress muling susulo ng ilang labor groups,
00:05sa 20th Congress ang panukalang 200 pesos na dagdag sahod para sa mga manggagawa.
00:10Hiling nila sa Pangulo i-certify as urgent ang panukala.
00:14Narito po ang aking unang balita.
00:20Wage increase na sana pero naging bato pa.
00:23Kaya ganun na lang ang pagkadismaya ng mga labor groups
00:26dahil kahit naipasa na ng Kamara at Senado ni hindi umabot sa Bicameral Conference Committee ng 19th Congress
00:33ang panukalang umento sa sahod.
00:35Yan yung isa sa mga pinakamalungkot, masakit at mapait na araw para sa ating mga manggagawa at kanilang pamilya.
00:43Paano nangyari yun?
00:44Na isang daan yung pumasa sa Senado, dalawang daan yung pumasa sa House of Representatives
00:49pero ang ending, zero. Wala man naibigay.
00:53Kaya sa pagbubukas daw ng 20th Congress sa Hulyo,
00:57agad daw iahain muli ng TUCP party list
01:00ang panukalang 200 pesos na dagdag sahod para sa mga manggagawa.
01:05Gagamitin daw nila ang Section 48 ng House Rules para pabilisin ang proseso.
01:10Lalo't mahigit isang taon din daw na tenga ang panukala sa House Committee on Labor and Employment.
01:16Target din daw nilang maisama ang wage hike bill sa mga LEDAC priority measures.
01:21Sa ilalim ng Section 48 ayon sa TUCP,
01:26pinapayagan ng mas mabilis na pagpapasa ng priority bills
01:29na naaprubahan na sa third reading ng nakaraang kongreso.
01:33Kaya panawagan ng mga manggagawa sa Pangulo,
01:35i-certify niya as urgent ang legislated wage hike.
01:39Itaas mo kaya ang sahod?
01:42Para naman, alam mo, ishore up mo naman ang popular support mo.
01:46Kung gusto niya mag-political suicide, sige, huwag niyang itaas ang sahod.
01:49Sagot ng Department of Labor,
01:52Lahat naman ang ginagawa ng presidente sa mga programa,
01:55ina-address ang mga pangangailangan ng mga manggagawa,
02:00sabalit binabalansi rin niya para patuloy na lumago ang ating ekonomiya,
02:05maragdagan ng employment, tumaas ang level ng employment,
02:08at yung kapatiyong quality ng employment.
02:11Ito ang unang balita.
02:13Mariz Umali para sa GMA Integrated News.
02:15Gusto mo bang mauna sa mga balita?
02:19Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
02:21at tumutok sa unang balita.

Recommended