Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/25/2025
Sa gitna ng ceasefire sa pagitan ng Israel at Iran, 31 Pilipino mula sa Middle East ang nakauwi na ng Pilipinas. Umaasa naman ang ating foreign affairs department na magtatagal ang ceasefire kahit nagtuturuan ang dalawang bansa sa paglabag dito.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa gitna ng ceasefire, sa pagitan ng Israel at Iran,
00:0431 Pilipino mula Middle East ang nakauwi na ng Pilipinas.
00:10Umaasa naman ang ating Foreign Affairs Department na magtatagal ang ceasefire
00:14kahit nagtuturuan ang dalawang bansa.
00:18Sa paglabag dito, nakatutok si J.P. Soriano.
00:21Hindi pa man nagtatagal ang ceasefire, kapwa pinagbibintanganan ng Israel at Iran
00:31ang isa't isa ng umano'y paglabak sa kasunduan.
00:35Ayon sa Defense Minister ng Israel, muli silang maglulunsad ng panibagong pag-atake
00:40dahil sa umano'y pagpapakawala ng missiles ng Iran.
00:44Kahit efektibo na ang ceasefire, itinanggi ito ng Iran sabay giit na ang Israel ang patuloy sa pag-atake.
00:51Hindi tuloy na itago ni U.S. President Donald Trump ang pagkadismaya.
00:55I didn't like the fact that Israel unloaded right after we made the deal.
00:59We basically have two countries that have been fighting so long and so hard
01:04that they don't know what the f*** they're doing. Do you understand that?
01:08Do you want to respond to Iran?
01:10Kahit hindi patiya kung magtatagal ang ceasefire ng Israel at Iran,
01:15malugod naman itong tinanggap ng gobyerno ng Pilipinas.
01:19Ayon sa Department of Foreign Affairs, umaasa ang Pilipinas na simula na ito
01:24para makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa Middle East.
01:29Hinihimok din ang Pilipinas ang mga bansang sangkot na ipagpatuloy ang mga dayalogo
01:34para makahanap ng permanenteng solusyon sa issue.
01:37Ang ceasefire ng Israel at Iran na taon isang araw bago ang ikawalumpong taong anibersaryo
01:42ng pagpirma ng Pilipinas sa United Nations Charter noong June 26, 1945.
01:49Sa paglulunsa ng commemorative stamp na UNAT,
01:52ipinaalala ng DFA sa mga ambasador ng iba't ibang bansa
01:56ang pangako ng Pilipinas na lagi itong susuporta
02:00sa mga hakbang para mapanatili ang kapayapaan sa mundo.
02:03The devastation and human suffering in Gaza, Ukraine, in Sudan, Yemen
02:09and heightened tensions in the Middle East remind us
02:13that what we have achieved in fellowship with other nations
02:16need to preserve and what we need to accomplish in the future
02:22in the name of peace and development.
02:25What we need today is the silence of weapons,
02:28the silence of weapons in Iran, in Israel, in Palestine, in Ukraine, in Sudan and elsewhere.
02:35We need the silence to leave place, to diplomacy, to multilateralism, to dialogue and to peace.
02:43Without peace, there's no development, there's no hope.
02:46Muli ring iginiit ng DFA na tutol ang Pilipinas
02:49sa anumang uri ng pagbuo ng nuclear weapons.
02:52The Philippines spoke more than 200 times
02:56in defense of nuclear disarmament and arms control.
03:00We championed the elimination of weapons of mass destruction,
03:04the prevention of proliferation
03:07and establishment of nuclear weapons free zones,
03:11especially in Southeast Asia.
03:12Habang umaasa ang mundo na magpapatuloy ang ceasefire
03:16sa pagitan ng Israel at Iran,
03:18tuloy lang ang magpapa-uwi sa mga Pilipino sa Middle East.
03:22Kagabi naka-uwi na ang 31 Pilipino mula Israel
03:26at na-stranded sa Qatar.
03:2826 sa mga ito ay galing sa Israel,
03:313 mula sa Jordan,
03:331 mula sa Palestine,
03:35at 1 rin mula sa Qatar.
03:37Para sa GMA Integrated News,
03:40ako po si JP Soriano,
03:42nakatutok 24 oras.

Recommended