Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Bukod po sa EDSA Bus Carousel, posibleng na rin magkaroon ng busway ang ilang pang major roads sa Metro Manila.
00:07Kabilang po dyan ang Espanya Boulevard at Quezon Avenue.
00:10Ang ilang motorista may agam-agam naman sakaling matuloy ito.
00:14Balitang hatid ni EJ Gomez.
00:17Pinag-aaralan ngayon ng Department of Transportation o DOTR ang posibleng paglalagay ng bus rapid transit o busway model tulad ng sa EDSA
00:30sa iba pang malalaking kalsada sa Metro Manila gaya sa Quezon Avenue sa Quezon City at Espanya Boulevard sa Maynila.
00:37Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, layo ng pamahalaan na magkaroon ng maayos na sistema ang mga bus para sa mga commuter,
00:45lalo na sa mga estudyante sa mga naturang lugar.
00:48Pabor dyan ang delivery truck driver na si Limuel na dalawang oras bumabiyahe araw-araw mula sa Montalban, Rizal, papasok sa kanyang trabaho sa Quezon City.
00:57Di na raw siya mahihirapan sumakay kung may busway.
01:00Okay lang po sa mga commuter namin para mas mabilis at hindi sagabal yung mga bus sa kalsada.
01:07Masyado bukas yung traffic kapag ano eh, lalo na sa aming commuter, sagabal kami sa kalsada.
01:14Ayos lang din daw para sa commuter at delivery rider na si John Wayne ang planong busway sa Espanya Boulevard at Quezon Avenue.
01:21Yun nga lang, baka raw mas lalong tumindi ang traffic kung mababawasan ang lane para sa mga private vehicle.
01:27Okay naman po para may magandang daanan ng busway.
01:32Para hindi siya hassle pagka magko-commute kasi marami pong jeep, ganon.
01:37Hassle po pero kung sa rider po, hassle.
01:41Hassle po kasi makakainan ng isang linya.
01:44Pagka rusher kasi ma'am, ang daming nagsisiuwi yan kaya mata-traffic.
01:48Sabi naman ni Alberto at mga kasama niyang tricycle drivers na nakapila sa Welcome Rotonda,
01:52baka mawalan sila ng daanang malulusutan kapag nagkaroon ng busway.
01:57Pabor naman po kasi para sa kagaganda rin ng lugar yan eh.
02:03Ang problema, yung tricycle kung po pwede pa kami makalusot.
02:07Kasi yun lang naman ang way namin yung U-turn dyan eh.
02:10May ginagawa na raw feasibility study ang DOTR sa panukalang Espanya-Quezon Avenue busway system
02:16na inaasahang matatapos sa susunod na taon.
02:20EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.