00:00Namigay naman ng 13 Operation Management Equipment ang National Irrigation Administration sa Bicol Region.
00:06Ito'y sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pabilisin ang mga proyektong patubig sa rehyon.
00:14Si Connie Calipat ng Philippine News Agency sa detalhe.
00:20Inihahanda na ng National Irrigation Administration Bicol ang pamamahagi ng 13 Operation and Management Equipment
00:27at sasakyan sa iba't ibang irrigation management offices sa rehyon bilang bahagi ng inisyatiba para sa tagulan.
00:34Sa panayam kay NIA General Manager Engineer Gaudencio Di Vera,
00:38sinabi niya na ang pamamahagi ng mga bagong sasakyan at heavy equipment ay naayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:46na pabilisin ang pagbuo ng mga proyektong patubig sa Bicol.
00:49Kabilang dito ang pitong mini dump truck, tatlong backhoe loader, isang motor grader, isang Tamarau FX at isang coaster.
00:58Sinabi pa ni Di Vera na ang mga heavy equipment ay gagamitin sa pagdisilting ng mga kanal at dump para makatulong maiwasan ang pagbaha.
01:06Magsasagawa din sila ng mga disilting sa mga ilog upang matiyak ang tamang daloy ng tubig.
01:11Binanggit din ni Di Vera na mahigit 800 asosasyon ng mga irrigator ng NIA ang maaaring makinabang sa bagong kagamitan.
01:19Samantala, sinabi niya na inaasahan din nila ang isa pang motor grader, isang backhoe loader at dalawang self-loading trucks
01:26upang higit pang mapahusay ang operational efficiency, supportahan ang mga field activities at matiyak ang efektibong pagpapatupad ng mga proyektong sa patubig.
01:35Mula sa Philippine News Agency, Connie Calipay para sa Pambasang TV sa Bagong Pilipinas.