Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/16/2025
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:006 Filipino na ang nasaktan sa patuloy na gantihan ng atake ng Israel at Iran.
00:08Isa sa kanila ang kritikal matapos madaganan ang debris mula sa isang gusali.
00:13Nakatutok si JP Soriano.
00:19Muling umalingaungaw ang mga sirena sa Tel Aviv, Israel.
00:23Dahil sa sunod-sunod na missile na pinakawalan ng Iran na sinasalag ng Iron Boone Defense ng Israel,
00:33sa dami may mga nakalusor at tumama sa mga gusari at sasakyan.
00:38Nagsimula ang palitan ng airstrikes nitong biyernes nang atakihin ng Israel ang Iran
00:43sa layong tapusin ang ballistic missile capability nito at tigilan ang pag-develop ng atomic weapons.
00:49Babala ng Iran, mas malala pa ang kanilang gagawin kung patuloy na titindi ang tensyon.
00:56Umakyat na sa 23 ang nasawi sa Israel.
01:00Sa Iran naman, mahigit 200 na ang napatay.
01:04Isang Pilipinong caregiver sa Rehoved, Israel ang nasa kritikal na kalagayan ngayon.
01:09Nadaganan siya ng mga debris ng tinamaang gusari.
01:12Naipit po yung kanyang neck, yung kanyang lieg and monitoring po ngayon kasi nasa ICU po siya.
01:20Hopefully, she's able to pass the night para ma-stabilize yung condition para pwede siyang operahan.
01:28Isa pang Pinoy caregiver ay nagtamurin na matinding sugat.
01:31Ang sinasabi lang, kailangan nang tignan kung ano yung baka magkaroon ng life-changing impact yung sugat niya sa kanya once she heals.
01:44Ang apat na iba pang Pilipinong nasaktan nakalabas na ng ospital ayon sa Philippine Embassy.
01:50Nakausap ko ang isang OFW na nagpadala ng mga video nang saglit siyang makalabas sa gusali kung saan siya nagtatrabaho.
01:57Gabi, alos lahat ng building dito. Puro basag yung mga pinto.
02:02Ang building na ito, wasak na at di makilala.
02:05Gabi, yung pretty spirit ng mga Israeli na kahit basag na, tinatayo pa rin na yung bagi na.
02:12Ito yan oh.
02:14Abe! Abe!
02:17Why?
02:19Oh my goodness!
02:20Sa ngayon, wala pang gagawin sa pinitang pagpapa-uwi sa mahigit 30,000 Pinoy doon.
02:27Ngayon po ay nasa crisis mode at heightened alert ang DFA, ang DMW at OWA para matulungan po ang mga OFW at ang kanilang mga pamilya.
02:37Ready po ang ating mga ahensya kung kinakilaan po ng repatriation.
02:42Ang mga nakaschedule na talagang iuwi at nais umuwi, sisikapin daw may alis agad ng Israel sa lalong madaling panahon at sakaling dumami pa raw ang mga nais umuwi.
02:53We always stand ready for any eventuality including mass repatriation.
02:58Bukod sa Israel, mayroong 30 Pilipinong nagtatrabaho sa Iran.
03:02Nobody has been adversely affected in the Iranian side. Targeted kasi ang attacks naman doon and we continue to hope and pray na again humupa yung hidwaan na ito para wala nang further na maapekto, anong masaktan.
03:19Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, nakatuto 24 oras.
03:25Pinadarag na gamparang Pangulo ang mga public school teacher.
03:29Ayon sa Depet, inaasahang bababa sa 30,000 ang kakulangan nila mula po sa kasalukuyang 50,000.
03:36Pero paano ang mga kulang namang classroom na limang dekada pa raw bago mapunan?
03:42Ang pansamantalang hakbang sa pagtutok ni Darlene Kain.
03:45Bukod sa mga pamilyar na mga tagpo, tulad ng mga bagong estudyanteng na sese-punk sa mga magulang,
03:58may espesyal sa unang araw ng pasok sa Epifanio de los Santos Elementary School sa Malate, Maynila,
04:03isa sa pinakamalaki sa lungsod.
04:05Kinumusta kasi sila ni Pangulong Bongbong Marcos.
04:08Sa isang grade 1 class nga, sinubukan pa niya ang kakayahan ng mga estudyante sa pagbasa.
04:15At bago lumabas ang pangulo.
04:28Pinulong niya rin by videoconference sa mga kinatawa ng ibang paaralan.
04:32Utos niya, magdagdag ng 20,000 guro at 10,000 administrative staff.
04:37Sa 20,000 na yun, 16,000 na na-hire ng DepEd na bagong guro.
04:4710,000 na administrative.
04:50Hindi ito nagtuturo, kundi pinapatakbo ang eskwalahan.
04:57Para yung teacher talagang nagtuturo.
05:00Mababa rin anya na 60% lang ang mga paaralan na may internet connection.
05:04Ang problema talaga, kuryente.
05:06Kaya aayusin natin yung dahan-dahang makikita natin, magiging 100% yan lahat.
05:11Problema rin ang tubig kahit sa paaralan ito sa Maynila tulad sa mga napo na sa Bulacan.
05:17Kahit may supply ng tubig sa ibang bahagi ng paaralan tulad sa CR na ito,
05:21sa handwashing area, may mga gripong walang tulo.
05:24Ang ating school ay matagal na, so iso po sa challenges yung mga old pipes.
05:28Ang ating mga non-teaching staff ay talaga pong sinisikap po na ma-i-check
05:34at kami po ay, yun nga po, may pagkatang iipon po kami ng mga tubig
05:37at may marami po kami mga container do.
05:39At sa, yun nga po, para kinabukasan, tuloy-tuloy po.
05:42Meron kaming standing order after that visit nung ni Presidente sa Bulacan.
05:47Prioritize yung mga CR.
05:49Dahil yun ang, pag hindi malinis ang CR, doon nagmumula yung sakit.
05:53Sa Tenement Elementary School sa Taguig,
05:55na binisida naman ni Education Secretary Sonny Angara,
05:58kulang ang mga classroom para sa mahigit 8,000 enrollees.
06:01Kayahin natin sa dalawa ang maraming silid.
06:04Sa buong Pilipinas, 165,000 ang kulang.
06:08Pero, aabutin daw ng 55 taon bago yan mapunan.
06:13Yun, sa proposal namin, pagka dumaan ng NEDA yun,
06:16siguro by next year makapag-umpisa na ng construction.
06:18E doon sa proposal nga natin,
06:20in the next three years, we will start construction of 105,000 classrooms.
06:23Pinag-aaralan na ang pagpapalawig ng voucher system sa ibang rehyon
06:27para sa private schools muna mag-aral ang ilang estudyante
06:30at sasagutin ang gobyerno ang tuition.
06:33Samantala, siyam na lang ang eskola naman
06:35na magpaputupad ng revised curriculum para sa senior high school
06:38imbis na next school year.
06:39Talagang nag-overtime ang karamihan para sa preparation.
06:43Otos ng Presidente na kailangan job-ready na
06:46at naka-relevant yung curriculum ng mga senior high school students.
06:50Para sa GMA Integrated News,
06:52Darlene Kai nakatutok 24 oras.
06:59Good evening mga kapuso!
07:01Kinakiligan ng Barda Shippers
07:02ang birthday greeting ni Barbie Forteza kay David Licauco.
07:06Equally proud daw sa achievement ng isa't isa ang Team Barda,
07:09kabilang ang upcoming psychological horror film ni Barbie na P77.
07:14Makitsi ka kay Nelson Canlas.
07:19Short but sweet message ang ipinost ni Barbie Forteza
07:23sa 31st birthday ni David Licauco kahapon.
07:26Pero ang kinakiligan ng fans
07:28ang pagtawag ni Barbie sa second name ni David na Alexander.
07:32Palagi raw proud si Barbie kay David
07:34at sagot ng pambansang ginoo,
07:36ganon din siya sa ka-love team na sobra raw niya ang na-appreciate.
07:41I'm very proud.
07:45Hindi.
07:46Si David kasi napaka-hardworking yung businessman.
07:50Basta ang wish ko lang para sa kanya,
07:53every night he goes to sleep.
07:55Masaya siya.
07:55Hindi naman maitago ni Barbie ang excitement niya.
07:58Kilala niyo si Nana?
07:59Sa nalalapit na pagpapalabas ng GMA Pictures
08:02and GMA Public Affairs offering na P77.
08:05I really am a fan of these types of films.
08:09Yung mind-bending horror.
08:12Yung talagang ang target nila talaga yung utak mo.
08:17Plays with reality eh.
08:19That's why it's so scary.
08:20Kasi masyado siyang totoo.
08:23Ano siya, magagrasp mo talaga yung horror
08:26kasi totoong buhay siya nangyayari.
08:28Saksis si Barbie nang lumagda ang GMA Pictures
08:31ng isang distribution contract sa Warner Brothers Philippines.
08:36Ito ay para sa distribution ng highly anticipated horror film na P77.
08:41Very happy to be the 7th local film to be distributed by Warner.
08:47So tamang-tama, diba?
08:48GMA 7, 7th film, P77.
08:51So mukhang ano, the stars are aligning for this movie.
08:55And we're very, yes, we're very happy na
08:57I believe that with Warner's help
08:59we can bring this movie to a wider audience.
09:02Nelson Canlas, updated sa Showbiz Happenings.
09:06Si Buck sa pwesto ang dalawang opisyal ng Land Transportation Office Region 2
09:10na naahulikam na nanakit sa dalawang lalaki
09:13kabilang ang isang menor de edad.
09:15Sa videong kuha sa Tuguegaraw, Cagayan
09:17kitang sinapak ng isang opisyal ang isang lalaki
09:20pagkatapos ay sinipa ng kanyang kasama ang menor de edad.
09:25Nag-ugat po manaw ang insidente
09:26ng may gustong palapiting singer ang mga opisyal
09:28ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon.
09:32Pang-aabuso ang ginawa ng mga opisyal.
09:34Hindi naa niya kailangan pa ng imbestigasyon
09:36kaya ipinagutos ang agarang pag-alis sa kanila sa pwesto.
09:44Matinding pagsubok ang kinakaharap ng mga magsasaka
09:48sa binggit dahil sa mga naranasang tagtuyot, bagyo at landslide noong 2023.
09:55Habang nagsisikap sila para sa kinabukasan ng mga anak,
09:59ang mga bata naman, nagtitiis sa luma at sirang silid-aralan.
10:06Kaya nagpatayo roon ang GMI Kapuso Foundation
10:08ng tatlong classroom na naggamit na ngayong unang araw ng eskwela.
10:14Ngayong pasukan,
10:21mga pinagluma ang gamit pang eskwela muna
10:24ang gagamitin ng mga anak na magsasakang si Ferda
10:28na taga bugyas sa binggit.
10:31Malimit ganito raw ang kanilang sitwasyon tuwing pasukan,
10:35lalo na kung hindi maganda ang bentahan ng kanilang pananim.
10:39Yung presyo ng patatas ngayon, yung XXL per kilo dapat po nasa 60 or 70 mam.
10:49Bukod dito, nagtitiis din ang kanyang mga anak sa kanilang lumang eskwelahan.
10:55Nasira ang kisame at ang dingding gawa sa pinagtagpitagpingyero.
11:01Nasira kasi ito dahil na rin sa kalumaan at sunod-sunod na bagyo noong mga nagdaang taon.
11:07Pero ngayong pasukan,
11:11magiging komportable na ang mag-aaral sa kot-kot talabi sa elementary school
11:16dahil nagpatayo ang Jimmy Capuso Foundation
11:19ng tatlong bago at matitibay na kapusong classroom
11:24na may tigitigis ang CR.
11:27Bago rin ang mga upuan na gawa sa recycled materials
11:31at may limang faucet hand-washing facility na may foot bath din.
11:38Dahil hindi patagang lugar,
11:40nagpalagay tayo ng riprap sa taas at baba ng eskwelahan
11:44para matiyak ang kaligtasan ng lahat
11:47sa tulong ng LGU at mga magulang.
11:50Hindi kayo matitibag kahit na intensity 8 earthquake ang tumama dito,
11:57ginawa rin natin para kahit na tumama ang bagyo
12:00up until 300 kilometers per hour.
12:04Hindi yung siya titiklo.
12:06Nagbahagi rin tayo ng school supply sa kinder hanggang grade 3 students.
12:11At lahat ng ito ay naisakatuparan ng GMA Capuso Foundation
12:17dahil na rin sa ating mga sponsors, donors, partners, volunteers at volunteer artists.
12:38Nakakapanik tuwing may panganib,
12:40kaya challenge mag-dial ng emergency numbers.
12:43Kaya may nag-develop ng app kung saan
12:44hindi lang easy to tap ang paghingi ng tulong.
12:47Minsan, automatic na may sasaklolo.
12:50Paano? Tara!
12:52Let's change the game!
13:00Danger can be everywhere.
13:03Kung dumating ang emergency cases,
13:05handa ka ba?
13:07To seek help,
13:08There's an app for that na kasalukuyan ang tinatest ng ilang LGU
13:12in partnership with DOST and DICT.
13:17Ang alerto app,
13:18kayang alertohin ang mga otoridad automatically.
13:22Kaya kasi nitong i-connect ang third-party devices
13:25tulad ang TEP at Fire Alarm sa command center ng gobyerno.
13:28Pag na-trigger itong mga IoT devices na ito,
13:31like the smoke alarm,
13:32in real time,
13:34darating dito sa command center.
13:36And sila na bahala,
13:37ang barangay,
13:38ang city,
13:39bahala mag-respondo sa incidents.
13:41Malaking tulong ito sa mga hirap kumilos
13:44tulad ng mga senior at PWD na nasa bahay.
13:49Pwede rin ito sa mga laging busy at wala sa bahay.
13:52Ma-alert gan siyempre yung may-ari ng device
13:54through our mobile app.
13:55We have the AI to help our LGUs,
13:58our barangays,
13:59filter the right incidents
14:02from the pranks and false alarms.
14:06Sinubukan namin ang alerto app
14:07sa isang fire-prone area
14:09sa barangay Commonwealth, Quezon City.
14:11Kasi yung mga bahay po rin,
14:13gawa lang po sa light materials.
14:14Sa barangay namin kasi,
14:16maganda po yung communication namin.
14:18Pero dahil po sa tulong ng alerto,
14:21lalo pong mapapabilis yung responde.
14:25So ngayon, kasama,
14:27yung team ng alerto PH
14:28at ilang membro ng LGU,
14:30pupuntahan natin yung isa sa mga sinasabi nila
14:32na fire-prone area.
14:35Kakabitan natin ang device.
14:36Tara!
14:39Icononect ang app
14:40sa mga donated fire prevention gadgets
14:42na dinonate sa ilang bahay.
14:44Okay mga kapuso,
14:45hawak na natin itong smoke detector.
14:46Ito yung device
14:47na ikakabit natin sa bahay
14:49nila Sir Jose Lito.
14:50Pag merong na-detect,
14:52nausok,
14:53itong device natin,
14:55e tutunog siya.
14:56Pag kinonfirm niya,
14:57e di diretsyo
14:58dito sa ating command center.
15:01Maipapadala na sa LGU,
15:03kanila alert to PH team,
15:05kundi kaya naman dun sa
15:07kung sino yung namamahala
15:08dun sa closed community na yun
15:10at mag-respond dun sa mga inquiry
15:12or mga incident alert.
15:13They can even do a video call.
15:15This is a decentralized command center.
15:18Sana lahat ng mga bahay
15:20mayroon ng ganyan para
15:21yung kispay sunog,
15:23ma-dedect agad
15:25mas pabilis yung responde nila.
15:27Pwede rin magsumbong
15:28ng ibang emergency
15:29na hindi nangangailangan
15:31ng devices.
15:32They can actually add,
15:34let's say,
15:35someone reported
15:35a case of child abuse.
15:38Right?
15:39So,
15:39it will come as an incident as well,
15:41but now they can already
15:43tap into like DSWD.
15:46There you have it mga kapuso,
15:48a game-changing invention
15:49that will automatically
15:50send help to the community
15:52in case of emergency.
15:54Para sa GMA Integrated News,
15:56ako si Martin Avier,
15:57Changing the Game!
15:58Buena manong nagpasaya
16:04ang lead stars
16:04ng upcoming GMA series
16:06na Beauty Empire
16:06at Akusada
16:07sa mga kapusong batanggenyo.
16:10Ang pagdiriwag nila
16:11ng Sinukmani Festival
16:12sa Rosario
16:13sa report
16:14ni Diane Localliano
16:15ng GMA Regional TV.
16:16Ang grande,
16:22makulay
16:23at makapigil-hininga
16:25ang masayang pagdiriwang
16:27ng taonang Sinukmani Festival
16:29sa Rosario, Batangas.
16:31Nakisaya riyan
16:32ang cast
16:33ng bagong series
16:34ng GMA
16:34na Beauty Empire
16:35na sina Barbie Forteza,
16:38Kaylin Alcantara,
16:39Sam Concepcion,
16:41Polo Laurel
16:42at Shifu na Cher
16:43mula sa Beauty Empire.
16:45Nagpapasalamat po
16:46kaming lahat
16:47sa lahat
16:47na nagpunta dito
16:49to celebrate
16:49Sinukmani Festival
16:51with our kapusos
16:52here in Batangas.
16:53And also,
16:54I will take this chance
16:56to invite everyone
16:57to please watch
16:58Beauty Empire
16:59soon on GMA Prime.
17:00Happy, happy
17:01Sinukmani Festival.
17:03Ang saya po
17:04na experience namin
17:05ditong Beauty Empire cast
17:06kasi as usual,
17:07mainit yung pagtanggap
17:08nila sa amin dito.
17:12Sinalubong din
17:12ang cast
17:13ng upcoming
17:14Afternoon Prime series
17:15na Akusada
17:16na sina Andrea Torres,
17:18Lian Valentin,
17:19Marco Masa
17:20at Ashley Sarmiento.
17:22Maraming maraming salamat po
17:24dito sa Rosario Batangas.
17:26Super nag-enjoy po kami
17:27at lalong-lalo na
17:28sa inyong Sinukmani.
17:30June 30 na po
17:31mag-i-air ng Akusada.
17:33Happy Sinukmani Festival po
17:35mga kapuso.
17:36Grabo yung pagtanggap
17:37sa amin ng mga tao
17:38dito sa Rosario Batangas.
17:40Lapit na po
17:40ipalabas itong Akusada
17:42ngayong June 30 na po.
17:43So please po
17:44abangan po rin niyo
17:45mga kapuso.
17:46Akala nyo gaytapos na?
17:48Wait,
17:48there's more!
17:50Dahil nakibahagi rin
17:51sa lokal na tradisyon
17:52si All Out Sundays
17:53diva Marianne Osabel
17:55sa pamamagitan
17:56ng pagtikim
17:57at mismong
17:58pagluluto
17:59ng Sinukmani.
18:01Maraming maraming
18:01salamat po sa inyong
18:03mainit na pagtanggap.
18:04Naramdaman po namin
18:05ang inyong energy.
18:06Nag-enjoy po kaming lahat.
18:09Hindi rin makukumpleto
18:10ang selebrasyon
18:11ng Sinukmani Festival
18:12kung wala ang
18:13pangmalakasang
18:15street and court
18:16dance competition.
18:18Pasiklaban din
18:19ang mga tinaguri
18:19ang Sinukmani Queen
18:21sa pag-indak.
18:22At,
18:23kabilang sa mga
18:24hurado ng
18:24kompetisyon,
18:26ang ex-housemate
18:27ng Pinoy Big Brother
18:28Celebrity Colab Edition
18:29na si Josh Ford.
18:32Grabe,
18:32ang galing po nila
18:33ng lahat.
18:34Grabing energy
18:34na pinakita nila sa akin.
18:35Maraming salamat po
18:36siyempre sa pag-imbita
18:37sa akin dito.
18:38Mula sa GMA Regional TV
18:40at GMA Integrated News,
18:43Dayan Locaillano,
18:45Nakatutok 24 Oras.

Recommended