Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/18/2025
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Animang arestado dahil sa illegal quarrying sa isang compound sa Kalamba, Laguna.
00:05Paliwanag ng kanilang leader, hindi nila alam na wala palang permit ang pinagtatrabahuhan nila.
00:10May unang balita si John Consulta.
00:16Kasama Provincial Government Environment and Natural Resources Office at Mines and Geoscience Bureau ng DNR,
00:22pinasok ng NBI Environmental Criminal Investigation Division ang compound na ito sa Kalamba, Laguna.
00:28Umaandar pa ang isang bako ng abutan ng mga otoridad.
00:32Pagbaba ng driver, nakipagkamay pa ito sa lumapit na NBI agent.
00:36Pero ang inakalang meet and greet, mauuwi na pala sa kanilang pagkakaaresto.
00:41Nahaharang at aresto rin ang truck at driver na ito na may sakay na iligal na hinahakot na lupa.
00:47Ayon sa NBI, walang permit ang quarrying sa lugar na bawal kahit ito pa'y isang private property.
00:54Kung ito po'y ating huukayin, ating pagbibili, kailangan po ito ay may permit mula sa MGB o Mines and Geosciences Bureau,
01:03parang sa ganun ay masigurado po ating safe yung ating paghuukay.
01:08Dahil pwede po ang ating property na hinukay o mga lupa ay makapinsala sa ating kapaligiran o makadiskrasya ng ibang ari-arian.
01:20Ayon sa NBI, ginagawang panambak ng mga subdivisyon ang lupang kinukuha sa area nakatabi lang ng isang ipinasarang landfill.
01:28Paliwanag naman ang leader ng anim na inaresto.
01:31Hindi namin po alam sir na walang permit yun.
01:34Sa ngayon po ay na-increase po sila.
01:36Sila po ay kakasuhan natin ng violation ng section 103 of Philippine Mining Act or Republic Act 7942.
01:43Ito ang unang balita. John Consulta para sa GMA Integrated News.
01:49Igan, mauna ka sa mga balita. Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
01:58Igan, mauna ka sa mga balita.
01:59Intro
02:01You

Recommended