Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/25/2025
Sa Iloilo, caught on cam ang suntukan at sabunutan ng dalawang estudyante na nag-ugat daw sa selos! Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol sa ganitong mga insidente? Alamin ‘yan sa ating #KapusoSaBatas Atty. Gaby Concepcion.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Babala! Sensitibo ang pag-uusapan natin ngayon at ang dahilan dyan, selos.
00:06Sa plaza ng Dumangas, Iloilo, caught on cam ang suntukan at sabunutan ng dalawang estudyante na nagugat daw sa selos.
00:17Imbis na pigilan, kinantsawan pa sila ng mga nasa paligid at inujok na mag-away pa.
00:23Nahinto ang gulo ng umawat ang mga polis.
00:25Nagtamu naman ang minor injuries ang dalawang estudyante.
00:30Batay sa embestigasyon, lalaki ang dahilan ng away.
00:37At heto pa, sa Taguig City naman, kritikal ang isang lalaki matapos sa buyan ng gasolina at silaban ng isa pang lalaki.
00:45Ayon sa mga otoridad, selos din ang tiniting ng motibo.
00:49Sa video, makikita na dumating ang suspect at lumapit sa biktima na nuoy nakatambay habang nagsa-cellphone.
01:00Maya-maya, bigla niyang sinabuyan ng gasolina, saka sinilaban ang lalaking nakatambay.
01:08Sumiklab ang apoy kaya nagpulasan ang mga tao.
01:11Tumakas ang suspect na inabutan din ang apoy.
01:14Kritikal sa ospital ang 28-anyos na lalaking sinilaban.
01:19Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol sa mga insidente ito ng selos?
01:24Ask me, ask Attorney Gabby.
01:26Attorney, grabe ang mga insidente ng selos na ito.
01:36May isang suntukan, tapos yung isa, sinilaban naman.
01:40Paano ba kung humantong ng ganito ang selos?
01:43Anong pwedeng kaharapin sa ilalim ng batas?
01:47Ay nako, grabe talaga.
01:48Pero sa batas, walang puwang ang dahas kahit pa ang dahilan ay selos.
01:53At lalo na kung ang dahilan lamang, ay nako, isang lalaki lang, Diyos ko Lord.
01:58Yung dalawang studyante yung nagsabunutan at nagsuntukan, of course,
02:02usually kaso ito ng physical injuries, sa ilalim po ng Article 266 ng Revised Penal Code.
02:08Pero dahil sa mga menor de edad sila, papasok sila sa proseso ng Republic Act 9344
02:13o ang Juvenile Justice and Welfare Act bilang Children in Conflict with the Law.
02:19Pero mas mabigat ang kaso dun sa tagig.
02:22Yung sabuyan mo ng gasolina at sindihan ng biktima habang ito'y walang ginagawa
02:27at nakapu lamang ay posibleng kaso na ng attempted or frustrated murder
02:33or at the very least, serious physical injuries.
02:36At ang paggamit ng apoy o explosion ay isang tinatawag na aggravating circumstance
02:41na nakakadagdag sa penalty na yan.
02:44Selos man ang motibo kapag manakit ka, may pananagutan, krimen pa rin yan.
02:50Attorney sa isang relasyon, hindi naman yata naiiwasan ang selos.
02:55Pero pwede bang gamitin, depends sa ang pagsiselos,
02:58kung makapanakit ka dahil dito, lalo na't sinasabi ay pinoprotektahan mo lang ang relasyon mo.
03:05Naku, hindi po. Selos ay emosyon, pero ang pananakit ay aksyon.
03:10At ang aksyon ay may kapalit na parusa.
03:13Sa batas, may tinatawag na passion or obfuscation sa ilalim ng Article 13 ng Revised Penal Code.
03:19Kapag bugso talaga ng damdamin ang dahilan ng krimen,
03:22pwede itong tinatawag nating mitigating circumstance.
03:26Ibig sabihin, nakakababa ng sentensya.
03:29Binabawasan ang penalty dahil naintindihan ng batas na mayroong mga sitwasyon na
03:34bigla-bigla na lang magdidiliman pa rin na isang tao
03:36nang wala naman sanang intensyon na pumatay ng tao at makasakit.
03:41At nagawa nito ng dahil ng hindi inaasahan,
03:44dahil nga sa matinding bugso ng damdamin.
03:47Pero kailangan nating tingnan kung talaga bang sufficient ang mga pangyayari
03:51para mag-react ng ganun?
03:53Kung kaunting pagsiselos lamang at wala naman talagang seryosong dahilan
03:57ang pagsiselos, hindi ito tinatanggap ng batas as a valid reason
04:01para mawala naman ang pananagutan ng suspect.
04:04Kailangan ding tingnan ang time element.
04:07Dapat ay walang time lag.
04:08Walang matagal na paglampas ng panahon from the time na nangyari ang insidente,
04:12na source ng pagsiselos,
04:14at ang nangyari yung pagpatay halimbawa dahil sa selos na ito.
04:18Kung merong time lag,
04:20dapat kasi in between nahimas-masana ng konti
04:23para makapag-isip-isip na mali pala ang gagawin niya.
04:27Merong mga kaso na ang time lag of 30 minutes halimbawa
04:31sabi ng Korte Suprema ay matagal yan.
04:34Dapat ay nalipasan ka na ng init ng ulo.
04:36So wala yung mitigating circumstance.
04:39Meron ding kaso na nagselos nga si Mrs. o si Mr.
04:42at pinagplanuhan ng krimen.
04:44Walang masasabing passion at obfuscation
04:47dahil malinaw na nasa malinaw na pag-iisip.
04:51At nagplano kung paano isasagawa ang krimen.
04:54Magkaibang magkaiba ang kaso ng passion and obfuscation
04:57sa kaso na isang tinatawag nating premeditated.
05:01Kaya't kung sa isang kaso,
05:02malino na planado,
05:03may dalaang suspect na gasolina,
05:06binalikan ng biktima,
05:07sinindihan,
05:08masasabi natin na ito ay isang premeditated crime
05:10at ang evident premeditation,
05:12maaaring aggravating circumstance
05:14na makakagrabe ng kaso.
05:16Kung homicide lamang sana ang kaso,
05:18magiging murder na ito
05:20at malaki ang diferensya ng penalty
05:21ng murder sa homicide.
05:24Tandaan nyo po,
05:24kapag homicide ang kaso,
05:26nakapatay kayo,
05:27usually,
05:28reclusion temporal,
05:2912 years and 1 day to 20 years.
05:31Nako,
05:32kapag murder na ang kaso,
05:3420 years pataas.
05:35Kaya hindi pwedeng sabihin,
05:37pinoprotektahan ko lang ang relasyon.
05:39Dahas ay hindi po pagmamahal.
05:41Tandaan po yan.
05:42At ang pananakit,
05:44may katapat sa ilalim ng batas.
05:47Ang mga usaping batas,
05:48bibigyan po nating linaw.
05:50Para sa kapayapaan ng pag-iisip,
05:52huwag magdalawang isip,
05:54Ask Me,
05:55Ask Attorney Gabby.

Recommended