Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/19/2025
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mas pinalaking PhilHealth coverage ang mapapakinabangan ng mga miyembro
00:03ang may chronic kidney disease o sakit sa bato.
00:06Tabi lang dyan na hanggang 2 milyong pisong sagot ang PhilHealth sa kidney transplant.
00:10Narito ang aking unang balita.
00:14Sa National Kidney and Transplant Institute pa lang,
00:17umaabot na ng hanggang 250 ang dinadialisis kada araw.
00:21Sa buong bansa naman, puwapalo ang bilang sa daang libo.
00:25Hindi katakataka, lalot isa sa bawat tatlong Pilipino
00:28nagkakaroon ng chronic kidney disease o sakit sa bato.
00:31Batay sa datos ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth,
00:35mas marami yan sa global average na lampas isa sa bawat sampu.
00:38Ikinaalarmay ito ng Pangulo na bumisita sa National Kidney and Transplant Institute.
00:43Ito ang pinaghangalingan nito ay diabetes.
00:48Dahil nangyari sa katagalan ng panahon
00:53ay ang Pilipino, naging masyadong sweet tayo,
00:57masyado naman tayong mahilig sa matamis.
01:00Kaya kailangan din natin gumawa ng programa,
01:03turuan ang ating mga kabataan,
01:05huwag lang matatamis ang kinakain.
01:08Sa gitna ng problema ay tinaas na ng PhilHealth
01:10ang sagot nitong dialysis sessions sa 156 sessions
01:14mula sa dating 90 lang.
01:16Kaya umaabot sa 28 billion pesos ang gastos ng PhilHealth
01:19para rito noong 2024.
01:21E tinaas din ang pinakamataas sa pwedeng sagutin ng PhilHealth
01:24sa mga magpapakidni transplant.
01:272 million pesos na yan mula sa dating 600,000 pesos lang.
01:31At ngayon, pati ang gastusin pagkatapos ang transplant,
01:34tinaasa na rin para sa mga gamot at laboratorio,
01:37pati mga donor,
01:38makakatanggap din ang benepisyo sa ilalim nito.
01:41Layon itong hikayatin ang mga nagdadialysis
01:43na magpatransplant kung pwede naman.
01:45Marami po dun sa nagdadialysis,
01:49takot magpatransplant.
01:51Ito po yung programang ginawa ngayon.
01:54Front to end.
01:56Para mas mainganyo ang mga taong nangangailangan ng transplant
02:00na tumuloy na.
02:02Nangako naman ng PhilHealth
02:03na patuloy pang pinabibilis ang kanilang mga proseso.
02:06Ito ang unang balita.
02:08Iban Merina para sa GMA Integrated News.
02:11Igan, mauna ka sa mga balita.
02:13Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
02:17para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
02:19Mag-subscribe na sa GMA Integrated News.

Recommended