00:00Samantala tiniyak ng Maritime Industry Authority na tinutugunan nilang problema sa umano'y.
00:06Hindi akmang kwalifikasyon ng marinong para sa domestic shipping operations.
00:11Yan ang ulat ni Denise Osorio.
00:15Hindi kinopia ng Maritime Industry Authority o Marina ang International Maritime Standards para sa mga lokal na barko.
00:22Ito ang paglilinaw ng ahensya. Kasunod ng panawagan ng mga shipping operators na i-relax ang mga umiiral na patakaran sa pagkuhan ng crew sa domestic shipping.
00:31Dahil sa patuloy na kakulangan ng mga kwalifikadong marino para sa inter-island routes.
00:36Hindi po natin ini-implement ang international standards sa domestic.
00:42Kinonsider po natin yan sa paggawa ng ating mga sistema pero hindi po natin inadapt.
00:48So mali pong sabihin na ina-adapt namin o ina-apply natin ang international standards sa ating local or domestic shipping operations.
01:03Sa isang forum sa Cebu nitong nakarang linggo, inilahad ng mga shipping stakeholder na may mga barkong hindi makabiyahe dahil walang sapat na crew.
01:10Kahit may libo-libong may karanasan na marino sa bansa.
01:13Ayon sa mga operator, ang pagpapatupad ng STCW standards na orihinal na para sa ocean-going vessels ay hindi akma sa maliliit at short haul na domestic vessels.
01:25Dahil dito, maraming may hands-on experience na patron at kapitan ang hindi makadeploy dahil wala silang formal na maritime degree.
01:32Sa kabila nito, tiniyak ng marina na kasalukuyan ng nire-review ang manning rules.
01:36At may ginagawa para ito ay iakma sa mga pangangailangan ng local operators nang hindi isinasan tabi ang kaligtasan.
01:43Na-approbahan na sa Marina Management Committee yung mga pagbabago na ipapatupad natin sa manning requirements.
01:53So baka within July po, ma-issue na natin yung bagong regulasyon sa manning kung saan may pagbabago po talaga para na-consider natin yung pangangailangan sa domestic shipping without naman sacrificing safety concerns and issues.
02:12Sa datos ng marina, mahigit 1.3 million ang reyestradong marino sa bansa at mahigit 800,000 dito ang may certificate of qualification.
02:22Pero ayon sa ahensya, halos 500,000 lamang ang nasa international deployment.
02:27Ibig sabihin, may natitirang malaking bilang na pwedeng itap para sa local na operasyon.
02:32Kinilala rin ng ahensya ang kahalagahan ng konsultasyon sa lahat ng stakeholders sa pagbalangkas ng bagong regulasyon.
02:38Denise Osorio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.