Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/15/2025
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Mga kapuso, magandang umaga po sa inyo.
00:02Nanito pa rin po tayo ngayon sa Quezon City High School
00:04at nanito tayo sa loob ng kanilang covered court.
00:08Ito ay para sa balik, Escuela 2025-2026.
00:11At dito po sa loob ng covered court,
00:13makikita natin na marami mga estudyante na po ang mga nakaupo
00:16at sila po ay kanikanina lamang nagdaos na
00:19ng kanilang flag raising ceremony.
00:22Sa mga sandaling ito ay magdaraos din po ng orientation.
00:25Ito po ay para sa mga grades 7 at grade 11.
00:29Dahil ito raw po yung mga batches kung saan merong mga bagong mga estudyante.
00:33At dahil nga po hindi naman kalakihan yung kanilang covered court,
00:36hindi po magkakasya yung aabot sa 2,383 na mga estudyante
00:42na nag-enroll po sa eskwelahang ito sa taong ito.
00:46At dahil po doon ay salitan yung kanilang flag raising ceremony
00:50every Monday na dinadaos dito sa kanilang covered court.
00:53So in the meantime, yung mga grade 7 and 11 lamana nito,
00:57yung grade 8, 9, 10, and 12 ay nandun po sa kanilang mga classroom
01:02at doon na magdaraos ng kanilang mga flag raising ceremony.
01:06At dito nga po sa eskwelahan na ito ay mas mababa yung enrollment
01:13kumpara doon sa inaasahan, 3,100 na enrollees.
01:17Ang sinasabing dahilan ng kanilang principal ay posibleng nagsilipatan na sa probinsya
01:23yung mga ilang mga estudyante dahil meron din ilang mga nasunugan dito sa Quezon City
01:29so malamang daw ay lumipat na doon.
01:32At ngayon nga po, school year 2025 to 2026 ay nasa ng Department of Education o Deaf Ed
01:36ang 27.6 million enrollees mula preschool hanggang senior high school.
01:40Mas mataas ito kumpara sa bilang ng mga estudyante noong nakaraang school year.
01:45At ayon sa Deaf Ed, 15.42 million na mga estudyante nasa elementary,
01:49mahigit 8 million sa junior high school,
01:51at mahigit 4 million naman sa senior high school o grades 11 to 12.
01:56At kanina nakita natin yung patuloy na pagdating,
01:59pero dahil nga 7 o'clock inaasahan yung pagsisimula ng mga klase,
02:03ay karamihan sa kanila nakasettle na po.
02:05Sa punto po ito, may makakausap po tayo ang isa sa mga estudyante nila.
02:08Ito si, ano paalan mo nga?
02:10Tiffany po.
02:11Tiffany, at anong grade mo na?
02:13Grade 12 na po, graduating.
02:15Ah, graduating sana.
02:16Ikaw bang top student?
02:18Hopefully po ngayon.
02:19Alright, paano ka naghanda para sa pasukan ngayong araw na to?
02:24Actually po, excited po ako ngayong pasukan since graduating nga po.
02:28So, thankfully po, naging productive naman po yung preparations ko kagabi.
02:32Natulog po na umaga at nagising rin po ng maaga ngayong araw.
02:35And ayan po, kagabi po, sinan po sa amin yung schedule.
02:38And ginawa ko na po, gumawa na rin po agad ng sarili kong copy
02:41para kapag ina-open ko po yung phone ko, ready na po ako and alam ko na yung schedule ko.
02:46Very diligent talaga itong batang to.
02:47At ano yung inaasahan mo sa pagsisimula ulit ng paso?
02:51Yes po, actually I'm very, I'm expecting po na matutuhan po po lalo yung mga subjects po namin.
02:57Actually, bago po yung mga subjects namin, may mga Paul Gove po and MIL na wala po sa grade 11 po.
03:03So, ngayon po, I'm really looking forward na matutuhan po with my teachers po.
03:07Alright, good luck sa iyo, Tiffany.
03:10Yes.
03:10And sana talagang makuha mo yung inaasahan mo na top honors this year.
03:16Congrats and good luck din.
03:18At sa punto naman po ito mga kapuso, para bigyan pa tayo ng karagdagan detaly
03:21para sa Balikaspera 2025 ay makakapanayan po natin ng live si Undersecretary Malcolm Garma,
03:27ang Undersecretary for Operations ng Department of Education.
03:30Maganda umaga po sa inyo, Yusek Garma.
03:32Yeah, maganda umaga Maris at maganda umaga sa mga taga-subaybay, yung programa ang unang-irip.
03:38Opo, una po sa lahat para sa kalama ng ating mga kapuso,
03:42ano po ba ang dahilan kung bakit ibinalik na ulit sa Junyo yung pagbubukas ng klase?
03:47Kasi parang anong nangyayari po, parang urong-sulong, naging August, September, tapos balik June.
03:52Ano po yung dahilan?
03:54Okay, Maris, talagang June naman, yung talagang traditional na opening of classes natin.
03:59That's why yung mga activities natin ay naka-align dito sa June opening of classes.
04:05But because of the pandemic, nag-iba-iba na.
04:07If you remember, during the pandemic, nagsara tayo.
04:11And then, nung pwede na tayo magbukas, that was the time na nagbago yung opening of school year.
04:16One reason also is that we would like to align the summer activities.
04:22Para nang sa ganun, pagkatapos ng ating mga klase, yung mga traditional summer activities natin,
04:27like the Palarumpang Bansa, National Schools Press Conference,
04:31hindi ito sasagabal o magiging sagabal habang nagkakaroon tayo ng mga klase.
04:35And of course, yung init ng panahon, we'd like to make sure na sana by the time na dumating yung summer activity
04:43o summer natin, ay hindi na wala na sa loob ng paaralan o mga classroom yung mga estudyante natin.
04:49So these are the reasons why we really exerted effort na maibalik natin ito sa Junyo.
04:54Kumusta naman po yung mga kalagayan ng mga eskwalahan natin?
04:57Gaan po tayo kahanda for school year 2025 to 2026?
05:00At kung dati, talagang sinasabi nyo mga po, iiwasan natin yung tag-init,
05:05eto naman, susuungin natin, kaharapin natin yung tag-ulan naman.
05:09And because of climate change, mukhang mas matitindi yung mga pag-ulan at pag-baha ngayon.
05:13Well, we anticipate that, na talagang taon-taon naman dumaranas tayo ng mga bagyo,
05:18pag-ulan, pag-baha.
05:21So pagka merong mga ganito, meron naman po tayong pulisiya
05:25na ang ating mga local government units ay pwede magdeklara ng suspension ng face-to-face classes.
05:33At automatic naman po ay nagsasagawa ng arrangement ng ating mga paralan
05:37upang sagawa yung mga home-based learning natin.
05:41So yan naman ay nandyan na yan, nasanay na tayo dyan simula pa pandemic.
05:45So ito po yung mga bagay na kailangan po nating in-anticipation.
05:51At mabuti nga ngayon, siguro baka ngayon lang din yung bigirang pagkakataon
05:56na opening of classes na walang ulan.
05:58At least dito sa NCR.
06:01But of course, we have to be ready for whatever calamity that will happen in the next few months.
06:09Alright, pinunap po kasi ng ilang mga grupo yung kakulangan daw ng kahandaan ng DepEd
06:13at pati na rin yung kakulangan ng mga classroom, paano po ito sinusolusyonan ng Department of Education.
06:22Kung titignan natin sa kabuuan o pangkalahatan,
06:27almost 100% naman ang mga schools natin ready yan every opening of classes.
06:32Remember, Marice, galing tayo sa one-week brigada.
06:34So malaking bagay o malaking tulong itong brigada
06:39to make sure na ang mga schools natin, particularly the classrooms,
06:43ay ready para sa opening of classes.
06:45Yung kakulangan ng classroom, ito yung isang talagang problema na tuloy-tuloy naman nating tinutugunan.
06:52In fact, we are targeting around 105,000 classrooms through public and private partnership.
06:59So hopefully, within the next year, maabot natin itong target na ito.
07:04Yusek, very briefly, ngayong taon din po yung pilot implementation na revised senior high school curriculum
07:08sa ilang mga paralanan.
07:09Ano po ba yung mga pagbabagong dapat asahan dito sa pilot implementation na ito?
07:14Okay, pilot implementation means hindi muna lahat ng senior high schools natin
07:19ay magsasagawa nitong strengthened senior high school program natin.
07:24So around mga less than 900 schools yan na napiliin natin
07:28na maging bahagi itong tinatawag natin pilot study.
07:32At itong pilot study natin, unang-una, ang pinaka-aasahan,
07:37medyo kumonti na yung subject, Maris.
07:40From 15 core learning areas na dating ginagawa o ginagawa ngayon sa kasalukuyan,
07:46ay naging lima na lang yan, Maris.
07:47Lima.
07:49So that magkaroon ng mas mahabang panahon yung ating mga senior high school
07:53para doon sa kanilang mga elective courses.
07:56That will be more relevant kung anumang career ang gustong tahaki ng ating mga mag-aaral.
08:01Pangalawa, pinalawak din natin o pinahaba natin yung work immersion hours.
08:08So from 320, 80 to 320, ngayon 640 hours na.
08:13So that means mas malaming pagkakataon ng mga mag-aaral na matuto.
08:16Ma-immerse.
08:17Yung practical na pagkatuto talaga, kung anumang career, yung kanilang gustong tahaki.
08:23And which is more needed.
08:25Maraming maraming salamat po sa informasyong binigyan niyo po sa amin sa inyong panahon.
08:29Under Secretary for Operations and Department of Education, Under Secretary Malcolm Garma.
08:34Maraming salamat.
08:34Good luck po sa pasukan.
08:36Salamat po, salamat. God bless.
08:38At yan po muna, Lita, sa sitwasyon mo na pa rin dito sa Quezon City High School.
08:42Balik po muna sa studio.
08:44Gusto mo bang mauna sa mga balita?
08:47Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
08:52Mag-subscribe na sa GMA.

Recommended