Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/21/2025
Sa ikalawang araw ng working visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan, nakipagpulong siya sa ilang negosyante upang palakasin ang ugnayang pang-ekonomiya.

Ayon sa Malacañang, para sa kapakinabangan ng Pilipinas ang muling pagbisita ng Pangulo sa Japan.

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pero ito po ay ginawa ng Pangulo, hindi para magbakasyon, kundi para magtrabaho.
00:06At ito po ay para sa taong bayan dahil makikita po natin ang kanyang mga kausap ay patungkol po sa turismo.
00:14Nakapulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Osaka, Japan, ang tourism stakeholder sa naturang bansa.
00:21Kabilang na ang mula sa travel and tour companies, airlines at airports.
00:25Dito ipinakita ng Pangulo ang mga oportunidad sa turismo ng Pilipinas.
00:30Ayon kay Tourism Secretary Cristina Frasco, nakasama sa delegasyon ng Pangulo,
00:34binanggit ni PBBM ang mga proyekto sa bansa kabilang na ang pagpapaganda sa mga airport terminal.
00:40The President communicated to our travel and tourism stakeholders his prioritization of tourism development
00:49by ensuring the improvement of infrastructure.
00:53Mentioning the privatization of our main gateway,
00:58the NAIA airports, as well as our regional airports
01:03with the intent of being able to usher in Japanese tourists directly to our island destinations.
01:12Humarap rin sa isang business meeting si PBBM kasama ang executives
01:16ng Canadavia Corporation at Philippine Ecology Systems.
01:19Ito ang major player naman sa pagdisenyo, konstruksyon at operasyon ng integrated sanitary solid waste management
01:26at disposal facilities sa bansa.
01:29Nakausap rin ng Pangulo ang isa sa pinakamalaking shipbuilders sa mundo,
01:33ang Shuneshi Shipbuilding Company.
01:36Nasa Osaka rin ang Pangulo para dumalo sa World Expo 2025.
01:40Nel Maribuho, QNTV News and Rescue.
01:43Diyos ang aming sandigan, servisyo publiko ang aming pinahalagahan.

Recommended