00:00Bukas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pag-usapan ng muling pagsapin ng Pilipinas sa International Criminal Court o ICC.
00:09Kasunod dyan ang sesyon ng isang United Nations Special Repertoire na muling kilalani ng bansa ang Rome Statute ng ICC
00:16at pagtibayin ang mga pandayigdigang kasunduan para sa karapatang pantao.
00:22Si Clazel Partilla sa report.
00:23Anim na taon matapos kumalas ang Pilipinas sa International Criminal Court,
00:32si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bukas na pag-usapan ang muling pagsapin ng ating bansa sa ICC.
00:40Open po siya. Nung huli po kami nag-usap, sinabi po niya na open naman po siya.
00:44Sinabi yan ng Malacanang matapos ang panawagan ng United Nations Special Repertoire sa Pamahalaan ng Pilipinas
00:52na muling kilalani ng Rome Statute ng International Criminal Court at pagtibayin ang mga pandaigdigang kasunduan para sa karapatang pantao.
01:02Mahalagaan niya ang pag-ratipika ng International Convention for the Protection of All Persons from Enforced Disappearance sa gitna ng kasaysayan ng bansa.
01:11Kaugnay sa mga kaso ng mga sapilitang pagkawala at extrajudicial killings.
01:16Makatutulungan niya ito para mapalakas ang proteksyon sa karapatang pantao at mapangalagaan ang kalayaang magpahayag.
01:23Ang suggestion po ng UN Rapporteur, ito po ay magandang suwestyon at pag-aaralan po kung talaga po dapat pa rin sumapi, magiging mag-join sa ICC
01:38at i-ratify yung ibang International Human Rights Law. So pag-aaralan po ito mabuti natin pangunan.
01:46Ang ICC ay isang pandaigdigang hukuman na naglilitis ng mga kasong genocide, war crimes, crimes against humanity, at crimes of aggression.
01:56Pumapasok ang ICC para mapanagot ang mga paglabag sa karapatang pantao, lalo na kung hindi ito kayang tugunan ng lokal na hostesya.
02:05Tulad ng kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakakulong at naharap sa crimes against humanity dahil sa madugong laban kontra iligal na droga.
02:14Bagaman hindi na miyembro ng ICC ang Pilipinas sa ngayon, iginiit nito na may horisdiksyon pa rin sa mga krimeng nangyari habang kaanig pa rito noon ang Pilipinas.