Aired (June 21, 2025): Taong 2021 nang mag-trending ang post ng tatay na si Joel. Ang post, panawagan ni Joel ng tulong para sa breast milk ng kanyang triplets.
Ang nanay ng triplets at asawa ni Joel kasi na siya sanang makapagbibigay ng breast milk sa mga bata, namatay matapos ang panganganak.
Masakit man para kay Joel ang sinapit ng kanyang asawa, nagpapasalamat pa rin daw siya para sa buhay ng tatlo nilang anak at sa mga tulong na kanilang natanggap.
Mula 2021 hanggang ngayon, si Joel, nagsisilbing tatay at nanay ng kanyang mga anak. Kumusta na nga ba si Joel at ang kanyang triplets?
Panoorin ang video. #GoodNews
Hosted by Vicky Morales, ‘Good News’ is a weekly newscast that rounds up the trending feel-good stories in the Philippines and offers D-I-Y fashion tips and affordable healthy recipes for Kapuso viewers on a budget. #GoodNews
00:30Tripleman daw ang sakit sa pagkamatay ng asawa, ipinagpapasalamat daw niya na ang tatlong sanggol, buhay na nailuwal.
00:50Katulad ng kanyang mga anak, si Joel maaga rin daw pinagkaitan ng pagkakataong makasama ang kanilang magulang.
00:57Ang kanyang tatay maagang binawian ang buhay, samantalang ang kanyang ina iniwan naman sila.
01:04Ang tatay owin nila na laging umiiyak pag na may mission na naipil nila. Ngayon po ini-enjoy ko na lang po yung buhay namin sa pagpapalaki sa kanila.
01:14Kaya pangako niya, hindi niya hahayaang maranasan din ito ng kanyang mga anak.
01:20Kaya naman si Joel ginawa ang lahat para maitaguyod ang pag-aalaga sa kanyang triplets.
01:26Katuwang ang mga manugang mula sa pangungulekta ng donasyong breast milk,
01:32pagpapalit ng diaper, hanggang sa paghehele sa kanila sa pagtulog.
01:37Yung tayo po na yung mga talaga, wala akong ibang malapitan.
01:41Nag-decide po akong mag-post na kung sinong willing mag-donate.
01:45Ngayon po, nakakatuwa po na ganun. Maraming nag-response.
01:49Bukod po sa breast milk na binigay nila sa mga bata, nagbigay rin po ng tulong pinansyal.
01:54Mula 2021 hanggang ngayong 2025, si Joel nagsilbing tatay at nanay sa kanyang tatlong anak.
02:03Pag-amin ni Joel, hindi raw ito naging madaling.
02:07May point na talagang parang napangihihinaan ka talaga ng doon.
02:12Kasi mahal na mahal po yung asawa ko.
02:14Kaya buhay niya po yung naging kapalit dito.
02:17Kaya bilang pagmamahat po sa kanya, ito na lang yung tanging magagawa ko para sa kanya.
02:21Yung mahalin, alagahan at ingatan yung mga anak namin.
02:24Huwag kayong mag-alalaan na, andito lang palagi si tatay.
02:28Sinasabihan ko po talaga sila na,
02:31gagawin ko lahat para sa kanila.
02:33Kahit ako na lang, gagawin ko ng paraan para mapalaki sila ng maayos.
02:39Apat na taon man ng pagtsatsaga at pagsasakripisyo ang pinagdaanan ni Joel.
02:44Napapawi naman daw ito sa tuwing nakikita niya ang mga anak.
02:50Lalo pa at pakiramdam daw niya, parang kasakasama pa rin niya ang asawa.
02:54Sobrang lalambing po ng mga bata.
02:56Sobrang talagang yung makita mo silang tumasalubong sa'yo habang papawi ko sa galing trabaho.
03:06Kaya naman kahit mahirap, si Joel patuloy na lumalaban.
03:15Ang pagtatrabaho niya raw bilang factory worker at pagvavlog ng buhay nilang mag-aama
03:21ang tumutulong para ba iraos ang kanilang pang-araw-araw.
03:26At ang good news pa, ngayon ng araw-honyo,
03:29ang kanyang mga chikiting na dating inihingi lang niya ng breast milk noon,
03:34mag-aaral na ng nursery ngayon.
03:37Let's go!
03:39At dahil na nga excited na si Joel,
03:45maaga rin daw niya itong binilhan ng gamit sa eskwela.
03:49Saludo kami sa pagiging mabuti mong tatay, Joel.
03:52At dahil diyan, deserve ng tatlong sorpresa ang tatay na nagpalaki ng tatlong prinsesa.
04:01Dala-dala ng mga anak niyang sina Gia, JC at Jaswi.
04:06Ano yan? Ano yan? Ano yan?
04:10Wow!
04:11Ay, rikatas na kayo o!
04:14Grocery para sa buong pamilya.
04:17Anong sasabihin?
04:18Thank you po!
04:20Ang ikalawang sorpresa,
04:28regalo para kay tatay na magagamit niya sa pagpasok sa trabaho.
04:33Meron din para sa akin.
04:35Thank you po!
04:37At ang huling sorpresa,
04:39mula sa isa sa kanyang masugit na follower.
04:43Kagaya ng araw ng triplets,
04:44si Cez at ang kanyang mga kapatid,
04:47e pinalaki rin ng single father.
04:50Kaya naman relate siya sa kwento ng pagsusumikap ni Joel ngayon.
04:54Wala po nung namatay yung nanay namin,
04:56yung tatay po namin ang tumayong nanay,
04:58at tatay namin at the same time.
05:00Bilang magulang,
05:02kailangan palagi tayong malakas.
05:04At nakikita ko din,
05:05sobrang nag-i-enjoy kayo sa mga videos nyo.
05:07Ang mga anak natin hindi deserve ang malungkot na magulang.
05:12Pag masaya tayo,
05:13mas masaya po ang mga anak natin.
05:15Si Cez,
05:17nagpaabot din ng tulong pinansyal para kay Joel at sa mga bata.
05:21Maraming maraming salamat po.
05:23Maraming tulong po ito para sa magagastusin namin ng mga anak po.
05:27Maraming maraming salamat po.
05:29At ngayong espesyal na araw din,
05:31ang mag-aama,
05:33hindi nakalimutang dalawin ang ina.
05:34Ang kwento ni Joel,
05:59kwento rin ng bawat magulang
06:01na handang gawin ng lahat para sa kanilang mga anak.