- yesterday
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Sama-sama tayong magiging sa kakili!
00:16Bumaba ang angkas ng motosiklo at sinugod na isang lalaking nasa gilid ng sasakyan sa Hagonoy Davao Dasur.
00:23Agad tumakbo papasok ng gusali ang biktima, habang tumakbo naman palayo ang hindi pa nakikilalang sa larin.
00:30Basta sa investigasyon.
00:38Tinangkang barili ng biktima na konsihal sa Davao Dasur pero hindi pumutok ang baril.
00:43Sabi ng konsihal sa isang post, wala siyang kalaban at itituturing daw niyang pangalawang buhay na ito matapos makaligtas sa tangkang pamamariin.
00:51Ipapainhance naman daw ng polisya ang CCTV para makatulong sa investigasyon.
01:00Bago sa saksi, hostisya ang sigaw na pamilya na isang OFW na natagpo ang patay sa desyerto sa Saudi Arabia.
01:11Biktima umano ang OFW ng hit and run.
01:14Saksi, si Jonathan Andal.
01:16Noong June 11 pa, hinahanap sa Riyad, Saudi Arabia ang 30-anyos na OFW si Juljiri Agong.
01:28Pero makalipas ang apat na araw, natagpuan siyang patay na sa desyerto.
01:32Ginoldap daw, tapos ginapunta sa desyerto.
01:39Tapos isang kwento, natagasaan lang daw, hindi daw ginoldap.
01:44Eh sabi ko, pag hindi hinoldap, nasaan yung gamit niya, cellphone niya, pera niya, at saka maaginto na ipapadala sana sa nanay niya.
01:54Pero hindi raw hinoldap si Agong batay sa report ng Saudi authorities na ipinasa sa Pilipinas.
01:59Na hit and run siya ng kotse, no? So, and that caused fatal injuries.
02:04Yung reported incident is June 11, approximately around 12.31pm,
02:11habang tumatawid sa King Salman Eastbound Road at a non-designated pedestrian crossing.
02:16So, yun ang natanggap namin.
02:18And siguro sa ngayon, hindi ko muna bibigay yung detalye, but the vehicle was identified,
02:23the plate number was identified, including the concerned driver.
02:29Sisikapin daw ng OWA na makakuha ng kopya ng CCTV ng insidente.
02:34Meron din daw silang abogado sa Riyad na tutulong sa kaso.
02:37Hustisya lang po.
02:39Yan lang po yung kaniwagan na namin.
02:42Hindi po ito pwedeng maging kwento lang na walang hustisya.
02:48Marami pa po tayong mga kapapayan doon.
02:50Pag hindi po ito in action, sigurado may susunod pa.
02:53We stand ready to pursue yung kasol and makamit yung hustisya.
02:58The Saudi police are investigating the case if there's possible foul play.
03:03Panganay sa magkakapatid si Agong, Tagahulo, Sulu.
03:06Kalahating taon pa lang siya sa Riyad bilang Office and Facility Cleaning Laborer.
03:11Sa ngayon, ang desisyon daw ng pamilya.
03:14Doon na sa Riyad ilibing si Agong alinsunod sa tradisyon ng mga Muslim.
03:17Nangako naman ang gobyerno ng tulong, kabilang na ang financial assistance mula sa OWA at DMW.
03:23Para sa GMA Integrated News, ako si Jonathan Andan, ang inyong saksi.
03:29Sa susunod na linggo, posibeng ilabas ang resolusyon ng LTFRB sa petisyong taas pasahe sa jeep.
03:36At kung sakali, piso ang maaring dagdag pasahe, ngayong tumataas ang presyo ng langis
03:41dahil sa sigalot ng Iran at Israel.
03:45Saksi, si Joseph Moro.
03:47Pinakamataas na taas presyo para sa buong taon ng 1 peso and 80 centavos
03:55na dagdag presyo sa kada litro ng gasolina na ipinatupad ngayong araw.
04:00Ganyan din kalaki ang taas presyo sa kada litro ng diesel.
04:03E ang jeepney driver na si Julius Umaaray.
04:07Bawas ang kita ng driver. Habang tumataas ang diesel, yung kita ng driver lumilid.
04:11Yakong siya raw ang tatanungin panahon na para magtaas ng pamasahe.
04:15May mga petisyon na nakahain ngayon sa LTFRB para sa taas pasahe galing sa mga pampublikong transportasyon.
04:22At ayon sa LTFRB, ang petisyon galing sa mga jeep ang maaari nilang pagbigyan.
04:281 peso across the board. Pero that's all.
04:32Wala yung 1, yung per kilometer na increase.
04:35Flat rate lang muna.
04:37Masyado nang mabigat sa mga consumers.
04:39We may have a provisional increase but subject to certain conditions.
04:44Ang presyo ng gasolina is so much which is 80 pay, 80 dollars per barrel of the Dubai oil.
04:50Pusibleng ilabas ang resolusyon sa susunod na linggo.
04:54Maaari rin payagan ng LTFRB ang hiling ng mga provincial bus para sa dagdag singil.
04:59Pero humihingi pa sila ng komputasyon sa mga ito.
05:02Pusibli hong itaas namin but unigraduated rate for first 10 kilometers and then subsequently meron po kami ilalagay ulit na price for the subsequent kilometers.
05:17Wala namang dedesisyonan sa mga bus sa Metro Manila dahil niatras nila ang kanilang hiling.
05:22There's a stiff competition of the rail MRT, LRT.
05:26We have the modernized jeepneys and the motorcycle taxi.
05:32The impact may be that if they increase the price of the fare, baka wala nang sumakay sa kanila.
05:40Ayon sa Department of Energy, ang sigalot sa pagitan ng bansang Israel at Iran sa Middle East ang isa sa nakikita ng dahilan ng pagsirit ng presyo ng petrolyo.
05:50Nagdudulot daw ito ng pangamba sa mga nagbebenta ng krudo sa world market.
05:54Noong isang linggo, tumaas ng 6 hanggang 7 dollars per barrel ang presyo ng gasolina at diesel.
05:59Mayroon ako talagang kinalaman sa nangyaring gulo since June 13 and even before that.
06:07To date, speculative po ang mga increases na ito.
06:10Dagdag ni Abad dahil sa patuloy na tensyon, maaaring magkaroon muli ng pagtaas sa presyo ng langis sa susunod na linggo.
06:17We hope na mas mababa ang mga increases kahit may increase.
06:21At lalong bababa sa mga following weeks na or otherwise baka nga mag-correct na ang market at mag-decrease naman.
06:32Ayon sa Malacanang, pinatututukan ng Pangulo ang sitwasyon sa Middle East at efekto nito sa presyo ng langis.
06:38I-monitor pong mabuti kung anong sitwasyon para po makapagbigay ng agarang ding solusyon at kahit papano po ay ayuda kung talaga pong sobrang tataas ang presyo ng krudo.
06:52Ang DOE naman, umapila sa mga kumpanya ng langis na kung may biglaan at malaki ng pagtaas ng presyo ng crude oil, ay utay-utayin naman ang pagpasa nito sa mga consumer.
07:01Nakahanda rin ang pamahalaan na magpalabas ng 2.5 billion pesos na fuel subsidy para sa mga public utility vehicle, taxi, ride hailing services at delivery platform sa buong bansa.
07:13Kung mag-increase ang price at hindi po namin na-anticipate yan na within one week or within two weeks na talagang lalampas na siya sa $80 per barrel,
07:22nag-trigger po yan na kailangan may fuel subsidy tayo or anumang ayuda.
07:27Sana namin, kung may increase nga na sobrang sobrang ako, pwede nalang i-delay lang, i-stutter lang.
07:32Pero isa din, more than that, ako ang appeal lang sana ng DOE.
07:37Pigyan nyo naman ng konting discount or konting advantage ang mga PUVs natin.
07:46Para sa GMA Integrated News, ako si Joseph Morong ang inyong saksi.
07:50Nananatili pa rin sa Israel ang 17 Philippine government official na inibitahan ng gobyerno ng Israel bilang official guests doon.
08:00Ayon po yan kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega.
08:03Ang ating embahada sa Tel Aviv ay kasalukuyan ng nakikipag-ugnayan sa mga Israeli para ligtas silang makauwi sa bansa.
08:12Balak po ng Transportation Department, nagayahin ang EDSA busway model sa rutang Espanya patungong Quezon Avenue.
08:23Ayon kay Secretary Vince Dizon, may kakulangan ng bus sa mga naturang lansangan, lalo na para sa mga estudyante.
08:29Sasagawa raw sila ng feasibility study na inaasa matatapos sa susunod na taon.
08:35Kung piyansa naman si Dizon na bago matapos ang termino ni Panguno Marcos, ay may dalawa hanggang tatlong operational stations na sa Metro Manila Subway Project.
08:45Nalutas na raw ang tatlo sa limang major right-of-way issues habang nire-resolva ang dalawa pa.
08:51Nakatanggap na rin daw ang kagawara na hanggang tatlong panukala para sa planong Integrated Terminal Exchange sa Northern Metro Manila na tinatayang matatapos sa 2028.
09:03Nagbabala si PNP Chief, Police General Nicolás Torre III sa mga polis na overweight o sobra sa timbang.
09:17Pwede raw silang tanggalin sa servisyo kapag hindi sila pumaya?
09:21Yan ang pinusuhan sa Barangay Saksi ni Marisol Abdurama.
09:25Sa pag-upo bilang PNP Chief ni Police General Nicolás Torre III, isa sa mga unan niyang direktiba sa mga polis, dapat physically fit.
09:38Ibig sabihin, hindi dapat malaki ang tiyan.
09:40Kasi kung ang role nga naman ng polis ay tawag dito ay tumakbo, ay paano ka nga naman makakatakbo kung halos hindi mo na mabit-bit yung sarili mo.
09:50Dapat daw ay pasado sa kanilang annual physical fitness test o PFT.
09:55Nasa panuntunan din ang PNP na kapag hindi nakapasa ng dalawang beses sa PFT, makaka-apekto sa promosyon.
10:02Halos pumuputok na yung uniforme, yung physical appearance would somehow make an impression, anong klaseng polis tayo.
10:09So dapat, dun pa lang sa physical appearance ng polis, nakikita na kaagad yung disiplina.
10:16Muli itong binigyan din ni Torre sa panayam sa kanya ng Super Radio DZWB, ang hindi raw makakasunod matatanggal sa pwesto.
10:24After one year, who's here? May separation from service.
10:26Pero sa ngayon, ang standing policy, pag hindi ka nakapagbaba ng timbang, based to the standard na dapat ay timbang mo, tanggal ka sa servisyo pag hindi ka nakasunod.
10:36Sa ilalim ng RA-6975 o DI-LD Act of 1990, hindi dapat lalampas o bababa ng limang kilos itinat ng standard weight ang mga polis, na basis sa kanyang height, edad at kasarian.
10:49Para naman sa mga polis na may medical condition, sinabi ni Torre na maaari silang maharap sa complete disability discharge, hindi kaya ay maaari silang ilipat sa administrative work.
11:00Hindi natin siya dadalhin sa administrative work or whatever.
11:03Um, well, we'll consult with an applecombegarden that matter. Pwede naman, pwede naman ako niyo.
11:10Tinanong namin ang mga kapuso online kung pabor silang matanggal sa pwesto ang mga overweight na polis.
11:16Sagot ng isa, dapat. Dahil kung sa training pa lang daw ay kailangang physically fit na, mas dapat daw ito kapag nasa servisyo na.
11:24Ang sabi naman ng isa, imbis na tanggalin sa tungkulin, ay huwag na lang siyang payagang mag-duty para hindi maswelduhan.
11:31Pwede rin daw na i-assign nilang ang mga overweight na polis sa mga trabahong hindi nakikipaghabulan o di kaya ay sa opisina.
11:38Ang dapat daw tanggalin ay ang mga sangkot sa iligal na droga o krimen.
11:41Hindi naman pabor ang isa pa dahil kahit overweight daw ang isang polis, pero tapat at nagagampan na naman ang tungkulin ay bakit kailangan tanggalin.
11:51Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, ang inyong saksi.
11:58Dalawang provincial director naman ang inalis sa pwesto, matapos silang hindi makasunod sa 5-minute response time ng PNP.
12:05Hindi tinupo ni PNP Chief Police General Nicolás Torre III kung saan nakadestino ang dalawang opisyal.
12:14Bago yan, inanunsyo ng PNP Chief na walong chief of police sa Metro Manila ang tinanggal sa pwesto dahil sa hindi nasunod na direktiba.
12:23Pinapaubayan ni Torre sa mga regional director na gawing nationwide ang polisiya.
12:28Nagamok ang isang Chinese National sa gitna ng operasyon ng NBI para hulihin ang kasama niya sa Paranaque.
12:37Sinuntok pa ng Chinese National ang isang ahente ng NBI.
12:43Saksi, si John Consulta, exclusive.
12:45Sa gusaling ito sa Paranaque City, naka-order ng mga tauan ng NBI Criminal Intelligence Division ang target nilang Chinese National.
12:57Sumbong kasi ng isang complainant sa NBI, hindi umuro binibigay sa kanya ng suspect ang kanyang pasaporte at pinatutubos pa ito.
13:04Passport na ayawisole and the passport will be returned for a fee.
13:12Kaya nagpunta kami dun, in an entrapment operation, naghanda kami ng pera, na mark para ibayad and then after nun, ang plano, hulihin.
13:24Pero sa gitna ng pag-aresto,
13:26Biglang sinuntok ng kasama nitong Chinese ang nakabuting NBI agent na gawa pang mag-amo ng Chinese National.
13:38Pahirap ka na magposa sa kanya, pero sa huli ay nasukul din at dinila ang dalawang dayuhan sa tanggapan ng NBI.
13:45Nagulat kami, lumaban, nanakit ng mga agents natin.
13:49Very bothering yung ginawa ng ano na yan, ang ginawa ng isang suspect na yan na lumaban sa mga otoridad.
13:54Kasi parang hindi niya na kinatatakutan ng local authorities.
14:00Hindi na sila natakot kahit alam na nilang otoridad.
14:03It took at least three men to subdue the said person.
14:09Pero kung unarmed, talagang you will practice maximum tolerance din pagdating sa kanya.
14:14Hulihin mo talaga.
14:15Kaya nga tatlong agents dyan na nasaktan.
14:18Tumanggi magbigay ng pahayag ang dalawa na naharap sa patong-patong na reklamo.
14:22Ang violation ng robbery extortion, unong-unong may complainan tayo dyan.
14:27Yung direct assault, incorporated na doon sila.
14:31Para sa GMA Integrated News, ako si John Consulta, ang inyong saksi.
14:36Pinangalanan na ang mga magiging abogado para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
14:43At ang tagapagsalita naman na House Prosecution Panel, sinabing may posibleng may grave abuse of discretion sa utos ng Senado na ibalik ang Articles of Impeachment sa Kamara.
14:54Saksi, si Tina Panganiban Perez.
14:57Noong 2000 hanggang 2001, sa impeachment trial, ninooy Pangulong Joseph Estrada, isa sa mga tumayong abogado niya, si Atty. Siegfried Fortun.
15:11Mahigit dalawang dekada pagkatapos niya, muling haharap sa impeachment court si Fortun bilang abogado naman ni Vice President Sara Duterte.
15:20Pangungunahan niya ang mga abogado mulang sa Fortun, Narvaza, and Salazar Law Firm na tatayong defense team ng Vice, batay sa entry of appearance sa impeachment court.
15:31Ilang high-profile case ang hinawakan ni Fortun, gaya ng Maguindanao Massacre at Kurotong Baleleng Case.
15:37Kasama rin sa defense team ang co-founder ng law firm na si Atty. Gregorio Narvaza II.
15:43Anak ni dating Supreme Court Chief Justice Andres Narvaza, nabahagi rin ang defense counsel noon sa impeachment trial ni ERAP.
15:52Kabilang did sa defense team ni Vice President Duterte, si Atty. Michael Powa, dating tagapagsalita ng OVP.
16:00Sa ngayon, di pa malinaw kung kailan magsisimula ang impeachment trial dahil sa pagpapabalik ng Articles of Impeachment sa Kamara.
16:07Ayon kay Senate Minority Leader Coco Pimentel, na isa sa mga bumoto kontra rito, nagdudulot lang ang utos na mga kwestiyong legal.
16:17Pero kung siya raw ang tatanungin, dapat huwag na magkaso sa Korte Suprema na para ba itong consultant dahihintayin pa kung ano ang opinion nito?
16:26Ano ma-achieve noon? Ano lang? Baka bumalik pa sa Step 1? Di ba?
16:32Hindi natin alam. So huwag na, pabayaan na lang yan.
16:34Tapos by July 29, 30, 31, August 1 yan, pwede na, pwede na mag-trial yan.
16:45Kasi ang incoming Senate, di nila pwedeng gamitin ngayon ang excuse na mayroon pa silang rin-rush na mga priority loss.
16:57Kasi ano pa yan eh? Filing pa lang yan.
17:00Ayon sa bagong talagang tagapagsalita ng House Prosecution Panel na si Atty. Antonio O. Di Bukoy,
17:06may tuturing na grave abuse of discretion ang ginawa ng Senado.
17:10Ako po ay sumasang-ayon sa sinabi ni Chief Justice Renato Puno.
17:17Sapagkat ang mga naging actuation and ruling ni Senate President Chis Escudero
17:28as the presiding officer of the impeachment court, ay wala ho sa saligang batas yan.
17:36Kagaya po ng pag-remant, ang limitasyon ay ang ating saligang batas.
17:40At ang kanilang sariling impeachment polls.
17:45Hindi po pwedeng, porque you are sui generis, pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo.
17:51Kinukunan pa namin ang pahayag si Escudero.
17:54Ayon sa tagapagsalita ng House Prosecution Panel,
17:57sa mga susunod na araw ay maghahayin ang mga prosecutor sa Senate Impeachment Court
18:02na mga motion at manifestation.
18:05Tiniyak niyang hindi ito magiging sanhinang delay sa impeachment proceedings.
18:10Ilan na rin ang pumuna sa unay pagkiling ng ilang Sen. Judges sa BSE.
18:15Hihingin ba ng prosecution panel na mag-inhibit ang mga ito mula sa impeachment trial?
18:20Pinag-uusapan po yan.
18:23Subalit, kung ito ay magiging dahilan para maantala, siguro isang tabi na lang yan.
18:32Anyway, ilalahad ang ebidensya, ipapakita sa mga hukom, makikita ng publiko,
18:41nasa sa kanila yan.
18:42Kung kahit na malakas ang ebidensya, mag-aakuit pa rin sila, sinong uhusga?
18:47Ang bayan.
18:47Nauna ng sinabi ni Vice President Sara na bigyan ng benefit of the doubt
18:52ang mga Sen. Judge na gagawin nila ng tama ang kanilang trabaho.
18:56Kung may mag-inhibit man, Anya, dapat kasama lahat ng pabor, pati kontra sa kanya.
19:02Special mention nga si Sen. Risa Ontiveros.
19:05Kung gano'n ang ating basihan sa inhibisyon, ay dapat din natin ipainhibit ang mga Senators na meron ding bias against Sara Duterte.
19:19Tulad na lang ni Sen. Risa Ontiveros.
19:21Tugon diyan ni Sen. Ontiveros.
19:24Ebidensya ang titignan niya bilang Sen. Judge.
19:27Noong nanumpa kami bilang Sen. Judge, naging tungkuli namin sa Senado na suriin at bumoto ayon sa bigat ng ebidensya,
19:38kakampiman o kritiko ng pangalawang Pangulo.
19:41Sinusunod ko po ang tungkuli na iyan at inaasahan ko rin ito sa ibang Senador.
19:47Sabi ni Pimentel, magiging paborable pa kay Vice President Duterte kung may mag-inhibit na Sen. Judge.
19:54Kailangan kasi ng two-thirds o labing-anim na senador na magsabing guilty ang vice bago siya makonvi.
20:01Binibilang natin dito yung sinasabi yung salitang guilty, yun po ang bibilangin.
20:06Hindi binibilang yung nagsabing not guilty, hindi importante yun.
20:11Para sa GMA Integrated News, ako si Tina Panganiban Perez, ang inyong saksi.
20:17Inularan po na si Sen. Bato de la Rosa kasunod ng kanyang pagbahagi na isang video
20:29na AI-generated kaguna na impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
20:34Pero depensa niya, AI man o hindi, mas mahalagaan niya ang mensaheng nilalaman nito.
20:41Saksi, si Rafi Tima.
20:47Umanin ang samutsaring reaksyon ng i-re-post ni Sen. Bato de la Rosa sa kanyang personal na Facebook page
20:52ang AI-generated video na ito na nagpapakita ng dalawang istudyanteng tutol sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
20:59Sabi ng senador sa pag-share niya ng video,
21:01buti para o mga bata, nakakaintindi sa mga pangyayari,
21:04sabay banat na dapat makinig ang mga yelo o dilawan at mga komunista.
21:08This is obviously politically motivated. They want justice, but their justice is selective.
21:13Noong nakarang linggo, si Senador de la Rosa ang nagsusulong ng pagpapadismi sa impeachment complaint
21:18sa Senate Impeachment Court laban sa Vice Presidente.
21:22Ayon sa isang eksperto, bagamat magandang pagkakagawa sa AI video, halatang deepfake ito.
21:27Tungyari, yung mga tricycle, hindi siya Philippine tricycle eh.
21:30Philippine yung mga tuktuk sa Thailand eh.
21:32Yung audio track, dire-diretsyo. Pero yung video, butol-butol.
21:38Pagsin mo, parang isang tao lang yung magkasalita.
21:40Kung isu-zoom din sa logo ng uniforme ng estudyante, gibberish o wala itong ibig sabihin.
21:46Tila wala rin maintindihan sa mga nakasulat sa mga karatula sa paligid.
21:50Pero dahil pagaling pa ng pagaling ang AI, sa huli, sa mensahe pa rin daw mabubuko kung deepfake ang isang video o hindi.
21:57Mabilis rin itinaman ng mga netizen na AI-generated ang video at hindi ito totoo.
22:02Pero sa isang hiwalay na post, sinabi ni De La Rosa na wala siyang pakialam kung AI ito.
22:07Ang mahalagaan niya, ang mismong mensahe.
22:09At kahit flag na bilang false information ng kanyang nire-post, patuloy ito ipinagtanggol ng senador sa comment section ng kanyang post.
22:16Maaring delikado mano ang ganitong reaksyon ng senador ayon sa isang AI expert.
22:20The proper thing to do would be to own up. Pero ang dating parang nag-double down pa eh.
22:25It doesn't matter kung AI or any of the important is the message.
22:30So talagang di-double down pa niya na ito talaga yung message na gusto niya.
22:34So I feel that that can be dangerous just if people are not critical about the message.
22:42Sinubukan naming kunan ng payag ang senador pero ayon sa kanyang staff, ayaw muna niyang magbigay ng panayam.
22:47Ang DC Presidente ipinagtanggol ang kanyang kaalyado.
22:50Wala naman problema siguro sa pag-share ng AI video in support sa akin.
22:59Basta hindi ginagawang negosyo.
23:01Kung baga if I were a social media account owner and gagawa ako ng AI to support a certain personality,
23:15walang problema doon kasi hindi ko naman siya ginagawang negosyo eh.
23:19Hindi ko naman binibenta sa mga tao yung produkto ko eh.
23:25Pero ang Malacanang sinabing nakakawala ng tiwala ang aksyon ni Senador De La Rosa.
23:29Ang pag-share ng mga katulad na ganyan muli, disinformation, fake news, hindi po sana nanggagaling sa mga opisyal ng pamahalaan.
23:42Nakakaduda, mas nakakawala ng tiwala kung mismo sa mga tataas na opisyal nanggagaling ang mga disinformation at fake news.
23:53Aminado ang mga eksperto, darating ang panahon, hindi na natin malalaman kung AI generated ang isang video o litrato.
24:01Kaya mahalaga raw na i-develop ang ating kritikal na pag-iisip.
24:04Dahil sa huli, nasa atin ang pagpapasya kung maniniwala tayo sa ating mga nakikita sa social media.
24:10Para sa GMI Integrated News, Rafi Tima ang inyong saksi.
24:14Sangda ang Chinese national na nahuli sa mga Pogo Scam Hub sa bansa at pinadeport sa China.
24:22Mismong China ang nagbayad sa mga pamasahin nila para diretsong China ang deportees at wala ng layovers.
24:29Pero may panawagan ang mga mahal nila sa buhay na may iiwan sa Pilipinas.
24:34Bigyan po sila ng chance. Kung wala naman po mga case na kasangkot na mga illegal gun mo, bigyan po ng chance na mapalayaw po.
24:47Operasyon ng MRT-3 na antala kaninang umaga dahil sa nasunog na kable sa pagitan ng Cubao at Santolan Southbound Stations.
24:55Ayon sa pamunuan ng MRT-3, pinahinto ang lahat ng biyahe sa pinakamalapit na station platform bilang bahagi ng safety precaution.
25:04Na ibalik naman ang operasyon ng MRT-3 pasado alas 8 ng umaga.
25:08Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa nangyari.
25:12Dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Tevez Jr. isinugod sa ospital matapos makaranas sa matinding pananakit ng tiyan.
25:21Ayon sa kanyang abogado, kailangan sumailalim sa isang major surgery si Tevez at inirekomenda raw ng kanyang doktor na ilipat siya sa isang pribadong ospital.
25:30Na ipagbigay alam na raw nila ito sa mga korte kung saan may mga nakabingbing kaso si Tevez.
25:36Ayon sa isang source, sasa ilalim sa emergency appendectomy ang dating kongresista.
25:41Para sa GMA Integrated News, ako si Salimara Fran, ang inyong saksi.
25:45Payu-turn sana ang bus na ito sa Santa Barbara sa Iloilo nang biglang mabangga ang likod nito ng isang AUV.
25:56At sa lakas na impact, wasak ang harapang bahagi ng AUV na may sakay na pasahero.
26:02Walang nasugatan sa insidente.
26:04At tumagi namang magbigay na payag ang dalawang driver.
26:07Pinuri na mga manunood ang pilot episode ng Encantadia Chronicles Sangre.
26:19Ang sabi pa ng ibang fans, unang five minutes pa lang, aba.
26:22Ibang klaseng visuals na agad ang naipakita.
26:26Marami rin na pawaw sa transition.
26:29At na-excite sa paglabas ng mga minahal na sangre.
26:33Si Elena Gabby Garcia nagbahag na ilang behind the scenes ng taping.
26:38At nag-share din ng mga larawan sa set si Perenag Liza De Castro.
26:42Proud na proud naman si Ruro Madrid sa girlfriend na si Bianca Umali na gumaganap bilang si Tera.
26:48Nakita rin niya ang sakripisyo ng aktres para sa sangre.
26:52Kinilala po sa ika-45 anibesaryo ng Commission on Filipinos Overseas,
26:58ang kontribusyon ng mga Pilipino abroad.
27:01Pinasalamatan ng CFO ang kanilang ambag hindi lang po sa remittances,
27:06kuni maging sa cultural aspect.
27:09Kabilang sa ginawana ng Partner Appreciation Award,
27:12ang GMA International sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV.
27:21Nilamon apoy ang isang top-down motorcycle habang nasa gitna ng kalsada sa Sorsogon City.
27:27Agad itong binuhusin ng tubig ng mga responding individual at otoridad.
27:34Base sa inisyal na informasyon,
27:37buminto ito sa intersection.
27:40At nang paanda rin,
27:41ay doon na umanulag simulang magliyab.
27:45Nakaligtas ang rider na nagtamo ng mga gasgas sa paa.
27:49Ang mga itatampok po namin fur baby,
27:59potunay,
28:01na ang mga aso ay talaga namang man's best friend.
28:04Kasangga po natin sa saya at maging sa mga pagsubok.
28:09Kilala rin po sila sa pagsaksi ni Oscar Oida.
28:12Kung dog-showan lang naman ang labanan,
28:16abay,
28:17ginjan ang mga asong amin na kilala.
28:20Ang aspi na si Moy,
28:22tila shy-type pa sa una.
28:24Ba't ka naihiyak?
28:28Ba't ka naihiyak?
28:30Pero palaban pala sa pogandahan.
28:34Kilay is life ang moto at ang blush on pak na pak.
28:40Kwento ng uploader ng video,
28:43bibisitahin lang daw sana niya ang mga rescue pet
28:46na nakakonfine sa klinik
28:48nang maisipan niyang make-upan si Moy
28:50na tila mapangusgaraw tumingin.
28:54Tis, ganda raw ang peg ni Moy.
28:58Ito naman isa nating fur baby.
29:00May bias na fur parent.
29:03Super sweet.
29:04Pero when it's daddy's turn,
29:11Naku po!
29:12Hayaw!
29:19Si Mochi,
29:21certified mommy's girl.
29:22Pero pag wala naman daw si mommy,
29:26daddy's girl din si Mochi.
29:28Kaya rin naman palang i-kiss si daddy.
29:31Ito namang po,
29:32dahil sa Spain,
29:34may mabigat na responsibilidad.
29:37Ang pagiging miyembro
29:38ng Lifeguard Service Rescue.
29:41Kadalas ang mga Labrador at Newfoundland
29:44ang kinukuhang breed sa Beach Rescue Squad.
29:49Pero huwag ismolin ang 2-year-old standard poodle
29:53na si Nilo.
29:55Di man karaniwan,
29:56kayang-kaya naman niya ito
29:58dahil sa kakayahan at dedikasyon nito
30:00na kitang-kita sa training pa lang.
30:04Makakasanggan nila ang kanilang mga human handlers
30:06sa pagligtas ng mga nanganganib sa dagat.
30:10Kilala ang mga poodle sa pagiging matalino
30:12at kung pagbabasihan ang kasaysayan,
30:15kaya rin talaga ng mga poodle
30:17na tumulong sa water rescue.
30:20Para sa GMA Integrated News,
30:22ako si Oscar Oydang,
30:24inyong saksi!
30:25Salamat po sa inyong pagsaksi!
30:28Ako si Pia Arcangel
30:30para sa mas malaki misyon
30:32at sa mas malawa
30:33ng paglilingkod sa bayan.
30:36Mula sa GMA Integrated News,
30:38ang news authority ng Pilipino.
30:40Hanggang bukas,
30:42sama-sama po tayong magiging
30:43Saksi!
30:44Mga kapuso,
30:50maging una sa saksi!
30:51Mag-subscribe sa GMA Integrated News
30:53sa YouTube
30:54para sa ibat-ibang balita.
Recommended
29:14
35:56
34:15
17:48
26:10
20:05
38:14
30:41
38:05
35:40
39:43
36:25
38:43
37:27
17:07
38:36
34:46
39:27
39:09
29:01
30:01