Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4 days ago
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Wala raw nakikita masama si Vice President Sara Duterte sa pag-share ni Sen. Ronald Batua de la Rosa
00:07na isang AI-generated video na bumabatikos sa impeachment.
00:11Ang Malacanang naman sinabing nakakawala ng tiwala kung mismo taga-gobyerno
00:16ang nagpapakalat ng disinformation online.
00:19May unang balita si Rafi Tima.
00:21Umanin ang samutsaring reaksyon ng i-re-post ni Sen. Bato de la Rosa sa kanyang personal na Facebook page
00:30ang AI-generated video na ito na nagpapakita ng dalawang istudyanteng tutol sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
00:37Sabi ng Senador sa pag-share niya ng video, buti para o mga bata, nakakaintindi sa mga pangyayari,
00:42sabay-banat na dapat makinig ang mga yelo o dilawan at mga komunista.
00:46It is obviously politically motivated. They want justice, but their justice is selective.
00:52Noong nakarang linggo, si Sen. de la Rosa ang nagsusulong ng pagpapadismi sa impeachment complaint
00:56sa Senate Impeachment Court laban sa Vice Presidente.
01:00Ayon sa isang eksperto, bagamat maganda ang pagkakagawa sa AI video, halatang deepfake ito.
01:05Tungyari, yung mga tricycle, hindi siya Philippine tricycle eh.
01:08Philippine yung mga tuktuk sa Thailand eh.
01:10Yung audio track, dire-direcho, pero yung video, butol-butol.
01:16Pansin mo, parang isang tao lang yung nagsasalita.
01:19Kung iso-zoom din sa logo ng uniforme ng estudyante, gibberish o wala itong ibig sabihin.
01:24Tila wala rin maintindihan sa mga nakasulat sa mga karatula sa paligid.
01:28Pero dahil pagaling pa ng pagaling ang AI, sa huli, sa mensahe pa rin daw mabubuko kung deepfake ang isang video o hindi.
01:35Mabilis rin itinaman ng mga netizen na AI-generated ang video at hindi ito totoo.
01:40Pero sa isang hiwalay na post, sinabi ni De La Rosa na wala siyang pakialam kung AI ito.
01:45Ang mahalagaan niya, ang mismong mensahe.
01:47At kahit flagged na bilang false information ng kanyang nirepost, patuloy itong ipinagtanggol ng senador sa comment section ng kanyang post.
01:54Maaring delikado man o ang ganitong reaksyon ng senador ayon sa isang AI expert.
01:58The proper thing to do would be to own up. Pero ang dating parang nag-double down pa eh.
02:03It doesn't matter kung AI or hindi. The important is the message.
02:08So talaga yung di-double down pa niya na ito talaga yung message na gusto niya.
02:12So I feel that that can be dangerous if people are not critical about the message.
02:20Sinubukan naming kunan ng payag ang senador pero ayon sa kanyang staff, ayaw muna niyang magbigay ng panayam.
02:25Ang vice-presidente ipinagtanggol ang kanyang kaalyado.
02:29Wala naman problema siguro sa pag-share ng AI video in support sa akin.
02:37Basta hindi ginagawang negosyo.
02:39Kung baga if I were a social media account owner and gagawa ako ng AI to support a certain personality,
02:53walang problema doon kasi hindi ko naman siya ginagawang negosyo eh.
02:58Hindi ko naman binibenta sa mga tao yung produkto ko eh.
03:03Pero ang malakanya ang sinabing nakakawala ng tiwala ang aksyon ni Senador De La Rosa.
03:07Ang pag-share ng mga katulad na ganyan muli, disinformation, fake news,
03:14hindi po sana nanggagaling sa mga opisyal ng pamahalaan.
03:21Nakakaduda, mas nakakawala ng tiwala kung mismo sa mga tatas na opisyal,
03:28nanggagaling ang mga disinformation at fake news.
03:32Aminado ang mga eksperto, darating ang panahon,
03:35hindi na natin malalaman kung AI generated ang isang video o litrato.
03:39Kaya mahalaga raw na i-develop ang ating kritikal na pag-iisip.
03:42Dahil sa huli, nasa atin ang pagpapasya kung maniniwala tayo sa ating mga nakikita sa social media.
03:49Ito ang unang balita.
03:50Rafi Tima para sa GMA Integrated News.
03:53Igan, mauna ka sa mga balita.
03:55Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
03:58para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
04:01Igan, mauna ka sa mga balita.

Recommended