Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/25/2025
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00GMA Kapuso Foundation
00:30Ngayong pasukan, mga pinaglumaang gamit pang eskwela muna ang gagamitin ng mga anak na magsasakang si Ferda na taga-bugyas sa Benguet.
00:50Malimit ganito raw ang kanilang sitwasyon tuwing pasukan, lalo na kung hindi maganda ang bentahan ng kanilang pananim.
00:58Yung presyo ng patatas ngayon, yung XXL nasa, yung per kilo dapat po nasa 60 or 70 ma'am.
01:08Bukod dito, nagtitis din ang kanyang mga anak sa kanilang lumang eskwelahan.
01:14Nasira ang kisame at ang dingding, gawa sa pinagtagpitag pingyero.
01:20Nasira kasi ito dahil na rin sa kalumaan at sunod-sunod na bagyo noong mga nagdaang taon.
01:26Pero ngayong pasukan, magiging komportable na ang mag-aaral sa kot-kot talabi sa elementary school
01:35dahil nagpatayo ang Jimmy Kapuso Foundation ng tatlong bago at matitibay na kapusong classroom na may tigitigis ang CR.
01:45Bago rin ang mga upuan na gawa sa recycled materials at may limang faucet hand-washing facility na may foot bath din.
01:57Dahil hindi patagang lugar, nagpalagay tayo ng riprap sa taas at baba ng eskwelahan para matiyak ang kaligtasan ng lahat sa tulong ng LGU at mga magulang.
02:08Hindi kayo matitibag kahit na intensity 8 earthquake ang tumama dito.
02:16Ginawa rin natin para kahit na tumama ang bagyo up until 300 kilometers per hour.
02:23Hindi yung siya titiklo.
02:24Nagbahagi rin tayo ng school supply sa kinder hanggang grade 3 students.
02:30At lahat ng ito ay naisakatuparan ng GMA Kapuso Foundation dahil na rin sa ating mga sponsors, donors, partners, volunteers at volunteer artists.
02:47Ayon sa mga pag-aaral, tumatagal ng hanggang isang libong taon bago tuluyang mabulok ang mga plastic kabilang ang mga sachet.
02:59Pero ang mga basurang yan na nagkalat lang kung saan saan, pwedeng i-recycle at mapakinabangang pa.
03:07Gaya ng mga siya na ipinagkaloob natin sa isang paralan sa Benguet sa ilalim ng Kapuso ng Kalikasan Project ng GMA Kapuso Foundation.
03:17Tinawag ng World Bank na isang sachet economy ang Pilipinas dahil sa pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga produktong tingi-tingi o yung mga nakasachet.
03:34Sa kanilang datos noong 2019, tinatayang 163 million sachet kada araw ang nakukonsumo ng bansa.
03:45Pero hindi lahat ay nare-recycle.
03:48Kaya marami ang nakakalat o bumabara pa sa mga kanal at estero.
03:53At ang malala na pupunta pa sa dagat.
03:57Kaya bilang bahagi ng Kapuso ng Kalikasan Project ng GMA Kapuso Foundation at sa pakikipagtulungan ng Gardinia Bakeries Philippines Incorporated,
04:09ang mga patapo na plastic wrapper at sachet gagawin nating school chair.
04:14Itong single-use plastic na ito, dinadala sa mga planta.
04:18Kung saan nililinis, tinutunaw at ginagawang mga silya.
04:24Mas matibay na, mas nakatulong pa tayo sa ating mundo.
04:29Isa sa mga unang eskwelahan na ating nabigyan ng recycled chairs ay ang Dagadag Elementary School sa Mangkayan sa Bengge,
04:38kung saan tayo nakapagpatayo ng Kapuso School noong 2024.
04:43Dumadami na kasi ang mga estudyante roon, kaya ang ilan, monoblock chair na lang ang upuan.
04:49Yearly na tumataas yung enrollment mula noong 28-22.
04:55Sa 76, mabot sa 120.
04:59Yung upuan, hindi po nadaragdagan.
05:02Binigyan rin natin ang kinder hanggang grade 3 students ng school supplies at tinapay na pambangon.
05:09Sa kabuuan, 148 recycled chairs ang naipamahagi natin sa Dagadag Elementary School at Kotkot Talabis Elementary School,
05:20ang ating bagong kapuso schools sa Bengge.
05:23Mamamahagi rin tayo ng silya sa mga pinapagawa nating kapuso schools sa Rizal.
05:29Ilang buwan na ang nakadipas mula ng humagupitang bagyong Pepito at Nika.
05:38Pero hirap pa rin makabango ng ilang taga-kasiguran Aurora at Dinapigye Isabela.
05:45Ang iba nga, ni hindi raw makumpleto ang mga gamit pang eskwela ng mga anak.
05:49Kaya naghatid ng school supplies ang GMA Kapuso Foundation,
05:54kabilang sa nabigyan mga katutubong dumagat at agta.
05:59Pasokan na nga ng mga estudyante.
06:07Pero si Lily, na anak ng manginisdang si David,
06:12hindi pa nabibili ng gamit pang eskwela.
06:15Bukod sa hindi araw-araw sagana ang huli ng isda,
06:19nangihiram lang si David ng bangkang pang isda.
06:22Alam mo po, manisig ka lang isang araw, wala kang mahuli.
06:27Sa isang araw naman, bigla naman pong maapagawa.
06:29Mga karami ka naman pong umuhuli.
06:32Ang agta namang si Chrissy, kumikita lang ng 450 piso kada dalawang linggo
06:39sa pagtatanim at pagtitinda ng gulay.
06:42Kaya hindi maibili ng gamit ang nag-iisang anak.
06:46Mabawi na lang siya sa pagbabantay sa anak sa eskwelahan
06:50at pagtutulong rito kahit sa bahay.
06:533, 4, 5.
06:57Nag-aral din po ako hanggang grade 1 lang po.
07:00Tapos nung ano po, hindi na ako pinapapasok po nung nanay ko
07:03kasi nag-aalago po ako ng mga kapatid ko po.
07:07Yun na lang po yung kaya kong ipamanan sa kanya
07:09yung magkatapos po siya na mag-aaral po.
07:13Kaya ang GMI Kapuso Foundation
07:16nagtungo sa kasiguran sa Aurora
07:18at dinapigay sa Isabela
07:21para mamigay ng kumpletong gamit pang eskwela
07:24para sa unang hakbang sa kinabukasan project.
07:28Napakalaking tulong po na mabigyan po sila ng school supplies
07:32sapagkat napakamahal po ng notebook
07:34na isisingit lang po nila makabili ng paisa-isa.
07:381,184 na kinder hanggang grade 3 students
07:44kabilang ang anak ni David at Christine sa ating nabigyan.
07:49Kami po ay nagagalak at dubos po kami nagpapasalamat
07:52sa GMA Kapuso Foundation
07:54sa binigay pong mga supplies sa aming mga mag-aaral.
07:58At sa mga nais na mamaki-isa sa aming mga projects
08:01maaari po kayo magdeposito sa aming mga bank account
08:04o magpadala sa Cebuana Rule Year
08:06Pwede ring online via GCash, Shopee, Lazada at Globe Rewards.
08:12Music
08:16Music
08:18Music
08:21Music

Recommended