Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/19/2025
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:002 million piso umano ang binayad para ipadukot ang isa sa mga nawawalang sabongero
00:04ay sa isa sa mga akusado na eksklusibong nakapanayam ng GMA Integrated News.
00:10Ang ilang kaanak na mga nawawala muling nananawagan sa gobyerno na tulungan sila sa pag-uusad ng kaso.
00:16Lagi una ka sa balita ni Emil Sumangil, Exclusive.
00:22Sana bago ako pumanaw, malaman ko kung nasaan ka.
00:27Mag-aapat na taon na mula ng dukutin mula sa kanyang bahay sa San Pablo, Laguna,
00:32si Ricardo John John Lasco, ang master agent ng online sabong na isa sa 34 na nawawalang sabongero.
00:40Unti-unting nabibigyan ng linaw kung anong nangyari sa kanya sa paglutang ni Alias Totoy,
00:45isa sa mga akusado.
00:46Ayon kay Alias Totoy, dinukot si Lasco para pigain tungkol sa kinalaman niya sa pagpirata umano ng online sabong broadcast.
00:56Kay Alias Totoy raw mismo ito pinatrabaho para raw dukutin si Lasco.
01:00Dalawang milyong piso ang ibinayad sa isang grupo na hindi niya muna pinangalanan.
01:04Hindi rin niya sinabi kung sino ang nagutos at nagbigay ng pera.
01:08Ako mismo ang nagbayad sa kanya ng una, 2 million para anuhin yun.
01:15Kulang ng 2 million sir, gawa ng maraming tao ang ginamit ko dito.
01:20May ipinakita rin sa amin si Alias Totoy na video umano ni Lasco habang hawak ng mga umano'y dumukot sa kanya.
01:27Pero dahil sensitibo, hindi na muna namin ito ipapakita.
01:32Nakausap sa telepono ng pamilya ni John John kasama ng iba pang pamilya ng mga nawawala si Alias Totoy.
01:37Saan ko lang malaman kung nasaan ang anak ko, kung anong ginawa nila.
01:42Sa totoo lang nay, wala na po tayong pag-asa na mabuhay pa ang anak niyo dahil wala na siya.
01:49Pasensya na kayo nay at masakit din para sa akin na mawalan din ang pamilya.
01:55Pero nay, ako ang susi ng lahat at makamit niyo ang mustesya.
01:59John, anak, ito na ang pagkakataon, dininig na ng Panginoon.
02:06Ang kadagtong ng buhay ko, anak, ang makikita ka pa kahit na buto na lang, tanggap ko na anak.
02:18Ito pong witness ito ay sa aming tingin ay credible.
02:21Sapagkat lahat ng informasyon na lalaman niya.
02:26May personal knowledge siya rito eh.
02:27Ito po ang inaantay nila eh.
02:30Pag hindi po kayo kumilis dito, ibang uusapan na naman po ito.
02:34Ang NBI at PNP.
02:36Handa raw umalalay para bigyang proteksyon si Alias Totoy.
02:39Ang PNP po, especially ang ating GPNP,
02:41ay siya po willing na siya po mismo ang pumunta doon.
02:44At alamin kung saan ba yung eksaktong sinasabi niya.
02:47Nauna nang ibinunyag ni Alias Totoy sa aming eksklusibong panayam na sa Taal Lake,
02:55inilibing ang mga nawawalang sabongero.
02:58Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Rebulia,
03:01kakailanganin ng mga eksperto para makumpirma ito.
03:05We will need tactical drivers to do it kasi malalim din yan eh.
03:08And it's not easy to go into a lakebed to look for human remains.
03:16Anya, bagaman hindi imposible ang kwento ni Alias Totoy,
03:20maingat daw nila itong pag-aaralan.
03:22Kung walang trace talaga, it can be a credible story.
03:25When you vanish without a trace, then it must be somewhere
03:27where people have not been able to look.
03:30Baka hindi na titignan pa yung lugar.
03:32Mahalaga raw makanap ang mga buto,
03:35hindi lang para mapausad ang kaso,
03:37kundi para rin sa mga kaanak.
03:40Panawagan ng pamilya ng mga nawawalang sabongero.
03:42General Torre,
03:45kayo na po ang pangwalong PNP chief
03:47na naupo mula nung pumutok ang kaso ng mga nawawalang sabongero.
03:51Kaya't kami nananawagan,
03:53kailan po kikilos ang PNP?
03:55Hinihiling po namin ang isang formal na case conference.
03:58Ginuong Pangulo,
03:58kami po ay naniniklohod sa inyo.
04:02Hindi po namin inaasahan ang milagro.
04:04Ang hinihiling lang po namin ay isang malasakit.
04:07Ang inyong pakiusapan ng mga ahensya
04:09na malimbuksan ang investigasyon.
04:12Sa 34 na nawawalang sabongero
04:14pagkawala pa lang ng pito,
04:16ang may kadikit na kaso
04:17na dinirinig sa dalawang korte
04:19sa Maynila at San Pablo, Laguna.
04:21At sa siyam na akusado para riyan,
04:23walang nakakulong.
04:26Nakabail yung iba.
04:27At yung iba naman ay hindi pa charged.
04:30Tsaka meron din mga andan-andyan pa rin
04:33sa paligid na alam mo na.
04:36Kinwestiyon pa nga ng anin sa Korte Suprema
04:39ang pagbaliktad ng Court of Appeals
04:41sa pagpayag ng lower court
04:42na makapagpiansa sila.
04:44Ang pagkawala naman ng 27 iba pa
04:47nasa proseso pa rin ng case build-up
04:49at magkatuwang ng iniimbestigahan
04:52ng NBI at PNP.
04:54Ito ang unang balita.
04:55Emil Sumagil para sa GMA Integrated News.
04:59Igan, mauna ka sa mga balita.
05:01Mag-subscribe na sa GMA Integrated News
05:04sa YouTube para sa iba-ibang ulat
05:06sa ating bansa.

Recommended