Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/17/2025
Halos dalawang libo ang estudyante pero dalawa lang ang standard classroom ng isang paaralan sa Cavite. At kahit nagdagdag na ng 6 na make-shift classroom at nakigamit ng mga bakanteng housing unit apektado pa rin ang kalidad ng pagtuturo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Halos 2,000 students, but 2,000 students are in a standard class for a class at the Cavite.
00:09And even if you have a 6 makeshift classroom at using a vacant housing unit,
00:16it's also affected the quality of learning.
00:20Mark Salazar, exclusive!
00:23Dito sa Kalubkob Elementary School sa Nae Cavite, matinding sakripisyo ang kapalit ng edukasyon.
00:33Mahigit sa 1,800 enrollees pero dalawa lang ang standard size classroom.
00:38Ang 6 na iba pang silid ay makeshift o yung pansamantala lang nagawa sa magagaang material.
00:44Kaya ang pagitan ng dalawang silid, blackboard.
00:47Ang nagsisiksikang grade 4 student sa isang makeshift classroom, 64.
00:53At sa kabilang classroom, 77 ang pinagkasya.
00:58Ang may lamang biruan nga ng mga teacher dito, hinga lang ang pwedeng gawin ng mga bata, bawal kumilos.
01:05Di po kami makadaalong maalos.
01:07Sobrang sikip po dito sa school.
01:10Sa sobrang sikip, ang row 1 ng grade 6 class nakadikit na sa blackboard.
01:15At halos lumabas na ng pinto ang upuan ng ilan.
01:18Ang kindergarten to grade 3 nga ng Kalubkob Elementary School ay pinanghiram na lamang ng ilang bakanting housing unit sa kalapit na pabahay ng gobyerno.
01:29Ang mga pabahay units na ito dito sa barangay Kalubkob na ay Cavite ay nasa 30 square meters lamang ang lapad.
01:37Pero pinilit itong maging mga silid-aralan.
01:41Pinagkakasya ang nasa 45 hanggang 50 ng mga estudyante.
01:46Talagang wala na kasing choice kundi gamitin ang mga unit na ito para lang mapunan ang pangangailangan ng mga bata sa classroom.
01:54Pati kinder na nag-aaral palang magsulat, walang armchair kaya sa hita ay pinapatong ang sinusulatan.
02:02Di kalayuan, itinatayo ang dalawang school building sa mas malawak ng campus.
02:07Pero walang detalyang nakalagay sa project board ng DPWH.
02:11Ayon sa mga nag-aabang na teacher, 2023 pa raw ito nasimulan.
02:16Idinadaing din ang mga guru ang nasa sakripisyong kalidad ng kanilang turo.
02:20Since Sula kaming laboratory, napaka-limited nung pwedeng pagkilusan.
02:26Sula kaming ICP room, hindi nakakapag-hands-on ang mga bata.
02:31Halimbawa po, sa laro, nagda-download na lang ako ng video.
02:35Kahit po sa classroom, hindi namin siya ma-execute kasi sikip din po yung classroom.
02:39Halimbawa po, ang aming topic ay sa dance.
02:41Hindi ko rin po maituro sa kanila.
02:43Video na lang din po kasi wala nga po kaming space.
02:47Kulang din sa guru ang Kalubkob Elementary School.
02:50Ang grade 6 class na ito, 65 silang lahat sa isang kwarto ay naka-standby muna ngayon
02:56dahil meron silang isang subject na wala pa silang teacher, yung mape.
03:01Dahil sa katotohanan, may problema talaga ng kakulangan sa paaralan na ito ng mga guru.
03:07Ang problema ng Kalubkob Elementary School, hinaharap din ng iba pang guru't mag-aaral sa bansa.
03:12Sabi nga ng DepEd, aabuti ng 55 taon bago mapunan ang 165,000 na kakulangan sa mga classroom.
03:22Pero hanggang kailan kaya magtitiis sa mga bata para makamta ng karapatang mabigyan ng maayos na edukasyon
03:28kung sa simpleng pasilidad, hindi nila matamasa.
03:31Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.

Recommended