Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/17/2025
Hindi lang kakulangan sa classroom ang problema sa mga paaralan. Tinutugunan din ang isyu ng pambu-bully gaya ng dinanas ng isang grade seven student sa Mangaldan, Pangasinan sa unang araw pa lang ng klase. May report si Marisol Abdurahman.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Hindi lang kakulangan sa classroom ang problema sa mga paaralan.
00:04Tinutugunan din ang issue ng pambubuli,
00:07gaya ng dinanas ng isang grade 7 student sa Mangaldan, Pangasinan,
00:11sa unang araw pa lang ng pasukan.
00:13May report si Marisol Abduraman.
00:18Estudyante man o guro,
00:20tiis-tiis sa Kulob sa Kalubkob Elementary School sa Naikavite.
00:24Diro nga ng mga guro roon.
00:26Hinga lang ang pwedeng gawin, bawal kumilos.
00:29Dalawa lang kasi ang standard size classroom ng paaralan may mahigit isan libo at walong daang isudyante.
00:35Sobrang sikit po dito sa school.
00:38Hindi po kayo makadaan na maayos.
00:41Ang isang silid, hinati ng blackboard para mapagkasya ang dalawang klase.
00:46Sa isang makeshift classroom, 64 na grade 4 students ang pinagkasya.
00:5170 naman ang nagsisiksikan sa kabila.
00:54Ang roon ng grade 6 class, halos nakadikit na sa blackboard.
00:57Halos lumabas naman na ng tintuan ang upuan ng iba.
01:01Halimbawa po, ang aming topic ay sa dance.
01:04Hindi ko rin po maituro sa kanila.
01:05Video na lang din po kasi wala nga po kaming space.
01:09Ang kindergarten to grade 3 naman.
01:11Nagsisiksikan sa ilang bakanting housing units sa kalapit na pabahe ng gobyerno.
01:16May dalawang school building namang itinayo na ayon sa mga guro ay 2023 pa na umpisahan.
01:22Pukod sa problema sa classroom, isa rin sa mga sinusolusyonan ang isyo ng bullying,
01:27gaya ng dinanas umano ng grade 7 students sa Mangaldan, Pangasinan.
01:31Napasuko ng kanyang ina sa paaralan.
01:33Matapos umuwing may pasa sa mata ang 12 anos niyang anak kahapon.
01:37Durog na durog ako.
01:38Siyempre, excited siyang pumasok ma'am.
01:40Tapos ilang oras pa lang niya dito sa loob ng school.
01:44Ganon ang nangyari.
01:45Kwento ng ina, nagsimula ito sa pang-aasar ng kaklase.
01:49Tumawag pa raw ang kaklase ng tagaibang seksyon at isa sa kanila ang sumuntok sa biktima.
01:54Takot na pong pumasok.
01:55Sinabi ko po sa kanya na ano, huwag po siyang matakot.
01:59Babantayan po namin siya kung maaaring.
02:02Ang paaralan, hindi raw kinukonsinti ang pambubuli na kanila nang iniimbestigahan.
02:08Ipinatawag na ang mga magulang ng mga sangkot na estudyante.
02:11Nire-report po yan sa guidance office at sila po yung nagbibigay ng counseling, ng solusyon o ng reprimand para po dito.
02:22If repeatedly done for three times, nire-recommend ng guidance office for suspension.
02:31Tinayak naman ni PNP Chief Nicholas Toro III na pwede magsumbong sa kanila ang mga biktima ng bulihing kapag tumawag sa 911 emergency hotline.
02:39Ibababa ito sa local police station na siya namang magbibigay alam sa mga school head tungkol sa sumbong.
02:46Marisol Abduraman, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:51Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
02:54Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
03:09Ha-ha.
03:10Ha-ha.

Recommended