Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/20/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pina-gi-isipan po ng MMDA na hatiin ang bike lanes sa Commonwealth Avenue para mapalawig ang motorcycle lane.
00:08Ano naman kaya ang reaction dito ng mga siglista?
00:12Yan ang pinusuhan ni Jamie Santos sa Barangay Saksi.
00:19Sa dayalogo ng MMDA kasama ang iba't ibang motorcycle rider group,
00:24kugnay sa No Contact Apprehension Policy o NCAP, isa sa nabanggit ang pagtaas ng traffic violations nang masuspindi ang NCAP noong 2022.
00:33Kahit po kasi naka-TRO suspended ang NCAP, patuloy pong minomonitor ng MMDA ang mga violators.
00:44Nire-record namin, hindi lamang namin ito matitignitan.
00:48Makikita po dito that from August 2022, ang traffic violation increased by 241% in 2023.
01:01Tumaas din daw ang mga kaso ng banggaan sa kalsada na karamihan mga riders ang biktima.
01:07Ayon sa MMDA, isa sa benepisyo ng NCAP, ang mas ligtas at mabilis na biyahe.
01:12Pero ayon sa mga grupo ng rider, marami pa rin dapat ayusin ngayong ipinatutupad na ulit ang NCAP.
01:19Naging delikado raw ang motorcycle lane dahil siksikan.
01:23We have generated over 3,000 respondents.
01:29And in the 3,000 respondents, a whopping 92% said,
01:36nadagdagan sila ng more than 60 minutes travel time during rush hour.
01:41Tinitignan ng MMDA ang posibilidad na palawigin ang motorcycle lane sa Commonwealth Avenue
01:48sa pamamagitan ng paghati sa kasalukuyang bike lane.
01:52Pero kailangan daw ikonsulta muna ito sa lokal na pamahalaan ng Quezon City,
01:56Department of Transportation at mga cyclist group.
02:00Kaya naman pinulsuhan namin ang mga siklistang halos araw-araw dumadaan sa bike lane.
02:04Kung plano raw hatiin ang bike lane sa mga siklista at rider, sugestyon ng isa,
02:09Wala mga kailangan. Tanggalin na yung ano na yan, mas maluwag dapat.
02:14Ito, kasi awa, laki lang yung pakilang.
02:16Kasi pag ito, masigip eh. So, ano, kawawa naman kami.
02:20Sabi naman ang isa, maglatag muna ng mga patakaran.
02:24If i-implement nila, sana, ano, parang may rules for both,
02:30para hindi ma-aksidente pareho.
02:32Kasi syempre, mabagal yung bike, mabilis yung motorcycle.
02:34Hindi naman pabor sa foresharing ang mas maraming siklistang nakausap ko.
02:39Siguro hindi na siguro. Kasi mayroon naman silang sariling daan dyan.
02:44Parang hindi po, kasi masyado silang kasero. Baka masagi pa kami.
02:50Yun, yung delikado. Kasi biglang lulusot tapos, mayroon eh, disgrasya abutin.
02:56Sila pa yung galit. Mas maganda yung nakahiwalay kaysa magsama-sama.
03:01Ang gamit nila makina eh. Pag nasagi po kami ng motor,
03:05mas malaki po yung kung namin magiging pinsala.
03:08Kung traffic man, siguro tsagaan na lang eh.
03:10Kami naman din kasi pagka natatraffic kami, tsagaan na lang din mo eh.
03:14Para sa GMA Integrated News, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
03:20Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:23Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.

Recommended