Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00After the state of emergency, the ceasefire is in Iran at the Israeli Ambassador Ilan Flux.
00:08Back to normal lang ang sitwasyon doon.
00:13Sa gitna ng tigil putukan, parehong inaangkin ng Israel at Iran.
00:18Ang tagumpay.
00:19Saksi si JP Sarian.
00:21Nagkalat pa rin ang mga wasak na gamit at debris sa gusaling ito sa Teheran, sa Iran.
00:30Batay sa ulat ng Iranian state media, isa raw ito sa mga gusaling tinamaan ng airstrike ng Israel noong biyernes.
00:38Ayon sa mga otoridad sa Iran, mahigit 6 na raan ang patay roon mula ng simula ng Israel ang mga pag-atake nila noong June 13.
00:47Sa Israel, 28 ang patay.
00:51Bagamat inakusahan ng Israel at Iran ang isa't isa ng paglabag sa mga unang oras ng ceasefire na inanunsyo ni US President Donald Trump,
01:00sa ngayon, parehong inaangkin ng Israel at Iran ang tagumpay.
01:06Si Prime Minister Benjamin Netanyahu ng Israel, nagpasalamat pa rin sa Amerika.
01:11Kahit nadismaya si Trump sa napaulat ng mga paglabag sa ceasefire,
01:15pero dapat daw makompleto ang kampanya laban sa Iran, hamas sa Gaza, at maibalik sa Israel ang mga hostage doon.
01:24Ang Iran naman, sinabing napigil ang bakbakan dahil na-penetrate na mga missile nila ang depensa ng Israel.
01:31Batay naman sa mga ulat, tatlong nakikipagkunchaba o mano sa Israel ang pinatawa ng parusang kamatayan sa Iran.
01:38Si Trump, sinabing karangalan para sa kanya na matigil ang gera sa pagitan ng dalawang bansa,
01:45gayon din ang pagkasiraan niya ng nuclear facilities at capability ng Iran.
01:50Pinanimindi kanyang tagumpay ang pagpapasabog sa mga nuclear facility ng Iran noong Sabado.
01:56Sa kamila ng ulat ng CNN na ilang buwan lang maaantala ang nuclear program ng Iran kasunod ng pag-atake,
02:03batay raw sa sources ng CNN, hindi naman nasira ang pangunahing components ng nuclear program,
02:09gaya ng kanilang enriched uranium, nasangkap sa paglikha ng nuclear energy at mga nuclear weapon.
02:15Pero tingin ni Trump, hindi na raw susubukan ng Iran na itayong muli ang kanilang nuclear sites.
02:21The last thing they want to do is enrich anything right now. They want to recover.
02:26And we won't let that happen. Number one, militarily we won't.
02:30I think we'll end up having somewhat of a relationship with Iran. I see it.
02:34Dati nang iginiit ng Iran na wala silang ginagawang nuclear weapon
02:37at mapayapa ang kanilang magiging paggamit ng nuclear energy.
02:42Ayon naman sa Department of Foreign Affairs,
02:44Umaasa ang Pilipinas na ang ceasefire simula na para makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa Middle East.
02:52Hinimok din ng Pilipinas ang mga bansang sangkot na ipagpatuloy ang mga dayalogo
02:56para makahanap ng permanenteng solusyon sa issue.
03:00Ang ceasefire ng Israel at Iran na taon isang araw bago ang ikawalumpong anibersaryo
03:05ng pagpirma ng Pilipinas sa United Nations Charter noong June 26, 1945
03:10sa paglulunsa ng commemorative stamp na UNET.
03:14Ipinaalala ng DFA sa mga ambasador ng iba't ibang bansa
03:18ang pangako ng Pilipinas na lagi itong susuporta sa mga hakbang para mapanatili ang kapayapaan sa mundo.
03:25The devastation and human suffering in Gaza, Ukraine, in Sudan, Yemen, and heightened tensions in the Middle East
03:33remind us that what we have achieved in fellowship with other nations need to be preserved
03:40and what we need to accomplish in the future in the name of peace and development.
03:46What we need today is the silence of weapons, the silence of weapons in Iran, in Israel, in Palestine, in Ukraine, in Sudan and elsewhere.
03:56We need the silence to leave place, to diplomacy, to multilateralism, to dialogue, and to peace.
04:04Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano, ang inyong saksi.

Recommended