00:00Maraming kinundinan ang liderato ng Kamara ang pagpaslang sa isa sa House Panel Official nitong weekend kung saan hiniling ni Speaker Romualdez ang mabilis na justisya para sa sinapit ng kanilang kasamahan.
00:13Ang detalya sa Sentro ng Balita ni Mela Les Moras.
00:16Angelique, tiniyak ng liderato ng Kamara na gagawin nila ang lahat para mapanaig ang justisya dito nga sa naging pagkamatay ng isang House Official na nangyari nitong weekend.
00:34Ang birthday celebration na ito sa barangay Commonwealth, Quezon City nitong weekend,
00:40na uwi sa trahedya at pighati matapos barilin at masawi ang ama ng birthday celebrant na isang direktor sa Kamara.
00:50Sa inisyal na investigasyon ng Quezon City Police District, nakasaad na dalawang hindi pa natutukoy na suspect ang biglang pumasok sa venue at malapitang binaril ang biktima.
01:00Bago tumakas, binaril din nila ang security guard sa lugar.
01:04Mariing kinundina ni House Speaker Martin Romualdez ang nangyari at hinimok ang lahat ng law enforcement agencies na mahigpit na tutukan ang kaso sa ngalan ng justisya at katotohanan.
01:16Sabi ni Romualdez, lubos ng ikinalungkot at ikinagalit ang nangyari sa isa nilang opisyal na nagsilbing Chief of Technical Staff ng House Committee on Ways and Means.
01:26Bagamat hindi patukoy ang motibo sa krimen, umaasa siyang magkakaroon ng malalimang pagsisiyasat sa nangyari.
01:34Para sa pamilya ng biktima, nagpaabot na rin ang pakikiramay ang kamera kasabay ng pagtitiyak na gagawin nila ang lahat para mapanagot kung sino ang nasa likod nito.
01:47Angelique sa isang pahayag ay nagpaabot na rin ang pakikiramay sa pamilya ng sa mga ulilang kaanak at mahal sa buhay nitong isang opisyal ng kamera,
01:58si House Ways and Means Committee Chair, Joey Salceda.
02:01Bahagi kasi ng kanyang komite, itong opisyal ng kamera na nasa winga nitong weekend.
02:06At Angelique, mabanggit ko na lamang din, kani-kanina lamang, sa iba pang usapin ay nakapanigam ng House Media dito sa kamera,
02:13siya, ang isa sa mga prosecutor sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte,
02:19na si San Juana City Representative Belzamora.
02:23At sabi niya, katatapos nga lang nung kanilang small group meeting,
02:27at tiniyak niya na kahit nga nakasinidia adjournment ang kongreso, ay tuloy-tuloy yung kanilang paghahanda.
02:32At sa ating panayam, Angelique ay sinabi niya na hindi dini-delay ng kamera ang proseso dahil nasa Senado na ang bola ngayon.
02:42Angelique?
02:43Yes, tungkol dito sa pagkakapas lang sa isang House Panel official,
02:49meron bang hakbang ang mga polis na tawagin para ma-interview o matanong ang ilang mga membro ng kongreso tungkol sa kanya?
03:05Angelique, sa panig ng polisya, tiniyak ng QCPD na lahat ng informasyon na makakalap nila ay gagawin nila,
03:12talagang kukuni nila lahat ng pwede nilang magkaroon nga ng lead.
03:17Para nga dito sa motibo, dito sa krimen, kasi Angelique, talagang ikinalulungkot din nga dito sa panig ng kamera,
03:24ng liderato ng kamera yung nangyari.
03:26Lalo pat ito nga ay isang, ngayon lang ito nangyari sa kanila na talagang ngayon na lang in recent years
03:34na may pinatay na isang opisyal dito sa kamera.
03:37At Angelique, sa ngayon, hindi pa naman matukoy kung ano talaga yung motibo sa krimen,
03:41pero even the House officials ay nag-commit na talagang kung ano yung maaari nilang gawin ay sila ay tutulong
03:48para nga talagang marisolba at manaig yung katotohanan at hustisya dito sa nangyari.
03:54Angelique?
03:55Okay, maraming salamat sa iyo, Mela Lesmoras.