Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Hindi nagpatinag si Sen. Bato de la Rosa sa mga kumukondina sa kanyang shinier na video ng mga estudyante na tutol sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:09Ang video, nilikha gamit ang artificial intelligence. Narito po ang aking report.
00:14Umanin ang samotsaring reaksyon ng i-repost ni Sen. Bato de la Rosa sa kanyang personal na Facebook page ang AI-generated video na ito na nagpapakita ng dalawang estudyante ng tutol sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
00:31Sabi ng Senador sa pag-share niya ng video, buti para o mga bata, nakakaintindi sa mga pangyayari, sabay banat na dapat makinig ang mga yelo o dilawan at mga komunista.
00:40It is obviously politically motivated. They want justice, but their justice is selective.
00:45Noong nakarang linggo, si Sen. de la Rosa ang nagsusulong ng pagpapalismi sa impeachment complaint sa Senate Impeachment Court laban sa Vice Presidente.
00:53Ayon sa isang eksperto, bagamat maganda ang pagkakagawa sa AI video, halatang deepfake ito.
00:59Tingyari yung mga tricycle, hindi siya Philippine tricycle eh. Philippine yung mga tuktuk sa Thailand eh.
01:04Yung audio track, dire-diretsyo. Pero yung video, butol-butol. Pansin mo, parang isang tao lang yung nagsasalita.
01:12Kung iso-zoom din sa logo ng uniforme ng estudyante, gibberish o wala itong ibig sabihin.
01:18Tila wala rin maintindihan sa mga nakasulat sa mga karatula sa paligid.
01:22Pero dahil pagaling pa ng pagaling ang AI, sa huli, sa mensahe pa rin daw mabubuko kung deepfake ang isang video o hindi.
01:29Mabilis rin itinaman ng mga netizen na AI-generated ang video at hindi ito totoo.
01:34Pero sa isang hiwalay na post, sinabi ni De La Rosa na wala siyang pakialam kung AI ito.
01:38Ang mahalagaan niya, ang mismong mensahe.
01:41At kahit flag na bilang false information ng kanyang nirepost, patuloy itong ipinagtanggol ng senador sa comment section ng kanyang post.
01:48Maaaring delikado mano ang ganitong reaksyon ng senador ayon sa isang AI expert.
01:52The proper thing to do would be to own up. Pero ang dati parang nag-double down pa eh. It doesn't matter kung AI or hindi.
02:00The important is the message. So talagang din-double down pa niya na ito talaga yung message na gusto niya.
02:06So I feel that that can be dangerous if people are not critical about the message.
02:13Sinubukan namin kuna ng payag ang senador pero ayon sa kanyang staff, ayaw muna niyang magbigay ng panayam.
02:19Ang vice presidente ipinagtanggol ang kanyang kaalyado.
02:22Wala naman problema siguro sa pag-share ng AI video in support sa akin.
02:31Basta hindi ginagawang negosyo.
02:33Kung baga if I were a social media account owner and gagawa ako ng AI to support a certain personality,
02:46walang problema doon kasi hindi ko naman siya ginagawang negosyo eh.
02:51Hindi ko naman binibenta sa mga tao yung produkto ko eh.
02:56Pero ang malakanya ang sinabing nakakawala ng tiwala ang aksyon ni Senador De La Rosa.
03:01Ang pag-share ng mga katulad na ganyan muli, disinformation, fake news,
03:08hindi po sana nanggagaling sa mga opisyal ng pamahalaan.
03:13Ang nakakaduda, mas nakakawala ng tiwala kung mismo sa matataas na opisyal,
03:22nanggagaling ang mga disinformation at fake news.
03:25Aminado ang mga eksperto, darating ang panahon,
03:28hindi na natin malalaman kung AI generated ang isang video o litrato.
03:32Kaya mahalaga raw na i-develop ang ating critical na pag-iisip.
03:35Dahil sa huli, nasa atin ang pagpapasya kung maniniwala tayo sa ating mga nakikita sa social media.
03:41Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended