Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/18/2025
DOJ, nagbabala sa parusang habang buhay na pagkakakulong sa mga mahuhuling gumagamit ng AI para sa online sexual abuse and exploitation sa bansa

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagbabala ang Department of Justice na maaharap sa panghabang buhay
00:04na pagkakakulong ang mga mahuling gumagamit ng Artificial Intelligence
00:09para sa online sexual abuse at exploitation sa mga minor de edad,
00:14si Harley Valvuenas sa report.
00:19Sarap maligo dito mga iho!
00:21Ebat Adan! Ebat Adan!
00:24Ilan lamang ito sa Artificial Intelligence o AI-generated videos na kumakalat ngayon sa social media.
00:32Wala namang masama rito.
00:34Magkakaproblema lamang kung hindi autorisado ang paggamit ng mga litrato o imahe ng mga pribadong individual
00:40na pinagkunan ng AI content.
00:43Mas malala pa kung gagamitin ito sa seksual o malalaswang material
00:49at kung mga minor de edad ang mabibiktima.
00:52Ang social media influencer na si Queen Hera
00:55hindi napigilan ang emosyon
00:58dahil sa umano'y paggamit sa mga litrato ng kanyang isang taong gulang na anak
01:02sa online pornography.
01:05Stop! Please mommy! Stop posting videos or kahit picture ng anak ko niyo.
01:11Nakita ko yung picture ng anak ko.
01:13Yung picture ng anak ko na sa website.
01:17Binibenta!
01:19Oh my God!
01:22Ang Komesyon ng Human Rights
01:24na babahala sa talamat pa rin kaso ng online child sexual abuse and exploitation sa bansa.
01:31Majority ng perpetrators ng itong offence nito ay kamag-anak ng mga bata.
01:36Yung iba magulang, yung iba relatives, yung iba yung kanilang guardians.
01:40Na-interview din namin yung mga bata, yung mga victims na ayaw nila na ipakulongin ba nila mga magulang.
01:46Babalak ng National Coordination Center Against Online Sexual Abuse or Exploitation of Children
01:52and Child Sexual Abuse or Exploitation Materials ng Department of Justice,
01:57ang paggamit sa imahe ng mga minordeedad sa AI-generated sexual content
02:01ay may kaukulang parusa na maaaring umabot hanggang sa habang buhay na pagkabilanggo.
02:08Pasok din dito, maging ang paggamit sa imahe ng adults o hindi na minordeedad
02:14ngunit minamanipula o binibihisa na parang bata.
02:18Kunwari may foto na hindi naman siya si Saem
02:22pero ginagawa ng gumagamit ng technology para ma-convert siya into si Saem
02:28ito ay labag din sa batas at may mataas din siya na parusa.
02:33Pwede din yung hindi siya bata, adult na siya pero pinaportray or dinidepict siya as a child.
02:42So for example, 20 years old pero pinagbihis ng infant, naka-diaper, yung mga ganun.
02:48So kinoconsider pa rin siya na child ng ating bata.
02:52Bukod dito, mataas din naman o ang convection rate sa Pilipinas
02:56pagdating sa osaik at si Saem cases.
03:00Taugnay dito, hinikayat ang mga biktima na lumapit sa mga tanggapan
03:04ng iba't-ibang law enforcement agencies na nakatutok sa osaik at si Saem cases
03:09tulad ng PNP at NBI at maaaring tumawag sa Makabata Helpline 1383.
03:17May payo din ang DOJ sa mga magulang.
03:20Siguro iwas na lang talaga tayong mag-post ng mga photos ng mga anak natin online.
03:28Although mahirap gawin kasi pag may mga cute moments tayo ng mga anak
03:33or mga relatives natin gusto natin i-post.
03:37Pero unfortunately ngayon yung teknolohiya ginagamit na rin
03:42para gumawa ng mga ganitong klaseng illegal activities.
03:47Harley Valvena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended