Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/16/2025
Panayam kay Date Security and Compliance Office Director ng National Privacy Commission Atty. Aubin Arn Nieva kaugnay sa inilabas na guidelines ng NPC hinggil sa paggamit body-worn cameras

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inilabas na guidelines ng NPC hinggil sa paggamit ng body-worn cameras
00:05ating aalamin kasama si Atty. Obin Arne Nieva,
00:09Data Security and Compliance Office Director ng National Privacy Commission.
00:14Atty. Magandang tanghali po.
00:16Magandang tanghali po. Unang-una sa lahat.
00:18Maraming salamat sa pagkumbida sa National Privacy Commission sa inyong programa.
00:24First question, sir.
00:25Sir, pwede pakipaliwanag po kung ano yung nilalaman nitong circular number 2025-01
00:33tungkol sa paggamit ng body-worn cameras.
00:35Opo. Ang pinakalayunin ng circular 2025-01
00:42ay protektahan ang data privacy rights ng mga data subjects
00:47na kinokolektahan ng personal na datos
00:49gamit o sa pamamagitan ng body-worn cameras
00:53or alternative recording devices
00:56kagaya ng cellphone, smartwatches at smartglasses.
01:01Isang layunin din ito ay upang magkaroon ng accountability
01:04sa mga police or mga security guards na gumagamit
01:08at sa mga vloggers din na gumagamit ng body-worn cameras
01:12sa paggawa o sa pagsulong ng kanilang mga trabaho.
01:17Sir, ano po yung dahilan sa likod nitong bagong panuntunan
01:20sa paggamit itong mga recording devices para sa ating mga police?
01:22Ang isang dahilan nito ay yung pagangat
01:25o pagdami ng bilang na gumagamit ng body-worn cameras
01:29sa kanilang mga operasyon
01:30o sa kanilang mga normal na trabaho.
01:33Lalong-lalo na na nasa digital era tayo
01:36upang maiwasan natin ang pag-aabuso
01:39ng mga kinokolektang personal na datos
01:40sa pamamagitan ng body-worn cameras.
01:43Para po sa mga nagpapatupad ng batas,
01:46ano po yung mga dagdag na alituntunin o pagbabago
01:49na kailangan nilang sundin?
01:51Obviously, may responsibility sa paggamit ng body-worn cameras.
01:55Ang isa sa pinaka-importanting dagdag na obligasyon nila na gawin
01:59ay yung transparency o privacy notice.
02:01Kailangan kapag nagpapasutupad ka ng iyong operasyon,
02:06ang personal information controller
02:08ay dapat atasan niya yung kanyang kapulisan
02:12na magkaroon ng privacy notice
02:15na nagkakaroon ng recording
02:17na nangyayari doon sa operasyon na iyon.
02:20Kailangan may visual indicator
02:24na nakarecord na yung operasyon na iyon
02:27na kinukuha na na sila ng personal na datos.
02:30Sir, paano naman po sinisiguro ng NPC
02:33na hindi maaabuso yung paggabit nitong body-worn cameras
02:36lalo na sa mga sensitive na mga operasyon
02:38sa pagsiserve ng warant
02:39lalo na kung may mga minor de edad?
02:43Naglagay po kami dito sa circular na ito
02:45na mga alituntunin ng gagabay
02:48sa mga personal information controllers
02:50na gumagamit ng body-worn cameras
02:51or alternative recording devices.
02:54The number one na linagay namin dito
02:57ay dapat merong kayong organizational,
02:58technical, at physical security measures
03:02na ipin-implement sa inyong ahensya,
03:06sa inyong mga kapulisan
03:07or sa inyong mga security guards.
03:10Organizational.
03:11Pwede tayong magsagawa ng mga trainings
03:13sa ating mga kapulisan
03:15kung paano nga ba wastong gamitin
03:17ang body cams.
03:20At sya ka sa organized as a technical,
03:24kailangan yung nakukolek na nating personal na datos
03:27ay encrypted.
03:28Gumami tayo ng encryption technology.
03:30At sa physical,
03:31sino nga lang ba ang pwedeng mag-authorize
03:34na kumuha ng mga personal na datos na ito?
03:37At sineshare pa ba ito sa iba?
03:39Ito po ay mahalaga upang ma-maintain natin
03:42yung tinatawag na CIA triad
03:45o ang confidentiality, integrity,
03:47at availability
03:49ng personal na datos na kinukuha.
03:52Kadalasan po,
03:53nagkakatalo sa definition of terms,
03:55attorney.
03:56So, pwede nyo po bang ipaliwanag
03:58sa konteksto ng batas?
03:59Ang ibig sabihin ng transparent,
04:01fair, and lawful use?
04:03Transparency,
04:05ang ibig sabihin po nito ay
04:06concise at understandable language.
04:10Dapat po naiintindihan
04:12ng data subject
04:13yung ibig sabihin
04:14na ibabahagi nyo sa kanila
04:16yung pagawa
04:18o pag-record
04:19nung body-worn cameras na yun.
04:21Dapat naiintindihan nila.
04:22At ayon po sa Circular 25-01,
04:27dapat itong nakatranslate sa Pilipino
04:29para sila talaga ay naiintindihan
04:32kung bakit sila kinukuha na
04:33ng personal datos
04:34gamit ang body-worn cameras.
04:37Fair and lawful.
04:39Fair and lawful.
04:40Ibig sabihin,
04:40hindi ito unduly oppressive
04:42doon sa kinukuhanan mo
04:44ng personal na datos.
04:46Unduly oppressive.
04:48Ibig sabihin,
04:49hindi ito namamahiya ka na
04:51sa pagkuhan mo
04:52ng personal na datos,
04:54sa pag visual and audio recording mo.
04:57Niayapakan mo na
04:58ang kanyang pagkatao.
05:00Yan ang avoiding unduly oppressive.
05:03Recordings.
05:05Sir, ano naman po yung papel
05:07halimbawa sa mga private security personnel?
05:10Ano po yung obligasyon nila
05:11sa ilalim ng Circular na ito?
05:12Kasi kung halimbawa naman,
05:13private naman sila na
05:15nagbabantay lang
05:16ng isang mayaman o
05:18pribadong individual.
05:19Ano po yung saklaw
05:20ng Circular na ito?
05:22Kagandahan po sa Circular na ito,
05:24kung ano po ang obligasyon
05:25na ipinataw sa kapulisan,
05:27yun din po,
05:28patas lang po
05:29sa mga private security agencies.
05:32Kagaya po ng
05:33meron dapat kayong legal basis
05:35o lawful basis
05:36sa pagkolekta ng personal na datos
05:38gamit ang body-worn cameras.
05:40Dapat po,
05:41sinusunod nyo ang basic principles
05:43o general principles
05:44ng privacy
05:45on transparency,
05:47legitimate purpose,
05:48proportionality,
05:49lawfulness,
05:50and fairness.
05:52Nabangit nyo kanina, sir,
05:53yung hindi dapat
05:54na yuyurakan yung pagkatao.
05:56Tama po.
05:57Paano nyo po masasabi
05:58na yung personal data na po
06:01yung nakakapture doon
06:02sa body cam?
06:04At paano kung hindi ako
06:05yung main subject,
06:06kunyari incidental lang ako,
06:08ano po yung rights ko rin
06:10na dapat maprotektahan?
06:13Yung mga data rights nyo po
06:15ay nakasaad na yan sa batas.
06:17Kung hindi po kayo
06:18yung main subject na yun,
06:19may mga karapatan po
06:20kayong mapa-erase
06:21yung video na yun.
06:23May karapatan po kayong
06:24ipa-correct yung video na yun
06:26o mapa-take down yung post na yun.
06:28Or pwede nyo pong
06:29ipa-mask
06:30or i-blur yung mukha nyo
06:32doon sa video na yun.
06:34Yan po ay mga data subject rights.
06:37So, sir,
06:37para naman doon sa mga vloggers,
06:39ano yung,
06:39ito yung mga sinasabi nyo,
06:41yung mga nasagasaan lang
06:42ng video,
06:43para naman doon sa mga vloggers
06:44and content creator,
06:45ano naman po yung dapat gawin
06:47para kung sakaling sila rin
06:49ay magpa-take down
06:50or may mga taong gustong
06:52magpa-take down din
06:53sa kanilang mga vlogs.
06:54Tama po.
06:55Kung wari po,
06:56ako ay vlogger
06:57na doon po ako
06:58sa isang public place
06:59or sa may public place.
07:01Ako po ay
07:02nagsasayaw-sayaw doon
07:03at sa nagkataon,
07:04may mga bystander
07:06o mga tao sa paligid ko
07:09na nakuhanan ko ng video.
07:10Ang importante po dito,
07:12sabi sa circular,
07:13dapat doon sa social media platform mo,
07:16meron kang privacy notice
07:17na ito ang paggagamitan
07:19ng video na yun.
07:20Ano yung mga mechanism
07:21kung paano i-exercise
07:23nung data subjects
07:24na nakuhanan ko
07:25na ma-exercise nila
07:27yung kanilang
07:28data subject rights.
07:30Kagaya ng erasure,
07:31correction,
07:32pag-blur,
07:33pag-mask
07:34o pag-take-down ng post.
07:35Isa pa pong importante dito
07:37ay dapat ang vlogger
07:39inaatasan po
07:40ng circular na ito
07:41ay gumamit
07:42ng isang teknolohiya
07:43ng masking.
07:45I-mask nyo po,
07:46i-blur nyo po
07:46ang mga muka,
07:48lalo na ng mga bata
07:49at ang mga miyembro
07:50ng society
07:52na vulnerable,
07:53kagaya ng elderly
07:55and PWDs.
07:57In terms of penalties naman, sir,
07:59doon sa mga lalabag po dito,
08:01ano po yung pwede nilang
08:02kaharapin na parusa?
08:03Under the circular po,
08:05haharap sila
08:06sa mga kasong
08:07administratibo,
08:09civil,
08:09at kriminal.
08:11Wala pa po dyan
08:11yung mga admin fines
08:13na pwedeng ipataw
08:14according to the circular
08:15on admin fines
08:16ng NPC.
08:18May follow up lang, sir.
08:19Paano kung halimbawa
08:20itong si vlogger
08:20nag-request yung
08:21sinasabi ninyo
08:22na nakunan nagsasayo
08:23sa isang club ngayon,
08:25nag-request siya doon
08:26sa content creator,
08:28natanggalin siya doon
08:28or blur siya?
08:29Paano kung tumanggi
08:30si vlogger?
08:30Saan po pwedeng magsumbok?
08:32Pwede na po kayong
08:33tumungo
08:34o dumulog
08:35sa National Privacy Commission
08:36or sa complaints
08:38at privacy.gov.ph
08:40at agad-agad po namin
08:41a-actionan
08:42ang inyong mga
08:43hinahing at reklamo.
08:45Kailangan tutukan
08:47talaga natin ito
08:47kasi maraming
08:49siguro masasagasaan din
08:51lalo na doon
08:51sa mga vloggers
08:53na medyo hindi
08:54responsable din
08:55sa kanilang
08:56pagkakontent.
08:57Paalala rin po
08:57sa mga vlogger
08:58na kung ito na po
09:00talaga ang inyong
09:00trabaho,
09:01vlogging hindi lang hobby,
09:03kailangan nyo pong
09:03mag-rehistro na
09:04sa National Privacy Commission
09:06dahil ito po
09:07ay pinagkakakitaan nyo na.
09:09Sa pag yung
09:09niyong nag-rehistro
09:10meron po ang penalty?
09:11May penalty na po.
09:12Pwede kami maglabas
09:13ng show cost order
09:14hanggang 50,000 pesos
09:15ang multa.
09:16Saan po mag-register?
09:17Sa opisina ko po
09:19sa Data Security
09:20and Compliance Office
09:22pwede po kayong
09:23mag-rehistro
09:23sa National Privacy
09:24Registration System
09:26online.
09:26Ayan, sige.
09:28Kailangan balikan natin ito
09:30kasi malamang maraming
09:31talaga magtatanong
09:32about this
09:33in the coming days.
09:34Maraming salamat po
09:35sa inyong oras
09:36Attorney Bin Arne Nieva
09:38Data Security
09:39and Compliance
09:40Office Director
09:40ng National Privacy Commission.
09:43Maraming salamat po.
09:44Thank you, sir.
09:44Maraming salamat po.
09:50Maraming salamat po.
09:50Maraming salamat po.

Recommended