00:00Ikinabahala ng ilang senador ang sitwasyon ng ating mga kababayang overseas Filipino workers sa Israel at Iran sa gitna ng lumalala nitong giriana.
00:10Yan ang ulat ni Daniel Manalastas.
00:17Diplomasya at hindi gera ang panawagan ng mga senador sa harap ng tumitinding tensyon sa pagitan ng bansang Israel at Iran
00:24na pinatindi pa ang tensyon ng umatake na rin ang Estados Unidos sa nuclear sites ng Iran.
00:31Ayon kay Sen. President Pro Temporay Jingoya Estrada, ang diplomasya ang dapat gawing prioridad.
00:37Kinabahala ng senador ay ang sitwasyon ng ating mga kababayan.
00:41Inimog naman ng senador Rafi Tulfo ang ating mga kababayang na iipit sa bakbahan na mag-evacuate at umalis na sa mga kritikal na lugar para na rin sa kanilang kaligtasan.
00:50At sa posibleng magiging epekto nito sa presyo ng langis, pinaalalahan ni Tulfo ang DOTR at LTFRB na siguraduhing may wastong guidelines para sa distribusyon ng fuel subsidy.
01:03Itroy para masiguro na ang mga benepisyaryo ay ang mga tunay na PUV drivers, operator at delivery riders at walang palakasan system.
01:13Babala ng senador ayaw niyang makarinig na mayroong nadedehadong chuper na dapat sana ay makinabang sa programa.
01:19Kinabahala rin ni senadora Aimee Marcos ang magiging epekto ng bakbakan sa presyo ng langis na sigurado raw may mabigat na implikasyon sa ekonomiya ng bansa.
01:29Para naman kay senador Joel Villeneva, dapat ay kumilos ang economic managers ng bansa at humanap ng paraan para malabanan ang posibleng epekto ng bakbakan sa ating ekonomiya.
01:40Dapat din anyang matiyak na may pupwedeng trabaho sa ating bansa para sa mga uuwing OFW.
01:45Sabi naman ni senadora Risa Hontiveros, dapat unahin ang kaligtasan ng ating mga OFW.
01:51Huwag magpakampante at huwag baniwalain ang panganib.
01:55Daniel Manastas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.