Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/20/2025
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Kwento ng isa sa mga akusado sa kaso ng mga nawawalang sabongero na si Alias Totoy,
00:05binayaran ang isang grupo ng 2 milyong piso para dukutin ang isa sa mga sabongero sa San Pablo, Laguna.
00:12Balita ng atin ni Emil Sumangil, exclusive.
00:17Sana bago ako pumanaw, malaman ko kung nasaan ka.
00:23Mag-aapat na taon na mula ng dukutin mula sa kanyang bahay sa San Pablo, Laguna si Ricardo John John Lasco.
00:29Ang master agent ng online sabong na isa sa 34 na nawawalang sabongero.
00:35Unti-unting nabibigyan ng linaw kung anong nangyari sa kanya sa paglutang ni Alias Totoy, isa sa mga akusado.
00:42Ayon kay Alias Totoy, dinukot si Lasco para pigain tungkol sa kinalaman niya sa pagpirata umano ng online sabong broadcast.
00:51Kay Alias Totoy raw mismo ito pinatrabaho para raw dukutin si Lasco.
00:55Dalawang milyong piso ang ibinayad sa isang grupo na hindi niya muna pinangalanan.
01:00Hindi rin niya sinabi kung sino ang nag-utos at nagbigay ng pera.
01:04Ako mismo ang nagbayad sa kanya ng una, 2 million para ano hiniyon.
01:10Kulang ng 2 million sir, gawa ng maraming tao ang ginamit ko dito.
01:16May ipinakita rin sa amin si Alias Totoy na video umano ni Lasco habang hawak ng mga umano'y dumukot sa kanya.
01:22Pero dahil sensitibo, hindi na muna namin ito ipapakita.
01:28Nakausap sa telepono ng pamilya ni John John kasama ng iba pang pamilya ng mga nawawala si Alias Totoy.
01:33Walang malaman kung nasaan ang anak ko, kung anong ginawa nila.
01:38Sa totoo lang nay, wala na po tayong pag-asa na mabuhay pa ang anak niyo dahil wala na siya.
01:45Pasensya na kayo nay at masakit din para sa akin na mawalan din ang pamilya.
01:50Pero nay, ako ang susi ng lahat at makamit niyo ang mustesya.
01:54John, anak, ito na ang pagkakataon, dininig na ng Panginoon, kadagtong ng buhay ko anak, ang makikita ka pa kahit na buto na lang, tanggap ko na anak.
02:13Ito pong witness ito ay sa aming tingin ay credible, sapagkat lahat ng informasyon na lalaman niya.
02:21May personal knowledge siya rito eh. Ito po ang inaantay nila eh.
02:26Pag hindi po kayo kumilis dito, ibang usapan na naman po ito.
02:29Ang NBI at PNP, handa raw umalalay para bigyang proteksyon si Alias Totoy.
02:34Ang PNP po, especially ang ating GPNP, ay siya po willing na siya po mismo ang pumunta doon at alamin kung saan ba yung eksaktong sinasabi niya.
02:43Kailangan muna niyang mag-execute ng apidabit kung meron siyang personal knowledge.
02:46Nauna nang ibinunyag ni Alias Totoy sa aming eksklusibong panayam na sa Taal Lake, inilibing ang mga nawawalang sabongero.
02:54Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Rebulia, kakailanganin ng mga eksperto para makumpirma ito.
03:01We will need tactical drivers to do it kasi malalim din yan eh.
03:04And it's not easy to go into a lake bed to look for human remains.
03:11Anya, bagaman hindi imposible ang kwento ni Alias Totoy, maingat daw nila itong pag-aaralan.
03:17Kung walang trace talaga, it can be a credible story.
03:20When you vanish without a trace, then it must be somewhere where people have not been able to look.
03:25Baka hindi na titignan pa yung lugar.
03:28Mahalaga raw makanap ang mga buto, hindi lang para mapausad ang kaso, kundi para rin sa mga kaanak.
03:35Panawagan ng pamilya ng mga nawawalang sabongero.
03:37General Torre, kayo na po ang pangwalong PNP Chief na naupo mula nung pumutok ang kaso ng mga nawawalang sabongero.
03:47Kaya't kami nananawagan, kailan po kikilos ang PNP.
03:50Hinihiling po namin ang isang formal na case conference.
03:53Ginuong Pangulo, kami po ay naninikluhod sa inyo.
03:57Hindi po namin inaasahan ang milagro.
04:00Ang hinihiling lang po namin ay isang malasakit.
04:03Ang inyong pakiusapan ng mga ahensya na mulimbuksan ang investigasyon.
04:07Sa 34 na nawawalang sabongero pagkawala pa lang ng pito,
04:11ang may kadikit na kaso na dinirinig sa dalawang korte sa Maynila at San Pablo, Laguna.
04:16At sa siyam na akusado para riyan, walang nakakulong.
04:21Nakabail yung iba at yung iba naman ay hindi pa charged.
04:25Tsaka meron din yung mga andan-andyan pa rin sa paligid na alam mo na.
04:31Kinwestiyon pa nga ng anin sa Korte Suprema,
04:35ang pagbaliktad ng Court of Appeals sa pagpayag ng lower court na makapagpiansa sila.
04:40Ang pagkawala naman ng 27 iba pa,
04:43nasa proseso pa rin ng case build-up.
04:45At magkatuwang ng iniimbestigahan ng NBI at PNP.
04:49Emil Sumangil, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended