Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/23/2025
-Binatilyo, nagsayaw nang nakahubo habang nakasabit sa tricycle

-PBBM sa impeachment proceedings laban kay VP Duterte: Hindi ako nakikialam

-VP Duterte, sinabing may problema siya sa performance ni PBBM bilang presidente; wala aniyang sasabihing makabuluhan sa SONA

-Galon na may lamang halos 7 kilong sangkap umano sa paggawa ng illegal drugs, nasabat

-34-anyos na lalaki, patay nang malunod sa Sayaw Falls

-Leptospirosis at alipunga, ilan sa mga sakit na posibleng makuha kapag lumusong sa baha

-Iridescent o rainbow clouds, namataan noong Biyernes

-8, patay nang masunog at bumagsak ang sinasakyang hot air balloon; 13, sugatan

-DOE at oil companies, nagpupulong kaugnay sa nakaambang big-time oil price hike

-Rep. Joel Chua: Ipinagpapaliban ni VP Duterte ang kanyang karapatan kung hindi siya sasagot sa summons ng impeachment court

-ShuKla, may reaksyon tungkol sa mga nagsasabing sila ang "Big Winners we never had"



Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Tricycle
00:05Habang walang suot pang ibaba, nakasabit ang lalaki ngayon sa tricycle na binabagtas ang sumulong highway sa Antipolo Rizal.
00:13Sumasayo pa ang lalaki kahit umaandar ang tricycle.
00:16Ayon sa kumuha ng video, may iba pang sakay ang tricycle at nagpapatugtog ng malakas.
00:22Nahuli kalaunan ng lalaki na edad, labing anim, pati na ang tricycle driver na 27 tanggulang para sa reklamang grave scandal.
00:30Nasa kustudyan na ng pulis ang driver habang dinala sa DSWD ang minor de edad.
00:35Walang pahayag ang nagsayaw na lalaki habang tumangging magsalita ang driver.
00:38Ngayon pong araw, ang deadline sa kampo ni Vice President Sara Duterte para tumugon sa summons ng Senado kaugnay sa impeachment case laban sa kanya.
00:55Ayon sa isang dating hukom ng Korte Suprema, sumagot man o hindi ang bise, ay tuloy pa rin ang paglilitis.
01:01Si Pangulong Marcos muling iginiit na hindi siya nakikialam sa impeachment.
01:06Balitang hatid ni Tina Panganiban Perez.
01:08Si Pangulong Bongbong Marcos na ang nagsabi, hindi siya nakikialam sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
01:20Nasa Australia ang bise para sa isang personal na biyahe.
01:26At bagamat nagsalita sa harap ng Filipino community roon, wala siyang nabanggit tungkol sa impeachment.
01:33Hindi naman nagpaunlak ng panayam ang kanyang defense team.
01:36Pero sabi ni dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, hindi man sumagot ang bise, tuloy ang impeachment proceedings.
01:45It will not stop the proceeding.
01:47She will be declared in default. The prosecution will present its evidence, but the defense can still rebut the evidence presented by the prosecution.
01:59Sabi ni Carpio, pwedeng utusan ng Korte Suprema ang impeachment court na ituloy ang paglilitis sakaling idulog sa mga mahistrado ang issue.
02:08Ang Supreme Court, ang Supreme nga eh. I don't see any reason why the Senate of the 20th Congress will not comply.
02:16They will comply the moment the Supreme Court will say, tuloy ang trial.
02:21Ayon naman sa isang constitutional law expert, pwedeng i-contempt ng Senate impeachment court ang bise kung hindi siya sasagot.
02:30Meron silang inherent power na gano'n. Kung hindi naman siya mag-sublite ng answer, hindi na kailangan yung rejoinder ng House.
02:41Pag hindi ka sumagot, ibig sabihin wala kang matinong sagot dun sa mga paratang.
02:47Naniniwala naman si House Assistant Majority Leader Judah Sidre na bagamat hindi na kailangang hingan ng Senate impeachment court ang Kamara sa 20th Congress ng certification
02:59na desidido itong isulong ang Articles of Impeachment, malamang daw ay sundin ito ng House Prosecution Panel.
03:08Verified, validic, and we signed it in front of the Secretary General. For me, that is sufficient already.
03:15Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:22Sabi ni Vice President Sara Duterte, wala siyang sama ng loob kay Pangulong Bongbong Marcos kaugnay sa kanyang impeachment.
03:29Pero may patutsada siya sa pamumuno ni Marcos bilang Presidente.
03:36I have problems with his performance as President.
03:41And I have problems with the violations of our fundamental law, our Constitution.
03:53Particular anya sa mga paglabag ni Pangulong Marcos sa Konstitusyon ay ang pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
04:01Kaugnay naman sa inanunsyon niyang hindi pagdalo sa State of the Nation address sa susunod na buwan,
04:07sa tingin ng Vice ay walang sasabihin makabuluhan ang Pangulo.
04:11Hindi rin naman daw tinupad ng Pangulo ang mga ipinangako niya noong nangangampanya pa sila bilang Uniteam.
04:18Wala pang pahayag ang Pangulo kaugnay nito.
04:20Ito ang GMA Regional TV News.
04:29Natagpo ang palutang-lutang sa dagat sa Santa Praxedes, Cagayan,
04:33ang isang galon na may lamang sangkap umano sa paggawa ng iligal na droga.
04:37Ay sa mga polis, isang maingisda ang nakakita sa galon na naglalaman ng umano'y controlled precursors at essential chemicals.
04:44May tinatayang bigat na halos 7 kilo ang galon na hawak na ng pideya para sa pagsusuri.
04:50Ang mga nasabing sangkap ay ginagamit umano sa paggawa ng iligal na droga gaya ng Shabu.
04:56Sa loob ng isang linggo, umabot na sa 500 milong piso ang natagpo ang palutang-lutang na iligal na droga sa Cagayan.
05:05Nasawi ang isang lalaking 34 anyos matapos malunod sa Sayaw Falls sa Valle Hermoso, Negro Suriental.
05:12Basis sa investigasyon, naliligo ang biktima at ang kanyang mga kaibigan sa talon nang mapansin ng kanyang mga kasama na nawawala siya.
05:22Nahanap siya kalaunan at sinubukang i-revive, pero idiniklarang dead on arrival sa paggamutan.
05:28Ayon sa pulis siya, nakainom ng alak ang lalaki ng lumangoy.
05:32Hindi raw nakarating sa lugar ang mga rescuer dahil sa madulas at maputik na daanan.
05:37Dahil po sa dumadalas na ulan at baha, nagbabala ang Department of Health laban sa ilang usong sakit,
05:51gaya po ng dengue at waterborne diseases, gaya ng leptospirosis at alipunga.
05:56Balitang hatid ni Katrina Son.
05:58Sa biglang buhos ng malakas na ulan, karaniwan ng kasunod ang pagbaha sa ilang kalsada.
06:08Tulad ng naranasan sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila sa Magdamag.
06:12Abot baywang pa ang baha sa ilang lugar.
06:15At hindi maiwasan ng iba na lumusong sa baha.
06:20Kabilang sa mga sakit na maaring makuha sa paglusong sa baha ang leptospirosis at alipunga.
06:25Ang Barangay Rojas District sa Quezon City na madalas madaling bahain.
06:29Mas pinahigting ang pagpapaalala sa mga residente na iwasan ang paglusong sa baha.
06:35Si Princess, naranasan na raw magkaalipunga.
06:38Di na raw kinakaya ng bota ang baha na may kasamang putik.
06:43Maputik, sobrang putik, tas madumi kahit anong bota mo po.
06:48Hindi ano, pero yung iba po nakabota na rin po.
06:53Taon-taon daw, nagkakaalipunga ang 68 taong gulang na si Teresita.
06:59Halos lahat dito ng taon nagkakaalipunga pag bumabaha.
07:02Makirot, masakit.
07:05Talagang matindi ang sakit.
07:07Buti na lang daw ay may libreng gamot sa kanilang health center.
07:11Isa rin sa mga iniiwasan nilang sakit ang dengue.
07:13Kaya tulong-tulong daw ang lahat para maiwasan ito.
07:17Kapag katag-ulan, unang binabantayan namin ay dengue.
07:20Bago dumating ang mga pagbaha, meron na pong paglilinis ang mga estero, pag-spraying, kaparigiran.
07:28Karaniwang sakit tuwing tagulan ang waterborne diseases, influenza-like illnesses, leptospirosis at dengue o wild diseases.
07:38Yung WIL, si waterborne, si influenza-like, saka si leptospirosis, wala pa kaming napansin, nakakaiba.
07:45Si dengue, yung aming pinakahuling tala, bagamat hindi pa siya malaki yung pagtaas, ay alam natin na nagsisimula na.
07:53Meron na tayong nakita na kung di ako nagkakamali, 6 or 5 percent na increase on a week-to-week basis.
08:01Kasi alam natin tagulan na eh. So talagang magsisimula na yan.
08:04Base sa datos ng DOH, 6,217 ang naitalang kaso mula May 11 hanggang 24.
08:12Mas mataas ng 6 percent kesa sa April 27 hanggang May 10.
08:17Sabi ng DOH, hindi raw kailangan mabahala dahil tuloy-tuloy ang kanilang paghahanda.
08:22It's not alarming, Christian, dahil alam natin na ito yung panahon talaga na tumataas.
08:27Patuloy yung operation ng ating dengue fast lane.
08:31Kapag nakita ng doktor o ng nurse na mukha kang dengue, ano yung hindi sinimukhang dengue?
08:36Yung mga simptomas mo, yung pinanggalingan, mukhang kinagat ng lamok, ganyan.
08:40Ibig sabihin, yung processing time mo, bibilisan namin.
08:43Paalala rin sa publiko, prevention is always better than cure.
08:49At isang mabisang paraan para maiwasan ng sakit ang pagsisigurong malinis ang kapaligiran.
08:56Katrina Son nagbabalita para sa Jimmy Integrated News.
09:01Tila sining sa kalangitan ng namataan sa Luna, Apayaw.
09:05Ang kumpol ng mga ulap nagmistulang bakulay na painting.
09:11Tinatawag yan na iridescent or rainbow clouds.
09:14Ayon sa pag-asa, nabubuo ang mga yan kapag tinatamaan ng sinag ng araw
09:19ang matataas at maninipis na ulap na karaniwang may ice crystals.
09:24At dahil sa diffraction o pagkalat ng light rays, lumalabas ang palette of colors.
09:30Maraming netizens ang namangha sa nakunang pictures ni Yus Cooper Jomar Malubay.
09:35Ang ilan ikinatuwa na natapat pa ito sa pagdiriwang ng Pride Month.
09:41Para sa inyong kwentong totoo, kwentong kapuso, sumali sa Yuscoop Plus Facebook group
09:46at ishare ang inyong mga larawan at video.
09:50Maaring ma-feature ang inyong storya sa aming newscast.
09:53Gamitin lang ang hashtag Yuscoop sa inyong mga post.
10:00Mainit-init na balita, nakikipag-dialogong oil company sa Department of Energy.
10:05Kaugnay sa nakambang malaki ang oil price hike bukas.
10:08Kinumpirma yan ang sea oil ngayong umaga.
10:10Kabilang sa mga tatalakayin, ang posibleng utay-utay na pagpapatupad ng oil price adjustments
10:15at iba pang hakbang para maibisan ang epekto ng mga taas presyo.
10:19Ayon sa industry source,
10:214 pesos and 90 centavos hanggang 5 pesos and 20 centavos
10:26ang itataas kada litro ng diesel.
10:293 pesos and 20 centavos hanggang 3 pesos and 50 centavos naman sa gasolina.
10:35Ipinagpapaliban daw ni Vice President Sara Duterte ang kanyang karapatan
10:45kung hindi siya sasagot sa summons ng impeachment court.
10:49Ayon kay Manila 3rd District Representative Joel Chua na isa sa mga House prosecutors,
10:55nakaabang na sila sa susunod na hakbang ng kampo ng Bise.
10:59Ngayong araw ang deadline kay VP Duterte para sagutin ang summons
11:03kaugnay sa inihahing articles of impeachment laban sa kanya.
11:07Sakaling sumagot na ang Bise,
11:09may limang araw ang House prosecutors para magbigay ng tugon
11:13mula sa araw na matanggap nila ang kopya nito.
11:17Ayon kay Chua, magkokomply sila rito.
11:19Team Shukla, mag-ingay!
11:28Game na sinagot ni na ex-PBB housemate Shuve Etrata
11:32at Clarice D. Guzman ang ilang tanong tungkol sa kanilang stay sa bahay ni Kuya.
11:40Talagang nagsasabi kayo ang big winner they never had.
11:43Aww!
11:44Iiyok ako eh.
11:46Maybe you're the voters that we never had.
11:50Yan ang kwelang sagot ng Shukla ng mag-guest sa unang hirit.
11:55Ikinwento rin nila kung paano nabuo ang kanilang closeness sa loob ng bahay ni Kuya.
12:00Sabi ni Clarice, pareho silang kalog ni Shuve.
12:03Si Shuve naman, comfortable with Clarice.
12:06May mensahe rin ang Shukla sa kanilang fans.
12:09Nagpapasalamat po talaga kaming lahat po sa inyo.
12:16Patuloy po kaming lalaban dahil po sa inyo.
12:18Until now, hindi pa rin po ako makapaniwala sa pagmamahal na natatanggap namin sa mga supporters namin.
12:23Yan, katulad niya.
12:24Di ba?
12:24Bigising sila lang maaga for us.
12:26Sobrang maraming maraming salamat po sa lahat po na nagmahal at suboporta po sa aming Shukla.
12:31Team Shukla.
12:32Sobrang maraming salamat po.
12:38Sobrang maraming salamat po.

Recommended