Binawi ng isang nagpakilalang "Alyas Rene" ang mga alegasyon laban kay Pastor Apollo Quiboloy at pagdawit sa mag-amang Rodrigo at Sara Duterte. State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
00:00Binawi ng isang nagpakilalang alias René ang mga aligasyon laban kay Pastor Apolo Quiboloy at sa magamang Rodrigo at Sara Duterte.
00:09Sa isang video na pinost sa YouTube at Facebook account ng isang pagtanggol valiente, lumutang ang lalaking nagsasabing siya si alias René.
00:19Nagpakilala siya bilang si Michael Maurillo at binawi ang mga isinawalit niya sa pagdinig ng Senado ukol sa mga umano'y pangaabuso sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ.
00:30Anya dinagdagan daw ng abogado mula sa opisina ni Sen. Teresa Ontiveros ang kanyang affidavit.
00:36Wala rin daw katotohanan ang sinabi niya na nakita niya ang magamang Duterte na may bitbit na mga baril sa pagali sa property ni Quiboloy sa Davao City.
00:46Sabi pa ni Maurillo, biniyaran siya ng isang milyong piso para sabihin ang mga bagay na ito.
00:52Pinatira din daw siya sa isang kondo noong panahon na yun.
00:55Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na kunan siya ng pahayag pero wala pa siyang tugon sa ngayon.
01:03Tinawag naman ni Ontiveros na kasinungalingan ang mga sinabi ngayon nang nagpakilalang si alias René.
01:10Lahat daw ng witness na iniharap sa Senate hearing ay malaya at voluntaryong nagbigay ng testimonya
01:15at mga ebidensya.
01:17May rason daw ang senadora para maniwalang pinilit o binayaran ang taong ito
01:22para madiskaril ang mga criminal proceedings laban sa pastor
01:25at pagbantaan ng kanyang mga staff at iba pang witness na nagsalita laban kay Quiboloy.
01:31Tagaanda na ro sila ng legal na hakbang.
01:35Sinusubukan pa namin kunan ng panig si Quiboloy at ang mga Duterte.
01:44Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
01:47Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
01:50Hãy subscribe cho kênh Ghiền Mì Gõ Để không bỏ lỡ những video hấp dẫn